Panay hila si Emma Rose sa kanyang puting mini-shorts dahil pakiramdam niya ay kitang-kita na ang kanyang kaluluwa. Mabuti nalang at medyo maluwang ang floral blouse na suot niya at hindi na niya kailangang alalahanin pa. Pero ang shorts! Para siyang kinulang sa tela!
“Ano bang ginagawa mo?” usisa sa kanya ni Rick. Kasama niya ito sa kotse na kasalukuyang papunta sa kaarawan ng boyfriend nitong si Raymond.
Isang beach party ang inihanda ni Raymond para sa kanyang kaarawan. Kaya ganoon nalang ang napagdesisyunan na ipasuot sa kanya ni Joey at Bettie. Para naman daw mai-flaunt niya ang kanyang alindog kay Simon Sillen.
“Sa tagal ko nang nakatira sa mundong ito, ngayon ko lang yata pagdududahan ang choices ko sa buhay,” bulalas niya habang patuloy na hinihila ang shorts paibaba.
Narinig niyang tumawa si Rick. “Hoy, girl! Hindi ka namin pinapagsuot ng hindi bagay sa’yo. Be confident! You have what it takes to seduce a guy. H’wag kang masyadong maraming iniisip.”
Napabuntong-hininga siya at saka tinigil ang ginagawa. “Alam ko naman iyon. It’s just, pakiramdam ko ay napaka-trying hard kong maging masaya. Na kailangan pa ng anak para mangyari iyon. I’m an independent woman. And I can be happy kahit mag-isa lang ako.”
Hinawakan ni Rick ang kanyang kamay sabay pisil niyon. “Hey, Emma Rose. Of course, you are. You’re strong and independent. Kaya mo nga ginagawa ito ‘di ba? Kasi alam mo sa loob mo na kaya mong palakihin ang bata nang tama.”
She bit her lips. Mabuti nalang at naroon ang kaibigan upang palakasin ang loob niya. She needed to hear those things dahil nalalapit na ang pangbubudol este pang-aakit.
Nang makarating sa inupahang resort ay agad bumungad kina Emma Rose ang malakas na musika at ganda ng ilaw. Nasa may parking lot palang sila ay ramdam na niya ang saya ng party.
“Here we go!” anas ni Rick na bakas ang excitement sa loob. Hindi man ito naka-bongga outfit dahil naka-shorts at polo ito ay alam naman siguro ng lahat na ito ang reyna ng party dahil jowa nito ang may-birthday.
Huminga nang malalim si Emma Rose at saka nagsimulang magdasal. “Kaya ko ‘to, kaya ko ‘to.”
“Hoy Emma Rose! Hindi ka naman kakainin nang buhay ng mga lalaki,” anas ni Rick. Pero sandali itong natigil sa sinasabi at saka biglang tumawa, “ay! Posible ka nga palang kainin.”
Hinampas niya ito sa braso. “Sira ra ka talaga! Wala sa usapan ang kainan. Basta direct to the point na at nang matapos.”
Pinagtaasan siya ng kilay ng kaibigang bakla. “Manood ka nga ng porn minsan at nang ma-orient ka. Anong direct to the point? Walang ganoon. Foreplay muna para masaya.”
Hindi naman sa wala siyang alam. Of course, alam niya iyon. Nakaapanood pa rin naman siya ng porn minsan. Lalo na kapag bored. Pero hindi naman medaling i-apply sa totoong buhay iyon.
“Pero teka ba! Bakit doon agad ang usapan. Eh kikilalanin pa lang namin ang isa’t-isa,” anas niya. Grabe naman kung may mangyayaring s*x agad ngayon eh kaka-meet lang nilang dalawa ni Simon. “Napaka-easy to get ko naman kung papayag agad ako.”
Kinurot siya ng kaibigan sa gilid.
“Aray! Kuko mo ‘yon ha. Medyo masakit,” reklamo niya rito.
“Anong easy to get? Eh iyon nga ang goal. Maging easy to get para mabilis matapos ang misyon mo,” sagot ni Rick.
Shit!
Kanina pa kasi siya tensed. She’s never done this before. Ni hindi siya nagka-boyfriend noon. Talaga lang naman na napapraning lang siya sa posibleng mangyari.
Namangha siya sa ganda ng party. Maraming pagkain sa mga mesa at bumabaha din ng drinks. Masaya ang ambience sa at may DJ pa sa may pool area. May mga babae at lalaki namang lumalangoy na roon na halos kakarampot lang ang suot. Siyempre naka-relate siya agad.
“Pupuntahan ko lang si Raymond, ha. Ikaw naman na ang bahala sa sarili mo,” utos sa kanya ni Rick. Pero bago ito umalis ay hinawakan muna niya ito sa braso.
“Sandali, sis.”
“Ano?”
“Kinakabahan ako.”
Sa di kalayuan ay kumuha ng isang kopita ng alak si Rick at mabilis na ibinigay sa kanya. “Yan, to calm your nerves. Pero ‘wag ka nang mag-refill niyan at baka imbes na maging seductive ay lasengga ang tingin sa’yo ni Simon.”
Nagpasalamat siya kay Rick bago ito tuluyang umalis. In fairness, effective ang alak. Medyo kumakalma na ang mga nerves niya.
She’s enjoying her spot nang makita ang isang kumpol ng mga tao na nagtatawanan. Ganoon nalang ang pagkagulat niya nang makita nang makilala ang sentro ng kasiyahan roon. Walang iba kung hindi ang newly found bff niyang si…
Matthias!
Puro mga babae ang nakapalibot kay Matt. Lahat ng mga ito ay aliw na aliw sa kwento ng lalaki. Ang iba naman ay halos nakapulupot na ang kamay sa masarap este matikas nitong pangangatawan. Pero okay na rin iyon. Mas nanaisin niyang marami itong kausap kesa guluhin ulit siya. Wala pa silang pagkikita na hindi nito inuubos ang pasensya.
“Hey, Emma Rose. Mag-isa ka yata.”
Napasinghap siya nang malaman kung sino ang bigla nalang tumabi sa kanya. Walang iba kung hindi ang pakay niya nang gabing iyon. Si Simon Sillen!
“Uh, uhm. H-hi, Simon,” halos utal niyang sagot dahil sa pagkagulat. Kailanganan pa niyang pakalmahin ang sarili bago magsalita ulit. “Ang saya ng party ni Raymond.”
Tumango ang lalaki. “Ah, yeah. Ganito talaga siya kung mag-celebrate ng birthday. Party mode talaga.”
“Mukha nga,” sagot niya. Hind mapigilan ni Emma Rose na mapasipat sa katabi niya. His towering height made her look like a dwarf. Sabi ng iba eh romantic daw iyon. Pero iba ang pumapasok sa isip niya. Paano kaya niya kakayanin si Simon na sobrang laki ng katawan. Hindi kaya siya mahati sa dalawa?
Dios ko! Kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang utak. Bakit napakahalay?!
Kung pwede lang niyang kurutin ang sarili ay ginawa na niya. Kaso magmumukha siyang engot sa harap ni Simon. Baka isipin eh siraulo siya.
“Are you okay?” tanong ni Simon sa kanya.
Shit. Napansin pala nito ang hitsura niya. Kaya naman agad niyang inayos ang sarili. Tumikhim siya bago magsalita. “Ah yeah, iniiisp ko lang paano kung mag-aano na tayo.”
“Mag-aano?” kunot noo nitong tanong.
Langya talaga! Sobrang kabado kasi niya. Kung ano-ano nang nasasabi.
“Uhm… ano… uhm… party mode na talaga. Yon, paano nalang kung party mode na. Like drinks and all na talaga,” utal niyang sagot.
She wanna die right there. She’s bad at this. Totally a disaster.
Habang pinagninilay-nilayan niya ang mga pinaggagagawa ay di niya sinasadyang mapatingin sa direksyon ni Matthias. Ganoon nalang ang pagkabigla niya nang nakatitig na pala ito sa kanila ni Simon.
And he wasn’t smiling at all.