Chapter 02: Shopping for Boys

2830 Words
“ANG sherep ng abs, sis!” bulong ni Rick sa kanya habang magkatabing nakatayo sa dulong bahagi ng fitness gym na pag-aari nito. Inaya siya roon ng kaibigan para makapag-window shopping ng potential daddy ng kanyang magiging anak.             Weirdly ay napa-oo siya ng mga kaibigan na gawin ang maitim na balak na iyon. She knew it’s unethical. She knew it might one day haunt her. Pero saka na niya iisipin iyon. Sa anak na niya ipapaliwanag ang gagawin niya.             “Kung abs lang ang pagbabasehan, sis. Lahat ng boys dito may abs yata. Dapat may ibang pamantayan tayo,” suhestiyon niya.             “What standards, sis? Ah! Alam ko na. Gusto mo ng gwapo?”             She rolled her eyes. “Matalino, sis. Gusto ko ‘yong may ipamamanang good genes sa bata. Hindi lang puro physical attributes.”             Nagkibit balikat ang kaibigan. “May point ka, sis. Pero dapat gwapo at sexy muna ang hanapin natin. Kapag may may pool of boys na tayo eh saka na natin salain kung sino ang matalino.”             Ayaw man niyang sabihing tama ang kaibigan pero may punto rin ito. Gusto rin naman niyang may mamanahing kagwapuhan ang anak niya sa tatay nito.             Inikot niya ang mga mata. Agad niyang napansin ang isang lalaking nagbubuhat ng dumbles. To be fair, gwapo ito. Mukhang purong pinoy dahil sa kulay ng balat.             “Sino ‘yan, sis?” tanong niya kay Rick sabay nguso sa lalaki sinipat kanina.             “Ah! ‘Yang nagda-dumble? Si Simon ‘yan ng F&A Builders. Ang galing mong pumili, sis ha? May future ka d’yan dahil MVP ‘yan.”             “MVP?”             “OMG! Di ka nanonood ng basketball? PBA sis?”             She remembers her younger brothers playing basketball before. Ang naiintindihan lang niya ay kung sinong maraming puntos ay siyang nananalo.             “Wala akong hilig sa basketball, sis. Pero alam ko naman ‘yang PBA.”             “So hindi mo nga kilala si Simon Sillen?”             Pinagpatuloy niya ang pagsipat kay Simon. Hindi na talaga masama. Kung magiging kamukha nito ang kanyang anak ay papayag na rin siya. Pero sa loob-loob niya ay pinapanalangin niyang maging babae sana ang kanyang anak. Ayaw niyang matulad ang anak niya sa walang puso niyang ama.             “Hindi, sis. Pero matalino kaya iyan?”             “I can make some research, sis. Madali lang ‘yan for me. Paano pa’t may boyfie akong PT ng F&A builders.”             Namilog ang kanyang mga mata. “PT ng F&A Builders si Raymond?”             Inirapan siya ni Rick. “Matagal na sis! Bakit kasi ka kasi sumasama sa akin sa panonood ng live games minsan para naman malaman mo!”             “Sorry na, sis. Pero kaya pala ba dito nagwo-workout ‘yang mga players na ‘yan dahil kay Raymond?”             “Yes, sis. He’s helping me on my business you know? Ganyan siya kabait.”             “Teka, Rick…” seryoso niyang simula. “Alam ba ng mga players na kayo ni Raymond?”             “Di ko alam. Feeling ko may hint sila. Pero we don’t care. Basta nagmamahalan kami ni Raymond.”             “Awww…” napayakap siya sa kaibigan. “I’m so happy for you, sis. Sana tumagal ang relationship ninyo.”             Kahit pa ayaw niya sa mga lalaki ay hindi naman ibig sabihin na kokontrahin na lang niya ang masaya nitong relasyon sa minamahal nito. She’s still that supportive friend.             “Sige na,” sabi ng kaibigan habang binibitawan siya. “Tingnan ko kung anong pwede kong malaman tungkol sa kanya. Itatanong ko sa boyfie ko.”             “Asus! Ako pa ang ginawang dahilan. Eh gusto mo lang magkaroon ng moment kasama ang boyfriend mo,” buking niya sa kaibigan. Alam kasi niyang nasa opisina nito si Raymond at kanina pa naghihintay. “Sige na. Ipagtanong mo na kung pasado ba si Simon.”             Malaki ang ngiting sinunod siya ng kaibigan. Agad itong naglakad papunta ng office part ng gym. Habang papalayo ito ay hindi niya mapigilang mapansin ang magandang hubog ng katawan ng kaibigan. Mukhang lalaki kasi talaga ito sa unang tingin. Kung hindi lang ito bakla at hindi siya naging man-hater ay baka naging crush na niya.             Haha! Buti na lang talaga at naging beki si Rick.             “You got a unique taste for men.”             Muntik na siyang mapatalon nang biglang may nagsalita sa likod niya. Nang lingunin niya ito ay nakitang niya ang isang matangkad na lalaki na mukhang Filipino-foreigner. She could see the mestizo features in his face. Gwapo in short. Matangos ang ilong nito. Makipot ang labi. Kaso ang magagandang mga mata nito ay tila puno ng pagdududa.              Napansin kaya nitong sinisipat niya si Simon Sillen?             “What do you mean I got a unique taste for men,” pagkaklaro niya rito.             Umiiling na ngumisi ang lalaki. “I’m warning you, girl. There’s no use trying to seduce Rick. He can never like you.”             Napasinghap siya sa narinig. Ang akala ng lalaking ito ay nakikipag-flirt siya kay Rick! Gusto tuloy niyang maglupasay sa tawa.             “I’m sorry, pero mali ka. Hindi ko type si Rick. Kaibigan ko siya,” pagtatama niya sa inisiip nito.             Nagkibit balikat ang lalaki at saka nagsimulang sumalang sa treadmill. Nagsimula ito sa mabagal na paglakad.             Shocks! Para bang hindi ito naniniwala sa kanya?             Muli niyang sinipat si Simon Sillen. Kung titingnan ay hindi nagkakalayo ang height ng dalawang lalaki. Could it be na basketball player din itong nasa harap niya? Kaya ba alam nitong bakla si Rick at boyfriend niyon ang Team PT ng F&A Builders?             “Excuse me,” tawag niya sa lalaki. Lumingon naman ito sa kanya. “Do you know Simon Sillen,” tanong niya sabay nguso kay Simon na patuloy pa rin sa pagbubuhat ng dumbles.             The guy smirked. “You’re playing with two boys? Got a lot of guts there huh?”             Nagsisimula nang maubos ang kanyang pasensya sa lalaking ito. Kaya naman hindi talaga niya magustuhan ang mga kauri nito dahil na rin sa pinapakitang pagkaarogante.             “I’m not a player.”             “Well, I am. I’m a player. As well as Simon over there.”             “W-what?”             “We’re players. Basketball players.”             Ahhh! Kung sana’y mas naging klaro ito sa simula pa lang ay sana mas madali niyang maintindihan ito.             “So you know him? Simon,” pag-uulit niya.             “I do,” sagot ng lalaki na tumatakbo pa rin. “Bakit curious ka sa kanya? Are you his stalker?”             She can’t stop but roll her eyes. “Do I look like a stalker?”             “Wala sa hitsura iyon. I got one few months ago. Mukha siyang isang manang na sinusundan ang idolo. She even went to my house.”             Manang? Ganoon na rin ba ang hitsura niya? Mga manang ba talaga ang hitsura ng mga stalker. Napasilip siya sa salamin na nasa pader ng gym. She’s wearing a decent t-shirt and cycling shorts. Nakatirintas naman ang mahaba niyang buhok habang suot-suot ang eyeglasses.             Tsk! Hindi lang naka-tank top at saka nakasuot ng salamin, manang agad. Ang harsh!             Hinarap niya ang lalaki at saka namaywang. “Una sa lahat, hindi ako stalker. Ikalawa, hindi ako manang. At pangatlo, ayoko ng contact lenses kaya nagsasalamin ako,” mariin niyang sabi.             “Sabi mo eh.” Umiiling na ngumiti ang lalaki. Effortless na tumatakbo pa rin ito sa treadmill. Sweats starting to roll down his body.             Lalo na sa may chest…             Hindi tuloy maikaila ang ganda ng hubog ng katawan nito. So firm and looked pretty strong.             “Are you sure you’re into Simon?”             Napaangat siya ng tingin at nakitang mas lumawak ang ngiti nito. At hindi lang basta ngiti. There’s that teasing look in his eyes.             “I’m not into him,” paglilinaw niya.             “So you’re into me?”             Napasinghap siya. Ang kapal, bes! Porke’t maganda ang katawan akala siguro ay nahahalina na siya rito. Di porke’t gwapo rin ito ay magkakagusto na siya. Hinding-hindi kalianman magkaka-amor sa kanya ang mga lalaki lalo na ang isang tulad nito.             “FYI, Mr…?”             “Wright.”             “C’mon, Mr. Right?” Bahagya siyang natawa. “You’re Mister Wrong. Dapat mag-ingat ang mga babae sa’yo.”             Tumawa ito. “I’m Mr. Wright.”             “Hah! Pinagpipilitan talaga.”             “It’s Wright with a W.”             Sandali siyang natahimik sa sagot nito.             Ahhh! Shunga ka pala ‘teh! Wright pala talaga ang name niya!                    Pero hindi niya pinahalata ang pagkakamali. “Okay. So, Mr. Wright. Pero naninindigan pa rin akong dapat mag-ingat ang mga babae sa mga tulad mo.”             “You’re pretty judgmental.”             “I’m just telling you my thoughts. And besides, men… like you… aren’t trustworthy.”             Tumigil ang lalaki sa pagtakbo sa treadmill at bumaba roon. Tumayo ito sa harap niya. Hindi tuloy niya mapigilang mapasinghap. Basang-basa ng pawis ang katawan nito pero mabango pa rin. Normal ba ‘yon?  “Iniwan ka ba asawa mo?” nakangising tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. “Ano?”             “O ‘di kaya niloko ka ng fiancée mo, iniwan ka sa altar dahil nakabuntis ng ibang babae?”             “What the hell are you talking about?”             “Ah! Maybe not. Maybe you just don’t like men. And that you prefer women.”             “Hindi ako lesbian!”             “There’s nothing wrong with being a lesbian.”             Unti-unti na siyang nauubusan ng pasensya sa kausap. “Of course, there’s nothing wrong with them but I am not like them.”             “Then why do you seem to hate men?” “I…” s**t! Bakit ba ang kulit ng lalaking ‘to? “I’m busy and I don’t have time talking to you.” “Okay. But if you need someone to talk to, I’m right here.” “And why would I choose to talk to you?” “Because I can give you an honest opinion about us men. Medyo biased ka kasi sa amin.” Tumpak ganern nga ang lalaki. Pero wala na siyang pakialam rito. “Wala na akong magagawa kung ‘yan ang iniisip mo.” She was about to turn her back on him when he spoke. “Alright! You don’t have to push me away like that.  Sorry at hindi ko mapantayan ang standards mo. Ang sakit palang ma-reject,” obvious na nilakasan ang boses na sagot nito. Di mapigilang mapatingin sa kanila ang mga tao sa paligid. Pinandilatan niya ito. “What the f**k are you doing?!” pabulong na tanong niya rito. Yumuko ito dahilan upang magkalapit ang kanilang mga mukha. “Pinanindigan ko lang ang iniisip mo sa aming mga lalaki. Men can be irritating right? Pero wala tayong pinagkaiba. You women are pain in the ass as well.” Napasinghap siya sa narinig mula sa lalaki. How dare he talk to her like that? Sasagot na sana siya nang hiwakan siya ng isang kamay. Paglingon niya ay si Rick pala iyon. Gusto niyang magprotesta pero hinila na siya ng bakla palayo kay Mr. Wright. Natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng office ng kaibigan. Nandoon rin Raymond na tila naghihintay sa kanila. “Teka, beks. Di pa ako tapos doon,” reklamo niya. Sunod-sunod ang iling ng kaibigan. “Wag ka nang makipag-away doon kay Matthias.” “Matthias? Akala ko Wright ang pangalan no’n?” “Oo, nga. Wright. Matthias Wright ang pangalan niya.” Ahhh… “Pero nakakainis siya ha? Grabe.” “Pagpasensyahan mo na, Emma Rose. Kaka-split lang no’n sa girlfriend kaya medyo uma-attitude. Pero mabait ‘yon,” singit ni Raymond. Napailing siya. “Mabait? Nakita mo naman siguro ang ginawa kanina?” “You’re not nice to him either, sis.” Si Rick iyon na nasa tabi na ni Raymond at nakalingkis na ang braso sa jowa. Napabuntong hininga na lang siya dahil mukhang may point din naman ito. Hindi niya talaga minsan makontrol ang inis sa mga lalaki. Lalo na sa mga arogante. “Fine. I’m sorry. Medyo sumobra rin ako,” paghingi niya ng paumanhin sa dalawa. “Okay na ‘yon, sis. Ang isipin mo ay ang nalalapit mo nang date kay Simon Sillen,” puno ng excitement na sabi ng kaibigan. Good. At least the news sounded better. Magagawa na niya ang first step ng kanyang mga plano. Pero bago pa man matanong si Rick tungkol sa mga detalye ay bigla niyang naisip ang presensya ni Raymond. “Sinabi mo kay Raymond ang tungkol sa plano ko?” prangkang tanong niya sa kaibigan. Rick bit his lower lip and nodded. “I had to, sis. Kailangan niyang maintindihan ang lahat para makatulong sa atin.” Nilipat niya ang tingin kay Raymond. “Don’t worry, Emma Rose. I’ll keep my mouth shut. Lagot ako sa babes ko kapag lumabas ang kwento.” Tumango siya. Alam naman niyang mapagkakatiwalaan ang boyfriend ng kaibigan. Magkasintahan na ang mga ito for two years now. If Rick trusts him, maybe she should. “Okay. By the way, thank you Raymond. Medyo desperado na rin kasi ako kaya ko gagawin ito.” “I totally understand,” sagot ng PT. “As long as hindi masasaktan si Simon. I’m just fine with it.” “Hindi siya masasaktan, babes. Trust me. Siya pa ang swerte sa beshie ko,” maarteng sagot ni Rick. Natawa na lang siya sa sinabi ng kaibigan. Tama nga naman ito. Swerte si Simon dahil never pa siyang nagkaroon ng experience sa kahit kaninong lalaki. “So, ikaw na ang bahalang i-blind date kami, Raymond?” tanong niya sa boyfriend ng kaibigan. Pansin niyang nag-isip ito sandali bago sumagot. “Well, Simon… he’s a great guy. I’m sure he’s clean. I know his health records. Maski ang maliit na injury niya sa katawan alam ko. He’s also smart and really good looking. But…” “But what?” tanong niya, “Well… he always claims he has a girlfriend pero wala namang pinapakilala sa amin. I think hindi siya ganoon kadaling kausapin sa pakikipag-date sa mga babae.” Nanlaki ang kanyang mga mata. “He’s gay too?” Mabilis umiling si Raymond. “He’s not. I can guarantee that.” “So hindi siya magiging interested sa akin?  How can you set me up with a date with him?” “Well, you can come to our game. Dapat makita ka niya at makilala. He’s not going to agree dating you without meeting you first.” “Ang arte pala niyang si Simon,” reklamo ni Rick. “Well, ikaw ang may kailangan, Emma Rose. Kaya need mong mag-adjust.” Tama nga naman si Raymond. Siya ng may kailangan. Siya ang mag-effort. “Fine. Kelan ba ang laro?” tanong niya. “On Wednesday. Second game kami sa MOA Arena. I’ll get you tickets para sa seats behind the bench.” Mukhang maganda iyon. Mapapalapit siya kay Simon. He’ll see her right away. “Great. Sa susunod na araw pa naman. I’ll clear my schedules then. Mukhang wala naman din kaming surgery sa araw na iyon,” anas niya. “Good. So you’ll have time to work on your looks,” pahayag ni Raymond. Napatingin siya sa sariling suot. “Of course, mag-aayos ako.” “You know what I mean, Emma Rose. Hindi lang basta mag-aayos ka,” sagot ni Raymond. Napatingin siya kay Rick. Tumatango-tango ito. “Tama si babes ko, sis. Hindi ka lang basta mag-ayos. You need a makeover.” “Seriously?” di niya mapigilang reaksyon. Tumango si Raymond. “Nakahilera sa mga upuan roon ang mga partners ng players. Asawa, girlfriend, fiancé. They all look stunning. That’s why you need to raise up the bar. You must look prettier than them.” God! Mukhang mapapalaban pala siya sa araw na iyon. “Okay. I’ll tell Bettie and Joey.” “Great!” mabilis na sagot ni Rick. Halatang-halata sa boses nito ang excitement. Pero kung ganoon ka excited ang kaibigan ay ganoon naman siya ka-anxious. Makakaya kaya niya ang planong gagawin? Will she go that far para magka-baby? No! There’s no room for any doubt. I need to do this for myself. Nakapagsimula na siya. Hindi na siya aatras pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD