Chapter 05: Simon the Great

1218 Words
Asiwang-asiwa ni Emma Rose sa mga titig sa kanya ni Matt. Kung pwede lang niya siyang magsuot ng invisibility cloak ay ginawa na niya. Okay lang naman kasi tumingin. Pero kung pinaresan pa ng ngisi ng titig nito ay iba na. May bahid na ng pang-iinis iyon. Bakit ‘di nalang niya enjoy-in ang mga kasamang girls? Parang naka-buffet lang ito sa dami ah! Iba-iba ang mga hitsura ng babae na nakapalibot kay Matt. Pero isa ang common denominator ng mga ito. Lahat yata kasi ay mukhang modelo. Sana all, sexy! “Are you okay, Emma Rose?” Napukaw ang kanyang atensyon sa pagtawag sa kanya ni Simon. Tinapik pa nito ang kanyang braso. “H-ha? Ano ‘yon?” muntangang tanong niya kay Simon. “Ah, kasi parang kanina ka pa may iniisip. Care to share it with me?” tanong ng lalaki. Mabilis siyang umiling. “Ay naku! Okay lang ako. Wala akong iniisip.” Mas maigi pa sigurong sa ibang lugar nalang sila mag-usap at hindi doon. Distracted siya sa hitsura ni Matt sa pwesto nila. “Can we talk somewhere else? Medyo maingay rito,” anyaya niya sa lalaki. Sumunod naman agad si Matt. Hindi niya alam ang lugar kaya hinayaan na lang niyang maglakad-lakad sila at dalhin kahit saan ng mga paa. Habang nag-uusap ay nalaman niyang may invitation pala si Simon na maglaro sa mas malalaking liga abroad. Magaling din naman kasi ito kaya ganoon nalang ang demand. “Ikaw, Emma Rose? Anong ganap mo sa buhay?”tanong ng lalaki sa kanya. Parang nasamid si Emma Rose sa tanong na iyon ni Simon. Ang dami kasing pwedeng isagot roon. Ang dami niyang hugot sa buhay eh. Pero kung malaman nito ang pinakarason kung bakit niya ito kinakausap ay baka bigla itong lumayo. Kaya doon na siya sa safer topic. Kinwento ni Emma Rose ang tungkol sa trabaho niya bilang reconstructive surgery nurse. Pinipilit niyang pasayahin ang topic dahil alam niyang malayong-malayo iyon sa profession ni Simon bilang athlete. Pero mabuti at magaling na conversationalist itong si Simon at nasasabayan siya. They were having a good time talking nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nagtext si Rick at kinakamusta niya ang misyon niya. Kung sasagutin niya ng pahaba ang tanong ng kaibigan ay malamang: I got this sis. Magiging fairy godmother ka na soon. Insert smiley emoji. Insert happy face emoji. #SpermDonor #Baby Pero sa dami ng gustong itype ay isang smiley emoji lang naman ang sagot niya rito dahil baka isipin ni Simon na di na siya interesado kaya nababaling na ang atensyon. Priorities first sis. Hindi na napansin ni Emma Rose ang oras. Nang icheck ang suot na relo ay halos thirty minutes na rin pala silang nag-uusap. “It’s really fun talking to you, Emma Rose. May naaalala ako sa’yo,” anas ni Simon. Kunot noong sinagot niya ito. “Sino naman?” Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Simon. “Ah, yung girlfriend ko. Si Patty.” Parang umalingawngaw sa tenga ni Emma Rose ang pangalang binanggit ni Simon. Patty. Patty. Patty. OMG! Nakakahiya! Akala pa naman niya ay may connection na silang dalawa. Pero taken na pala ito! Tama nga ang sabi-sabi na may jowa ito pero hindi pa lang name-meet ng mga kasama nito sa team. Pero kahit na ganoon ay hindi ibig sabihin na hindi nagsasabi ng totoo si Simon. The look at his face when he said ‘girlfriend’ showed happiness. At hindi napepeke iyon. Simon is genuinely happy with his girl! Oh no no no no no! Halos maubos ni Emma Rose sa isang inuman ang alak na nasa kopita. Akala pa naman niya ay she’s making a progress. Iyon pala ay inosenteng usapan lang ang nais ni Simon. “Hey, malalasing ka niyan. Dahan-dahan lang,” sabi ni Simon nang makitang nilagok niya ang lahat ng alak sa baso. Napangiwi si Emma Rose sa lasa ng alak pero kinaya niya ito. Mas maigi na iyon para mabawasan ang nararamdaman niyang hiya sa katawan. “I’m okay, Simon,” sagot niya sa lalaki habang pinipilit na kayanin ang nilunok na alak. “Are you sure? Baka napasobra ka na ng inom,” nag-aalalang sabi nito. Umiling siya. Wag mo nang itanong Simon, please. Nahihiya na ako sa sarili ko. “I’m okay. Ito naman. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Since birth eh matatag to. Walang hindi kakayanin si Emma Rose.” Oh s**t. Nagiging maingay na siya. Signs of impending kalasingan. “Sounds good to hear. Akala ko malalasing ka na,” sagot ni Simon pagkatapos ay tumingin sa sariling cellphone. “Kasi kung lasing ka na, I would call Raymond para ipasabi sa kaibigan mong samahan ka.” Oh no! Not a good sign. He’s leaving her. “Bakit? Aalis ka ba?” tanong niya rito. Tumango si Simon. “Ah yeah, may kailangan akong puntahan. But honestly, I have a good time talking to you, Emma Rose. I really had a great time.” Ako rin naman Simon. Pero bakit kasi may girlfriend pa ito? Sayang naman. Naiwang mag-isa sa isang hallway si Emma Rose habang tinitignan ang dalampasigan ng resort na iyon. If it could only be that peaceful inside her. Pero hindi. Parang binabagyo ang loob niya. Para siyang may ipo-ipong umiikot sa loob niya at ginugulo ang kanyang buong laman loob. Literally! Agad napahanap ng basurahan si Emma Rose. Nang may makita sa dulo at agad niya iyon binuksan upang ilabas ang lahat ng sama ng loob roon. She’s not a heavy drinker kaya siguro nabigla ang kanyang sikmura. Nang mahimasmasan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone. It was Rick. She rolled her eyes dahil mukhang mangungumusta yata ito. And problema ay wala siyang maisasagot. “I puked, sis,” bati niya sa kaibigan. “Eh napasobra naman siguro ang inom. Alam mo namang hindi pwede kang makainom nang lampas isang baso.” Umiling siya. “Umalis siya. Si Simon. May girlfriend pala.” “Ayyy, totoo pala ang usap-usapan. I’m sorry sis.” Ramdam niya sa boses nito ang lungkot. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng comfort habang kausap ito. “I’m fine, Rick. Sayang lang ang chance. Akala ko talaga pwede siya,” sagot niya sa kaibigan. “Meron pa namang iba, sis. Wag kang mawalan ng pag-asa.” “I know. Pero mahirap magtiwala. Parang kanina. Umasa ako na pwede siyang ka-one night stand eh. Pero naghahanap lang pala ng kausap.” Napabuntong hininga siya habang inaayos ang sarili. “Di bale sis, meron pa ‘yan. Ang isda sa dagat ano. Ikaw pa ba tatanggihan? Eh ang ganda-ganda mo. Matalino. Sexy.” “At matanda na.” “Hoy di naman! Basta, kami ang bahala sa’yo okay? Punta ka na rito sa may pool side at nandito kami ni Raymond.” Napabuntong hininga siya bago ibaba ang cellphone. Yeah. It’s time to call it a night. Mas maiging ipahinga nalang niya ang nararamdaman. She was about to leave when somebody spoke behind her. “Naghahanap ka pala ng one night stand, sa iba mo pa tinanong.” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang lalaking nasa kanyang likod. “M-Matthias?” “Madali naman akong kausap, Emma Rose. If you want, ako ang papalit sa sinayang na pwesto ni Simon.” OMG!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD