Chapter 03: Best Player of the Game

3178 Words
SIMON Sillen for three…. Baaaang!             Dumagundong ang hiyawan sa loob ng MOA arena matapos ang isang swak na swak na tres mula kay Simon Sillen. Nagsimula na pala ang laro nang makarating sila at saktong-sakto naman na ang three pointer na iyon ni Simon ang inabutan nila.             “Ang galing talaga ni Simon, sis!” Bakas ang excitement sa boses ni Rick habang papaupo na sila sa bench. Pero habang nakatutok siya sa laban sa court ay hindi niya maiwasang mahagip ng mata ang mga players na nakaupo sa bench. Isang pamilyar kasi na pangalan ang nabasa niya.             Wright.             Aba! At talagang nandoon rin talaga ang lalaki. Magka-teammates nga talaga ito at si Simon. Pero bakit hindi ito naglalaro? Bakit si Simon eh nakasalang na sa court?             “Siguro hindi magaling ‘yang si Mr. Wright kaya hindi pinapalaro, ano?” tanong niya sa kaibigang si Rick. Hindi niya narinig ang sagot ng kaibigan kaya siniko niya ito. Doon na niya napansing nasa boyfriend nitong si Raymond ang atensyon. “Uy, bakla. Para namang ‘di kayo nagkita kanina kung maka-hi ka d’yan sa jowa mo.”               “Ganyan talaga kapag in-love, sis. Hayh! Bakit ba kasi ‘di ka nakaka-relate.”             “Sira! Alam mo naman kung bakit.”             “Ano ba kasi ‘yong tanong mo?”             Ininguso niya si Matthias. “Hindi pala magaling ‘yang si Mr. Wright. Nasa bench lang o. Mas  magaling pa rin talaga si Simon.”             Rick rolled his eyes. “Akala ko ba si Simon ang pinunta natin dito? Bakit d’yan kay Matthias ang atensyon mo?”             “Hindi ah! Napansin ko lang. Medyo may hangover pa ako sa sagutan namin kaya napa-comment ako nang ganito.”             “Asus! Eh kung si Matthias na lang kaya ang ayain mo ng date? Gwapo rin naman siya at mukhang mesherep.”             Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. “Kilabutan ka nga! Nakita mo nga kung paano kami magsagutan noong nakaraan tapos siya pa ang idi-date ko? At magiging tatay pa ng anak ko?! Ayokong maging arogante rin ang bata.”             “Okay, fine. Ang dami mong kuda, sis! Suggestion lang naman. At saka FYI. Hindi porke’t nakaupo sa bench ay hindi na magaling. Ang iba pa nga ay best player of the game pa.”             Nagkibit balikat siya. “Ba’t ba siya na ang topic natin?  Si Simon ang pinunta ko rito.”             “Eh ikaw lang naman ang nagsasalita tungkol kay Matthias eh.”                  Siya nga ba? Naku! Dapat kay Simon siya mag-focus. Ito ang bet niyang i-date.             “Ang mabuti pa, magcheer ka for Simon. Kapag nakakashoot siya, pumalakpak ka. Ganern girl!” payo pa ng kaibigan.             Tama rin naman ang kaibigan. Kung gusto niyang mapansin siya ni Simon ay dapat siyang magcheer para rito. Sayang naman ang makeover niya kung ‘di siya makikita ng lalaki. Effort na effort pa naman sina Joey at Bettie sa pagpapaganda sa kanya. At bukod sa makeup ay nakagastos na rin siya ng magandang sleeveless black and white casual dress na pinaresan niya ng rubber shoes. Sporty look talaga siya ngayon.             Back to your mission na girl! Ibinalik niya ang mga mata sa laro. Doon na niya mas napansin pa ang galing ni Simon. Hindi lang kasi ito magaling tumira sa three point lane kung hindi ay magaling din itong pumasok sa loob at umiwas sa matatangkad na players para maka-shoot. Dahil talaga namang naimpress siya ay hindi niya mapigilang mapahiyaw at mapapalakpak nang malakas. Pero imbes na lingunin ni Simon ay ibang lalaki ang lumingon sa kanya. Walang iba kung hindi ay si Mr. Wright! She tried tearing her gaze away from the man pero huli na ang lahat. Una ay may bakas pa ng gulat sa mga mata nito pero agad din iyon nawala at dahan-dahang tumaas ang gilid ng labi nito. He’s definitely smirking at her! Kalma, Emma Rose! payo niya sa sarili. Nagsisimula na naman kasi siyang mainis sa lalaki. Para kasing sinasabi nitong isa siyang malaking fangirl na naghuhumiyaw para sa idol. Or crush? Ipinilig niya ang ulo. Hindi magandang pansinin si Matthias dahil makakasira lang ito ng focus niya. Si Simon ang dapat niyang iniisip. Makailang beses pa niyang nakita sa gilid ng kanyang mga mata ang paglingon-lingon sa kanya ni Mr. Wright. Pero hidni na niya ito pinansin pa. Mas ginagalingan pa niya ang pagcheer kay Simon sa tuwing nakaka-score ang lalaki. Ilang sandali pa ay pansin niyang tinapik si Matthias ng coach ng team. Tumango ito sabay tayo. Hindi na tuloy niya mapigilang mapatingin sa dako ng lalaki na nakatingin na rin pala sa kanya. Sumenyas ito ng ‘watch me’ sa kanya bago pa tuluyang naglakad patungo sa scorer’s table. WTF does he mean? Nang magpalitan na ng players ay bumalik na rin sa bench si Simon. She tried to smile for him pero dire-diretso lang ito sa pag-upo. Sayang. Siguro mamaya ay mapapansin na siya nito. Ibinalik na lang niya ang tingin sa laro. What the? Unang hawak pa lang yata ni Matt sa bola ay tumira na agad ng three points! Pasok! Pero ang mas nakakabahala ay ang biglang pagsulyap nito sa kanya matapos makapuntos. Dahil hindi ganoon kalayo ang kinatatayuan nito ay kitang-kita niya kung paano ito ngumisi. It was just brief pero ramdam niya ang pagsikdo ng dibdib dahil sa ginawa ni Matt. Pero imbes ipakita ang na naapektuhan siya ay pinilit niyang itikom ang bibig at magkunwaring walang pakialam. Ang hirap bes! Pero pinagpatuloy lang niya ang pagbabalewala sa bawat puntos na ginagawa ni Matthias. Mas maganda iyon para malaman ng binata na wapakels siya sa pang-iinis nito sa kanya. It went on for a few minutes until he was subbed by another player.             Haha! Akala siguro ng damuho na papatulan niya ang kalokohan nito.             Hanggang sa tumunog ang buzzer na hudyat ng katapusan ng first half ng laro. The players and coaching staff exited the court. Akala niya ay titigil na si Matthias pero matapos ang fifteen minutes na halftime break ay bumalik na ito sa court at muli siyang tinitigan. Hindi pa rin nawawala sa mga labi nito ang mapang-inis na ngiti.             Gustong-gusto na niyang irapan ito pero para saan naman? Masyadong childish iyon. All she should do is to ignore him.             Nagsimula na ang third quarter at muling naglaro si Simon. Pinagpatuloy niya ang pagtsi-cheer sa lalaki. Pero makalipas lang ang ilang minuto ay pinapasok na rin sa laro si Matt. Magkasabay na ngayon ang dalawa sa court!             While Simon still doing what he does best, hindi naman nagpapahuli si Matthias. He’s doing a shooting spree with all from beyond the three point lane. It’s almost insane! Inaamin niya na nagagalingan siya kay Matt. Pero wala siyang planong i-praise ito. Mahirap na. Baka isipin nitong nagtagumpay na ito.             Na totoo naman.             Pero ayaw niya talagang pahalata. She just kept on cheering for Simon. Hindi naman at si Simon ang rason niya kung bakit siya naroon? Might as well focus on her plan. Sa tuwing nakakapuntos si Simon ay todo cheer siya. Pero kung si Matthias ay chill lang. No reaction. Siguro naman ay tatantanan na siya ng pangungulit ng lalaki.             Nang tumuntong ang fourth quarter ay hindi na napigilan ang F&A builders. The team managed to win the game with ease. And the best player of the game? Walang iba kung hindi ay si Matthias Wright. He got a whopping 32 points. Mas malaki kay Simon na nasa 20 points pero ang sabi naman ni Rick ay maraming assists at rebounds ang player na malaking contribution din sa pagkapanalo ng team. It’s just Matt has a better shooting night which led the team to a victory.             Nakita pa niyang ini-interview si Matthias ng courtside reporter para sa best player of the game award nito bago lumabas ng venue. Kinaladkad na kasi siya ng kaibigan para raw maunahan nila ang team sa pupuntahan nitong restaurant sa labas lang ng arena. Iyon kasi ang suhestiyon ni Raymond para maipakilala na siya kay Simon.             Finally.             Agad silang sumakay ni Rick sa kotse nito at tinahak ang maiksing biyahe patungo sa restaurant na binanggit ni Raymond. Sakto at wala pa roon ang team kaya makakapaghanda pa siya. Habang pinagpa-order si Rick ng pagkain ay pumasok muna siya sa comfort room ng upang makapag-retouch. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagpapaganda na siya para sa isang lalaki.  Pero hindi na talaga siya aatras pa. Lakasan ng loob na lang para mapagtagumpayan ang plano.             Paglabas niya sa banyo ng restaurant ay nakita niyang papasok ang isang grupo ng kalalakihan. Matatangkad ang mga ito. Mukhang mga basketball players.             Inisa-isa niya ang mukha ng mga players at nang makita si Simon ay agad siyang natuwa. Mukhang umaayon nga ang lahat sa kanyang mga plano. Thanks to Raymond and Rick’s help.             She prepared her smile hoping Simon could see her. Magkakasalubong kasi niya ito. Nang malapit na siya rito ay ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may biglang tumayo sa kanyang harap. Isang matangkad na lalaki iyon. To be fair, mabango ito. Isang tila pamilyar na amoy.             Parang si…             Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang humaharang sa kanya.             “M-Mr. Wright?”             “You can call me Matthias. Or Matt if you want. Tutal close naman na tayo.”             “Close?!” Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Paano naman sila magiging close eh pang-iinis lang lahat ng ginawa nito. Tumayo siya nang tuwid at tinitigan ito sa mata. “Excuse me, medyo busy ako. And for the record, hindi tayo close. We only met twice.”             Pero imbes tumabi ay humalukipkip pa ang lalaki at kunot noong tiningnan siya. “Bakit ka nanood ng game namin?”             She rolled her eyes. Di talaga siya tinatantanan nito. “Bakit ko kailangang magpaliwanag sa’yo?”             “Ah! Sinusundan mo si Simon? Akala ko ba hindi ka niya stalker?”             “Akala ko rin ba tapos na tayo sa topic na ‘stalking’? Hindi nga ako stalker. Kaibigan ko si Rick kaya sumama ako sa kanya.”             Tumango-tango ito. Pero bakas pa rin sa mukha ang pagdududa. “Then bakit ganoon ka nalang maka-cheer sa kanya kanina?”             “Eh sa magaling siya eh.”             “Ako ang best player kanina.”             “Ikaw ba? Hindi ko napansin.”             Hindi na niya hinayaang sumagot pa si Matthias at nilagpasan na ito. Nagmamadali siyang bumalik sa mesa nila ni Rick.             “Hoy babae! Bakit mo kausap pa ‘yong si Matt?” usisa ng kaibigan.             “Eh hinarang ako. Ang daming kuda ng lalaking iyon.”             “Anong sabi?”             “Basta. Mga walang kwentang bagay.”             Nakita ni Emma Rose ang paghimas ni Rick sa baba nito. Para itong nag-iisip nang malalim. “Ano ‘yang iniisip mo?”             “Bakit kaya ‘di na lang si Matthias ang gawin mong donor sis? Gwapo rin naman siya. At sabi ni Raymond babes ko na matalino rin daw. Siya nalang kaya?”             Kung pwede lang tumawa nang malakas sa lugar na iyon nang hindi nagmumukhang siraulo ay ginawa na ni Emma Rose. Isang kalokohan kasi para sa kanya ang narinig mula kay Rick. “Are you mad? Really, Matthias Wright? Nakita mo naman siguro kung paano kami mag-clash no’n ‘di ba?”             “s****l tension ang tawag do’n, sis! Maganda ‘yon para mangyari ang gusto mo.”             Sunod-sunod siyang umiling. “Anong s****l tension? Tension headache ang binibigay niya sa akin.”             Nagkibit-balikat lang ang kaibigan na para bang isang kalokohan ang sagot niya.             Matapos nilang kumain ay lumapit na sa kanila si Raymond. At nang makita niya ang bitbit nito ay tuluyan na siyang napangiti. It was Simon Sillen.             Mabait at magalang ang lalaki. He’s really perfect. Naiisip pa lang niya na makukuha ng magiging anak niya ang features nito ay nagpapasalamat na siya. Nakipagkwentuhan pa ito sa kanila nang ilang sandali bago nagpaalam. Hanggang sa silang tatlo ni Rick at Raymond ang naiwan.             “See, beks? Ganyan ang tamang lalaki. Gwapo, magalang, matalino at gentleman,” paalala niya sa kaibigan. Gusto niyang makita nito ang malaking deperensya sa pagitan ni Matthias at Simon.             “Oo na! ‘To talaga. Suggestion lang naman iyon,” pagtatanggol ni Rick sa sarili.             “So, desidido ka na ba talaga, Emma Rose? Pwede ka pang umatras kung sakali,” tanong ni Raymond.             Umiling siya. “Hindi na ako aatras. Alam ko, kung malalaman ito ng iba ay pagtataasan lang ako ng kilay at tatawaging selfish. Pero hindi ko naman pababayaan ang bata. She’ll be my treasure. Aalagaan ko siya at mamahalin.”             “Aba! Advance ka nang mag-isip, sis. Pati gender ng bata naiimagine mo na,” biro ni Rick.             “Malakas ang positive energy, beks. Ina-attract ko lang ang gusto kong mangyari,” sagot niya.             “So you should be ready by Monday?” tanong ni Raymond.             Kunot noo niyang hinarap ito. “Anong ganap sa Monday?”             “Birthday ko. At invited si Simon sa party ko,” sagot nito.             Nagkatinginan sila ni Rick. Nakita niya ang kompirmasyon sa mukha nito. Pero kung Monday nga plano ni Raymond na imeet up ulit siya kay Simon ay less than a week na iyon. Makakapaghanda ba siya?             “Monday? Di ba start ng week ‘yon? Di ka ba magsi-celebrate sa weekend?” usisa pa niya.             “Busy kami sa weekends. Usually may laro ang team kapag Friday to Sunday. Kaya Monday ko isicelebrate ang birthday ko,” sagot ni Raymond.             Shocks!             So ang D-day ay Monday. Binuksan niya ang menstrual cycle app ng cellphone niya. Covered ang Monday sa mga unsafe days niya. She could take the risk. Kung mas mahaba lang ang panahon ay lalapit siya sa isang gynecologist para sa isang fertility advice pero wala na siyang oras. Sayang ang chance.             Huminga siya nang malalim at saka hinarap ang mga kaibigan. “Okay, Monday it is.” “Good,” sagot ni Raymond. “I’ll set you up with Simon.” “Gosh! Nakaka-tense naman. Pero ‘di bale, sis. Maraming tao sa party na ‘yan ng babes ko kaya walang makakapansin sa inyo kung may gagawin man kayong himala ni Simon,” tukso ni Rick. Tama nga ang sinabi ng kaibigan. Wala naman sigurong makakapansin kapag nawala silang dalawa sa party. Unless may bubuntot sa kanilang dalawa. Isang taong sagabal sa plano niya. Isang tao na— “Hi, Ray!” Nag-angat siya ng tingin at nakita ang pinakaiinisang lalaki nang gabing iyon. Matthias Wright. What the heck is he doing on their table?! “Hi, Matt,” bati ni Raymond sa lalaki. “Okay na ba ang cramps ng left leg mo?” Tumango ang lalaki. “It’s all good. Salamat nga pala.” “Ayos lang. Trabaho ko ‘yon,” sagot naman ni Raymond. She tried tearing her eyes away from Matthias but the man still finds a way to irritate her. Kontodo ngiti pa rin kasi ito sa kanya. “Hindi mo ba ako ipapakilala sa mga kaibigan mo?” tanong ni Matthias kay Raymond. “Oh, I’m sorry. Nakalimutan ko. By the way, this is Rick. I bet you know him. He’s the owner of the gym.” Nakipagkamay ang lalaki kay Rick. “Of course, I know Rick. Salamat sa pag-welcome sa amin sa gym mo. Your gym is a real deal.” Nagpasalamat si Rick kay Matthias. Pero panay naman ang ngiti sa kanya ng bakla. Hindi pa rin pala ito tapos sa panunukso. “And this lady over here. Ate mo?” ATE?! Kung pwede lang niyang tsinelasin si Matthias ay kanina pa ito mamumula sa palo niya. How dare he call her ‘old’? Matatanggap niya sana ang sinabi nito kung sana ay mukhang bagets si Raymond. Pero magkasing edad lang yata sila. Parang sinasabi lang nito na mukha siyang matanda. “Ah, no!” agap ni Raymond. “She’s Rick’s friend. Emma Rose.” “Oh, Emma Rose. Nice name.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Nice meeting you, Emma Rose. I’m Matthias Wright.” Tiningnan niya ang kamay nito. She’s tempted to ignore it pero ayaw naman niyang maging bastos. Kaya tinanggap niya ang kamay ng lalaki. “Hi,” bati niya rito. “So, napanood mo ang laro naming kanina?” “H-ha? Ah, oo.” Hindi niya maintindihan ang dinadrama ng lalaki. Pero imbes na magmatigas ay hinayaan na lang niya ito.  “I saw you cheering for us. Thank you,” sabi nito. “Naglaro ka pala kanina? Hindi ko napansin.” She saw Matt’s smirk right after he heard her. Mukhang natamaan niya ito. “Grabe kasi ang titig mo kay Simon. Nakalimutan mo yatang may ibang players din.” BOOM! Sinagot din siya ng lalaki. Ngayon palang ay gustong-gusto na niya itong pektusan. Pero ‘di siya papayag na maisahan. “Pasensya ka na. Nagagalingan lang talaga ako sa kanya. Siya yata ang pinakamagaling sa team ninyo?” Muling ngumisi ang lalaki. “Stalker…” “Ano?!” singhal niya. “Sharper. Sabi ko he’s getting sharper and sharper each day.  Praktisado kasi.” Pero hindi siya bingi. Talagang narinig niyan sinabi nito ang salitang stalker. Pero tulad ng dati ay papalampasin na lang niya ang lalaki. There’s no point in arguing with him. He’s no one. “Ah, okay. Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo,” pagtataboy niya rito. “Oh, yeah. Baka nga. Sige, Ray. Mauna na ako. See you on Monday?” Monday? Ibig sabihin? “Of course, man,” sagot ni Raymond sa lalaki. “The drinks are on me. Siyempre birthday ko.” Nagkamay pa ang dalawa bago humakbang si Matthias palayo. Pero bago ito tuluyang umalis ay isang ngisi muli ang iniwan nito sa kanya. Agad siyang napalingon kay Raymond. “Pupunta siya sa birthday mo?” Tumango ang PT. “He’s part of the team. He’ll be there for sure.” Ilang sandali pa ay nagpaalam si Raymond na pupuntahan muna ang team upang magpaalam na. Sasabay ito sa kanila ni Rick pauwi. Doon na siya nagkaroon ng pagkakataon   na kausapin ang kaibigan. “Isang balakid si Matthias Wright sa araw na iyon,” prangkang sabi niya. “Di ko pwedeng diktahan ang babes ko kung sinong guest niya sa birthday. Isang malaking pabor na ang tinutulungan ka niya kay Simon.” “Alam ko sis. Pero nakita mo naman ang ginawa ni Matthias kanina. Ang kulit! Nakakainis na siya.” Pero imbes damayan siya ay ngumiti lang ang kaibigan. “s****l tension,” biro muli nito. Napahilamos na lang siya ng mukha sa tukso ng kaibigan. Matthias Wright. Umayos ka sa Monday!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD