Chapter 09: Diyosa ng Hymen

2004 Words
Hindi mapakali si Emma Rose sa paghihintay. Ilang minuto nalang ay dadating si Matthias Wright sa bahay niya. And guess what? Request pa niya! Napainom muli siya ng alak at saka hinayaang hagurin niyon ang kanyang lalamunan. Kanina pa kasi siya nauuhaw dahil sa tensyon na nararamdaman. She’s decided to do it kaya ganoon nalang ang pagiging aligaga niya. Pero ano bang dapat gawin before having s*x? Paano masisigurado na magiging kaaya-aya siya sa paningin ng lalaki. Nakakahiya naman kung pinapunta niya ito pero di siya presentable? Hindi ba’t nakakawalang gana iyon? Oh no no. I’m just overthinking. Kahit ano naman gagawin ng lalaki para lang pumayag ang babae na makipagsex. Pero iba naman ang kaso nila. Kahit pa si Matthias ang unang nagpahayag ng interes eh siya naman ang tumawag rito para may mangyari sa kanila. She’s allowing it to happen! She even sent him her address para mapuntahan siya nito! Agad siyang napatingin sa salamin na nakasabit sa pader. Hindi naman ganoon kasama ang hitsura niya. She’s wearing a simple white shirt and jogging pants. Eh ano naman kung ganoon lang ang suot niya? Huhubarin lang din naman. Pero nang muling mapatitig sa salamin ay napangiwi siya. Magugustuhan ba ni Matthias ang mukhang potato couch na hitsura niya ngayon? Hell no! Napasugod siya kanyang kwarto at kinalkal ang kanyang closet. Baka naman may mga lingerie siyang naibaon na sa limot? Isa-isa niyang tinignan ang mga pwedeng susuotin. Tsk! Bakit kasi hindi siya bumibili nun? Paano ba naman, puro pajamas lang meron siya. Ang kaisa-isang papasang lingerie ay ang regalo sa kanya ni Joey noon. Isang satin na roba na may kapares na baby doll at g-string na underwear. Oh s**t. Napalunok siya habang tinitignan ang mga isusuot. Pero wala siyang choice. It’s either, iyon or ang mga pajamas niya. Or totally maghubad? Hell no! Walang magawa si Emma Rose kung hindi suotin ang nasa harap niya. And when she did ay agad siyang napatingin sa salamin. Nilugay niya ang kanina ay naka-ponytail na buhok. Kung tutuusin ay nasa tamang hapit lang naman ang tela ng lingerie sa kanyang katawan. Hindi rin naman masamang tignan ang hitsura niya. Papasa na siyang babae. Muli siyang napapikit. This is a bad idea. Pero nilakasan na lang niya ang loob. At least she’s trying. Kumuha ng suklay si Emma Rose at saka nagwisik na rin ng pabango sa katawan. Naglagay din siya ng kaunting lipstick upang hindi naman siya magmukhang maputla. Napabuntong hininga nalang siya sa final look niya sa salamin. Pwede naman na siguro. Hindi naman siya magmumukhang losyang sa paningin ni Matthias. Shuta! Bahala na si Batman! Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay ang salas naman ang inayos niya. Nilagay sa kusina ang mga hugasing baso at saka naglinis nang kaunti. Nagsindi na rin siya ng kandila na first time pa niyang gagawin sa mga scented candles na dati ay dinidisplay lang niya. Kakatapos lang niyang maglinis nang biglang tumunog ang doorbell ng kanyang pinto. Parang tambol kung tumibok ang puso niya habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. Ano kayang gagawin ni Matthias sa unang beses na makikita siya sa ganoong hitsura? Hindi kaya ito matakot? Ano ba girl! Ang ganda mo kaya! Ang kinis ng legs mo. Baka maglaway pa ‘yon. Natawa nalang siya sa mga pumapasok sa isip niya. Pero iwinaksi nalang niya ang lahat ng iyon at saka huminga nang malalalim. Ngayong gabing ito niya sa wakas maisusuko ang Bataan. Matse-checkmate ang puri. At mababasag ang kristal ng kadalisayan. What the f**k am I talking about? Kinurot niya ang sarili upang mag-focus na. Kung ano-ano na talaga ang pumapasok sa isip niya kapag kinakabahan. At nang makalapit na sa pinto ay niya iyong binuksan. This is it pancit! “Hi, ate.” Napamaang nalang siya nang mapagsino ang nasa pinto. Ang kapatid pala niya iyon na si Allysa kasama ang dalawang chikiting nito. Shuta! Mukhang magbi-babysit siya tonight! “Ate, pasensya ka na. Alam ko medyo masama ang loob mo kanina sa bahay. Sorry ate,” anas ni Allysa. Bakas sa mukha nito ang pagpapakumbaba. Agad naman siyang umiling. “Okay lang iyon. Tsaka pasensya ka na rin. Alam mo naman na nag-aadjust pa ako sa ideya na aalis kayo. Pasensyahan mo na rin si ate.” Ngumiti si Allysa at saka siya niyakap. “Salamat, ate. Pero…” bumitiw ito sa kanya at saka sinipat ang kanyang hitsura. “Ang sexy mo naman sa hitsua mo ‘te?” “Ha? Ah, eh…” napalunok siya sa tanong ng kapatid. Kung alam lang nito kung bakit siya nagpapaganda. “Wala naman. Sinubukan ko lang ‘to. Bored ako.” Mabilis niyang kinuha ang roba at sinuot iyon. Tumawa si Allysa. “Naku ate, eto ang sagot sa boredom mo. Ang dalawa kong makukulit.” Lumapit sa kanya ang mga pamangkin at niyakap rin siya nang mahigpit. Bakas sa mga mukha nito ang tuwa nang makita siya. “Iiwan ko muna sana, ‘te. May emergency meeting kami with the writing team. Wala akong mapag-iwanan kasi,” pakiusap ni Allysa. “Sus! Alam mo naman na anytime pwede ako. Ako na ang bahala sa mga ito.” At hindi naman siya nagsisinungaling. She’s always ready to babysit the kids. Pero hindi nga lang ngayon! She’s gonna get laid. Magkakaroon ng giyera sa kama niya. For the first time in history yun! Pero ganoon siguro talaga. Hindi pa oras. Pinipigilan pa ng diyosa ng hymen na hindi pa siya mawawarak este makikipagniig sa lalaki ngayon. Nang makaalis si Allysa ay nagsimula na ang riot sa salas ng condo niya. Kaya naman nagkukumahog si Emma Rose na patayin lahat ng naisinding kandila. Naghabulan at nagtawanan sila ng mga bata. Mga larong alam niyang enjoy na enjoy ang mga ito. Pero wala pang limang minuto ang kanilang paglalaro ay biglang may pumindot na naman ng door bell ng condo niya. Oh s**t. Matthias! Agad siyang napatakbo sa pinto at binuksan iyon. And there he was. Ang lalaking maswerte sanang makakaiskor ngayon. Gwapong-gwapo na nakatayo sa kanyang pintuan. Gustong makapasok literally and figuratively.   “Hi Emma Rose,” bati nito sa kanya sa isang napakagandang baritonong boses. Aba… kelan ka pa pumuri ng boses ng lalaki, ha? Emma Rose na lumalandi? Gusto niyang sapakin ang sarili pero nagtitimpi lang siya. Ayaw niyang magmukhang engot sa harap ni Matthias. “H-hi Matt!” bati niya rito. Matt roamed his eyes on hers. Mula sa mukha niya hanggang paa. Hindi nakalampas kay Emma Rose ang pagngiti ng mata ng lalaki habang nakatitig sa kanya. A smirk also formed on his lips as his eyes as his eyes spotted her robe slightly uncovering her legs. “I couldn’t believe na tatawagan mo talaga ako,” anas nito. “You won’t regret calling me tonight, Emma Rose.” Napatikhim siya. “About that… um…” She was trying to find the right words when the twins suddenly ran towards her. “Tita Emma! Tita Emma!” tawag ng mga ito sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata ni Matthias nang makita ang mga bata. “Mga… anak mo?” Sunod-sunod siyang umiling. “No no! Mga pamangkin ko. Iniwan ng nanay nila kasi may meeting. Walang magbabantay.” Mapakla siyang napangiti kay Matthias. Bakas kasi sa mukha ng lalaki ang pagkagulat. “Ah, I see,” gulat pa ring sabi nito. “Uhm… I’m sorry, Matt. I shouldn’t have called. Naabala pa kita,” paghingi niya ng paumanhin sa lalaki. Agad naman itong umiling. “No… it’s okay, Emma Rose.” “It’s really a bad timing. Sorry talaga.” “No, it’s okay. I understand.” “Uhm… Uncle… are you Tita Emma’s boyfriend?” tanong ni Harriet na nasa likuran niya at nagtatago sa roba. Nanlaki ang mata niya sa tanong ng bata. “Harriet! Where did you learn that?” Ngumiti lang si Matthias at saka yumukod paharap sa bata. “Hello, little girl. No, I am your Tita Emma’s friend.” “Ohhh… sayang akala ko may boyfriend na si Tita Emma,” si Harley naman iyon na mukhang nakasimangot pa. Tumawa nang malakas si Matthias. “Bakit? Wala bang boyfriend ang tita ninyo?” Umiling agad ang dalawang bata. “Wala po! No boyfriend since birth si tita.” Si Harriet iyon na tunog mas dismayado pa sa kanya. “Sana po talaga magboyfriend na si tita para ‘di na siya lonely,” sabi naman ni Harley na malungkot din ang hitsura. “Shhh! Kayo talagang dalawa. Nakuuu!” saway niya sa kambal. Binulatlat na yata ang buhay niya sa harap ng estranghero. Tumawa naman si Matthias. “Malay ninyo mga bata. Magka-boyfriend na ang tita ninyo…” nag-angat ito ng tingin sa kanya. “Very soon.” Parang nag-iinit ang mukha ni Emma Rose sa titig na iyon ni Matthias. Feeling niya ay umaapoy din ang buo niyang katawan. Pati jenjen, teh? Agad siyang umiling. She needed to brush off that crazy feeling inside her. “Ah mga bata, say good bye na kay Uncle. Aalis na siya,” anas niya para pauwiin na ang lalaki. Kunot noo naman siyang tinignan ni Matthias. “Hey, I am not leaving yet.” “H-ha? Bakit?” Ngumiti ito sa mga bata at saka ginulo ang mga buhok ng mga ito. “Mukhang masayang kausap ang mga batang ito. Oh no… ******** Knock out ang dalawang kambal matapos ang halos isang oras na pakikipaglaro sa kanila ni Matthias. Sa pagod ng mga ito ay nakatulog na sa kanyang kama. “I never saw you na mahilig pala sa bata,” anas niya nang abutan si Matthias ng isang bote ng tubig. Ngumit naman ang lalaki at saka tinanggap ang baso. “Hindi ka naman nag-iisa. Ako kaya ang may hawak ng titulong Uncle of the Year. “ Natawa siya sa narinig. “Pareho tayong awardee pala nun.” “May Uncle of the Year award ka rin?” anas nito na tila nagulat pa. Sinipat nito ang kanyang hitsura at saka nagkunot noo. “I never thought lalaki ka within.” Napatawa nalang siya nang malakas. “Sira. Benta ang jokes mo ha.” Ngumiti rin si Matthias at saka uminom ng tubig. He looked refreshed matapos makainom. “Thank you, ha. Nag-enjoy ang mga bata.” Pasasalamat niya rito. Umiling ito. “No. Thank you dahil nag-enjoy akong kasama sila. Kahit na…” Kunot noo niyang tinignan ang lalaki. “Kahit na?” “You know. Hindi natuloy.” She felt her cheek warmed again dahil sa sinabi nito. “Hindi talaga meant to be.” Tumango naman ang lalaki. “Yeah. Hindi nga yata.” Pagkasabi ay nag-ayos ito ng sarili. “I guess I have to go now. May practice pa kami ng maaga.” “Ah, yeah. Late na rin.” Hinatid niya sa pinto si Matthias. “It was fun, Matthias. Salamat.” “Salamat din.” Tumango ang lalaki at saka tumalikod. Hindi alam ni Emma Rose ang mararamdman. There’s a part of her na gustong mag-stay si Matthias. Pero syempre hindi pupwede sa oras na iyon. She wanted him to stay and talk some more. Maybe have a glass of wine or so. And then kapag wala na ang mga bata ay pwede nang… Hoy babae. Ano bang iniisip mo! Better luck next time nalang. Napabuntong hininga nalang siya. Diyosa ng Hymen! Let me go please! ****** Naalimpungatan si Emma Rose sa tunog ng door bell sa kanyang condo. Napatingin siya sa orasan. Mag-aala una ng umaga. Sino naman ang kakatok nang mga oras na iyon? Kanina pang alas diyes kinuha ni Allysa ang mga bata. She should be resting now dahil sa pagod sa pagbabantay ng mga ito. Pupungas-pungas siyang naglakad papunta sa pinto ng condo at saka binuksan ang pinto. Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang mapagsino ang nakatayo roon. “M-Matthias?” Anong ginagawa nito roon sa ganoong oras? Hindi kaya ito? OMG!!! Oh my goodness! Pinadala na ba ito ng diyosa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD