“I TOLD you. Men are useless, stupid and abusive. Bakit ka ba naniniwala pa sa kanila?” napainom ng iced tea si Emma Rose matapos pangaralan ang beking kaibigan na si Bettie. Naglalasing kasi ito matapos iwan ng boyfriend.
“Pero mahal ko siya, Sis! Akala ko truelalu na ang pag-ibig namin sa isa’t isa,” umiiyak na sagot ni Bettie. Umiitim na ang ilalim ng mga mata nito dahil sa nabasang black eyeliner. Mabuti na lang at hindi sila nagpunta sa isang bar at doon na lang sa bahay nito nagkita-kita. Siguradong makikita si Bettie ng mga tao at magawan pa ng kwento. Isang sikat na fashion designer si Bettie Soliman at laging in demand ang mga gawa lalo na sa mga artista.
“Ay grabe siya! Di naman lahat ng boys ay ganoon, Emma Rose! May mababait pa rin naman,” tutol ng isa pa nilang kaibigan na si Rick. Isa itong fitness expert na nagmamay-ari ng high end fitness center. May boyfriend itong physical therapist for 2 years kaya siguro nito dinidepensahan ang mga lalaki.
Mga lalaki talaga dahil lahat ng mga kaibigan niya ay mga beki. Bukod kina Bettie at Rick, kabarkada rin niya si Joey Beltran, isang transgender na professor sa UP.
You got it right. Bakla ang mga kaibigan ko. And I’m proud of them.
Unlike Bettie and Joey, hindi ganoon ka open si Rick. He is working in an environment wherein men are supposedly ‘tough’. Pero hindi lang alam ng mga judgmental na tao na mas lalaki pa sa ibang lalaki ang kaibigan niya. At may naiaambag pa sa society ‘di tulad ng mga ipokritong mga lalaki.
“Naku, umandar na naman ang pagiging man-hater mo, Emma Rose.”
Napalingon siya sa kanyang likuran at nakitang papasok ng bahay si Joey. Ang ganda ng bakla niyang kaibigan. Kuntodo makeup at seksing-seksi sa suot na sleeveless blouse and fitting jeans.
Mas maganda pa sa akin! But she’s proud of herself tuwing nakikita si Joey. Siya kasi ang nurse noong nagpa-opera ang kaibigan upang maging isa na itong babae. She’s been working in a s*x reassignment clinic for ten years now as a nurse. At isa si Joey sa marami nang natulungan ng kanilang clinic.
“Uy, hindi ako man-hater,” protesta niya sa akusasyon ng kaibigan. Wala siyang kaibigang lalaki, pero hindi naman siguro siya man-hater.
“Man-hater ka, sis,” natatawang sagot ni Joey habang binibigyan siya ng halik sa pisngi. “Kung hindi ka man-hater eh bakit hanggang ngayon ay ikaw lang sa atin ang hindi nagkaroon ng love life?”
“Because I have you guys. And besides, kontento na ako sa achievements ko. I don’t need a man to make me feel complete,” pagtatanggol niya sa sarili.
“Kasi naman, dapat kang makihalubilo sa mga lalaki. Lagi naman na kami lang ang kasama mo at saka ang mga pasyente mong mga bakla rin. Paano ka niyan magkaka-love life? Dapat kasi ay magpunta ka sa gym ko. Maraming lalaki roon. Mamili ka lang kung anong bet mo. Pwede negosyante, professionals or athletes! You name it girl!” Si Rick iyon na nakahalukipkip pa.
Alam niyang nag-aalala lang sa kanya ang mga kaibigan. She’s already 38. Wala na siya sa kalendaryo. She should get married soon or else wala na siyang tsansang magkaanak. Siguradong pagtungtong niya ng kwarenta ay mahirap nang magbuntis. But she hate the idea of letting a man rule her life. Men are the same. Katulad lang sila ng tatay niyang walang kwenta.
“Eh sa ‘di ko sila kailangan kasi. Kayo guys, sapat na sa akin,” pag-uulit niya. “Pero bakit ba ako ang topic? Si Bettie ang pinunta natin dito.”
Dahil sa sinabi ay mas lalong lumakas ang iyak ng heartbroken na kaibigan.
“Akala ko nakalimutan n’yo na ako,” mangingiyak na sabi ni Bettie. Kaya naman nilapitan nila ito at niyakap. Sanay na sila sa madalas na pagiging suki ng malas na relationship ang kaibigan. Pero kahit ganoon ay naaawa pa rin sila rito. Bigay na bigay kasi ito kung magmahal.
Kung sana lang ay matutunan niya kay Bettie ang pagkakaroon ng malaking puso para sa mga lalaki. Pero mukhang malabo iyon.
Ilang minuto pa ang lumipas at gumaan na rin sa wakas ang mood ni Bettie. Siguro ay dahil walang humpay ang mga kwentuhan nila at biruan.
Hindi niya gustong ipagpasalamat ang pagiging heartbroken ni Bettie pero dahil din doon ay nagkasama muli silang magkakaibigan. Parehong busy sila kaya naman isang magandang pagkakataon iyon para magbonding sila.
Ilang sandali pa ay tumunog ang kanyang cellphone. Her sister Allysa just texted her. Napangiti siya sa nabasa. Iiwan raw kasi muna nito sa kanya ang kambal nito dahil mag-oovertime ito sa trabaho. Isang headwriter ang kanyang kapatid sa isang TV network. Madalas ay ito ang nagsusulat ng mga drama series na pinapalabas sa TV. At proud na proud siyang sabihin na dahil sa kanya ay nakapagtapos ito ng kursong mass communication. Lahat ng apat na kapatid niya ay napagtapos niya dahil sa sariling sikap. Dahil single parent ang kanilang ina at siya ang panganay ay tumatak na sa isip niya ang responsibilidad na ibangon ang kanilang pamilya. She worked and studied hard for their family.
“Lalaki ba ‘yan? Ang lapad ng ngiti mo, sis,” komento ni Joey. Napansin pala nito ang pagngisi niya.
“Hindi. Si Allysa ang nagtext. Bantayan ko raw muna ang mga bata,” sagot niya sa kaibigan.
“Asus! Ikaw lang ang nakita kong mahilig sa bata pero ayaw naman mag-anak,” anas ni Rick.
“Teka! Bakit bumalik na naman sa akin ang topic?” reklamo niya.
Umiiling na tiningnan siya ni Bettie. “Totoo kasi, sis. Mag-asawa ka na kasi. Para magkaanak ka na.”
“Eh ayaw ko nga sa mga lalaki. Mag-aanak ako pero hindi ko kailangan ng lalaki.”
Humagalpak sa tawa si Joey. “Ano ka sis? Magbubuntis na virgin. Makikipagkompetensya ka pa kay Mama Mary?”
“Uy, grabe siya! Posible naman ‘yon,” pagtatanggol niya sa sarili. Pero hindi naman ibig sabihin ay gagawin niya talaga. May katabi silang clinic na nag-ooffer ng fertility treatment at IVF services at nalaman niya kung gaano kamahal iyon. Umaabot ng halos kalahating milyon.
I-enjoy ko na lang ang maging Tiyahin of the Year kesa gumastos.
“Ewan ko sa’yo, Sis! Basta, sa next time mong magpunta sa gym ko hahanapan na kita ng boylet. Mahirap na baka may agiw na diyan sa jenjen mo sis!” hirit pa ni Rick.
“O ‘di kaya mga insects! Sis, dapat pasilip mo na ‘yan!” segunda naman ni Joey.
“Hala! Grabe kayo sa akin. Friends ko ba talaga kayo?” protesta niya. Hindi lang kasi iyon ang unang pagkakataon na kinukulit siya ng mga kaibigan na magkaboyfriend na. Kaso ay hindi lang talaga niya ma-picture out ang sarili na may karelasyon. She doesn’t need any man to complete her life.
May mga pamangkin siyang pinapasaya siya. May mga kapatid siyang mahal siya. At higit sa lahat ay may loka-loka siyang mga kaibigan na loyal sa kanya. Para sa kanya ay sapat na iyon para mabuhay.
KNOCK OUT ang fraternal twins na pamangkin ni Emma Rose matapos nilang maglaro ng habulan. Five years old na sina Harley at Harriet kaya mabilis na ring magsitakbuhan. Pinagod din siya nang todo ng mga ito kaya pati siya ay napahiga na rin sa kama katabi ng mga bata.
Makailang beses nang sinubukan ni Allysa na kumuha ng yaya pero siya ang pumipigil sa kapatid. Madalas namang nasa bahay lang ito nagsusulat. At saka always din siyang available kapag kailangan nito ng magbabantay sa mga bata. Bakit pa ito kukuha ng yaya?
“Nakatulog na pala sila, ate,” bati ng kapatid sa kanya. Hindi na niya napansin ang pagdating nito dahil sa antok.
“Pinagod ako ng mga bata. Ang lilikot ng mga ito,” natatawang sagot niya sa kapatid.
“Dapat ka na kasing magkaroon ng sariling mga anak, ate. Para may mga babies ka na rin na aalagaan.”
“Ay naku, Allysa. Pati ba naman ikaw, ganyan din ang sinasabi? Para ka na ring sina Rick, Joey at Bettie.”
“Totoo naman, ate. Concerned lang kami sa’yo. Siyempre, hindi ka na bata. You’re 38 na. May kanya-kanyang buhay na rin kaming mga kapatid mo. Wala na rin si nanay. Gusto lang naman namin na maging masaya ka naman.”
“Masaya naman ako,” pagkaklaro niya. “Kung magsalita ka ay para namang aalis kayo at iiwan na ninyo ako.”
Hindi sumagot si Allysa. Bagkus nakatingin lang ito sa kanya na malungkot ang mukha.
“Teka… a-anong ibig sabihin ng mukha mong ‘yan? A-aalis kayo? Tama ba ako?”
Nagbuntong hininga si Allysa. “Tumawag kasi si Roger kanina, ate. Sabi niya, kukunin na raw niya kami ng mga bata. Na-approve na kasi ang permanent residence visa niya sa Canada. Ipepetition na kami.”
Sa lima nilang magkakapatid ay si Allysa na lang nananatiling malapit sa kanya. Ang dalawa kasi ay nasa Saudi at nagtatrabaho roon. Ang isa naman ay nasa Cebu nakadesitino. Si Allysa na lang talaga at ang kambal ang palagi niyang nakakasama.
And now they’re leaving her.
Nagsimulang uminit ang mata ni Emma Rose pero nagpigil lang siyang umiyak. Ayaw niyang makita ng kapatid niya na malungkot siya. Siya ang ate. Siya dapat ang matatag.
“O-okay lang naman, ‘yan, Allysa. Madali nalang tumawag ngayon pati video call. Pwede pa rin tayong mag-usap anytime. Kaya huwag mo na akong alalahanin. Isipin mo ang kapakanan ng mga bata. Tama naman na magkaroon na sila ng buong pamilya.”
Pero kahit ganoon ang sinabi niya ay mabigat sa loob niya ang planong pagsunod ng kapatid at mga pamangkin sa padre de pamilya nito sa Canada. The fear of being alone suddenly crept through her.
“B-bakit hindi ka na lang sumama sa amin, ate? Mag-apply ka bilang nurse sa Canada. Para sama-sama pa rin tayo.”
Gustong-gusto niya ang ideyang iyon ng kapatid. Pero kapag ginawa niya naman iyon ay nagmumukha siyang dependent rito. Dependent in the sense na hindi niya kayang mabuhay nang wala sila.
Which is somewhat true.
Buong buhay niya ay nailaan na niya para sa pagpapalaki ng mga kapatid at pagpapaaral ng mga ito sa kolehiyo. Pero hindi naman niya isusumbat ang mga iyon o hindi kaya ay maniningil siya ng atensyon ng mga ito. She’s happy that they have their own lives now. Tama lang na hayaan niyang makalipad na ang mga ito mula sa kanyang mga kamay.
“Ate… sige na. Mag-apply ka na rin. Para hindi ka malayo sa amin.”
Umiling siya. “Naku, ikaw talaga. Ayos lang ako rito. Matanda na ang ate mo para isipin pa ‘yang mga ganyan-ganyan. Ang mga bata ang importante. Mabubuo na kayo bilang pamilya.”
“Pero, ate…”
“Shhh… ‘wag ka nang maingay at natutulog na ang mga bata. Uuwi na ako sa condo ko. Matulog ka na rin at huwag magsulat. Gabi na. Bukas ka na magsulat.”
“Ate naman eh…”
“Allysa, makinig ka kay Ate. Tulog ka na.”
“Ate, kalimutan mo na ang galit mo kay papa.”
Natigilan siya sa narinig mula sa kapatid. They hardly talk about their father. Alam ng mga ito ang galit niya sa ama nila.
“Huwag mo siyang banggitin, Allysa. Alam mo kung bakit.”
“Pero iyan ang nakikita kong rason kung bakit ayaw mong mag-asawa, ate. Galit ka sa papa natin. Natatakot kang gawin sa’yo ang ginawa niya kay nanay.”
Napakuyom siya. “Naranasan mo rin ang magutom nang dahil sa wala tayong makain, Allysa. Nakita mo kung paano naging masaya ang ikalawang pamilya niya habang tayo parang basurang tinapon lang. Nakita mo kung paano naghirap si nanay dahil sa paglalaba para lang may ipakain sa atin. Tapos sasabihan mo lang akong patawarin siya? Hindi ko magagawa iyon. Hindi ko siya kayang patawarin.”
Buhay pa ang kanilag ama. Iyon ang narinig niya mula sa isang malayong kamag-anak. Pero wala siyang pakialam. Mas lalong wala siyang planong patawarin ito.
“Ate… hindi lahat ng lalaki ay tulad ni tatay. Maski ako ay nakatagpo ng matinong lalaki. Ikaw rin ate. May mahahanap ka rin kapag binuksan mo lang ang puso mo.”
Mariin siyang umiling. “Ayoko, Allysa. Masaya na ako sa meron ako ngayon. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay.” Tumayo siya at kinuha ang bag. “Matulog ka na. Uuwi na rin ako.”
Dumeretso na siya sa labas ng bahay at sumakay ng kotse. She felt like crying pero nagmatigas pa rin siya. Hindi siya iiyak. Nangako siya sa puntod ng kanyang ina na hindi na siya iiyak kahit kailan. She is a strong woman. And she needs no one to make her feel complete.
“NAPAG-USAPAN na namin ni Mike na mag-aampon kami ng bata,” masayang anunsyo sa kanila ng kaibigang si Joey. Nasa isang restaurant sila at sabay na nagla-lunch.
Matagal nang nagli-live in sina Joey at ang boyfriend nitong si Mike. At in fairness mukhang gusto na ng mga itong mag-level up.
“Talaga? OMG! I’m happy for you, sis!” bati niya sa kaibigan. Totoo naman ding masaya siya para rito.
“Me too!” bulalas ni Bettie. “Ninang kami ha?”
“Of course! Siyempre, sino pa ba ang kukunin kong mga godmothers kung hindi kayo!” sagot ng magandang bakla.
“You know what, Emma Rose? Dapat gumaya ka kay Joey. Mag-ampon ka na rin. Tutal wala ka nang magiging kasama ngayon sa buhay.” Si Rick iyon na tila inanunsyo sa mundo ang bagay na bumabagabag sa kanya ngayon.
“Anong ibig sabihin no’n, Emma Rose?” puno ng kyuryusidad na tanong ni Bettie.
“Do you want to say it or ako na?” tanong ni Rick sa kanya.
Kahit kalian napakama-chismax talaga ng kaibigan niyang iyon. Sila kasi ang nauna sa restaurant kanina kaya nabanggit niya rito ang problema.
“Ako na, Rick.” Huminga siya nang malalim bago magsalita. “Aalis na pa-Canada sina Allysa pati ang mga bata. Susundan na nila si Roger.”
Bakas ang lungkot sa mukha ng mga kaibigan niya. Alam kasi ng mga ito kung gaano kahalaga sa kanya ang kaniyang pamilya.
“Awww… don’t worry, sis. Nandito pa naman kami. Di ka namin iiwanan,” pamapalubag loob na sabi ni Joey. And she believed her friend. Through thick or thin naman din ang pagkakaibigan nila.
“That’s why you should consider adoption too, Emma Rose. Para naman may pagbalingan ka ng atensyon mo,” panghihikayat ni Bettie.
“Eh bakit pa mag-aadopt? May factory naman ng bata itong kaibigan natin,” ani Rick.
Hindi niya nagustuhan ang pagngiti ng mga kaibigan.
“Hoy! Sinabi ko na sa inyo. Hindi ako magpapatali sa lalaki. No way!” tutol niya.
“Eh sino bang may sabing magpapatali ka? Ang sabi ko lang naman, may matris ka at pwede kang magbuntis. Baby lang naman ang kailangan mo at hindi asawa. Kaya I suggest, buksan mo na ang baby factory mo para magka-baby,” push pa ni Rick.
Pakiramdam niya ay sasakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. “So you mean, magbubuntis ako nang walang tatay ang bata?”
It sounded better for her. She’ll have her own flesh and blood. Pero hindi naman ganoon kadali iyon.
“Sis, I know how IVF works. Nurse ako,” paalala niya sa mga kaibigan.
“Of course, alam mo, sis!” ani Joey. “Kaya nga susubukan natin ‘yon.”
“It’s expensive, Joey. Aabutin ng a quarter to half a million ang gagastahin. I don’t have that money!”
“We do! Mag-aambagan tayo,” suhestiyon ni Bettie.
Agad siyang napailing. “No… no way! Hindi ko pwedeng ipapasan sa inyo ang problema ko. It’s a lot of money.”
“May ibang option ka naman besides, IVF, sis,” singit ni Rick.
Kunot noo niyang tiningnan ang kaibigan. “What do mean other option?”
Ngumiti lang si Rick. He’s as if teasing. Doon siya tila natauhan.
“No way!” mariin niyang sabi.
“Yes, way, sis! It’s cheaper. It’s less hassle. And guess what? It’s more enjoyable,” nakangising sagot ni Rick.
“Oh no! Hindi ako makikipag-one night stand para lang magka-baby!”