ROUEN POV
"Seryoso? Bakit kayo nandito? Talagang nag effort pa kayong magsuot ng casual attire?" tanong ko noong makita ang mga kawal ng Blood Sucker kingdom na pumasok sa loob ng bar kung saan ako nagroroon.
"Mahal na prinsipe, pasensiya na po sa pagsunod sa inyo. Ngunit ipinagbabawal na po ng mahal na hari na magtungo ka dito sa mundo ng mga mortal para mag bar hopping. At ayaw na rin ni Master Enchong na nagtutungo kayo dito," ang sagot nila.
"Pambihira naman sila papa, para hindi sila dumaan sa ganitong stage. Pati ba naman ito bawal na rin?" tanong ko sa kanila.
"Patawad po mahal na prinsipe ngunit sumusunod lang kami sa utos ng iyong mga ama," ang wika nila sabay hawak sa aking braso.
Nagpumiglas ako, "huwag niyo na nga akong hawakan. Sasama ako sa inyo ng maayos at hindi ako tatakbo dahil kailangan makausap sila papa. Masyado na silang naghihigpit sa akin, hindi naman na ako bata! Mabuti pa yung mga version nila sa past sobrang cool at sobrang babait!" ang sagot ko sa kanila na hindi maitago ang pagkainis. Ang itinutukoy kong "version" ay yung sina Papa Enchong at Papa Rael na nakasama ko sa nakalipas na panahon, yung nakasama ko sa pakikipaglaban kay Hakal sa ancient times. Ngayon back to future na naman ako at mas mahigpit sila sa akin dito.
Gaano ba kahirap maging prinsipe ng mga blood sucker? Masasabi kong nag enjoy naman ako sa paglaki ko. Ang nag-alaga sa akin noong baby ako ay sina lolo at lola dahil ang aking mga magulang ay sadyang maraming misyon sa Kailun. Kaya lumaki akong spoiled sa kanila, ayaw ni lola na nagugutom ako kaya lahat ng pagkain ay ibinibigay nila sa akin. Kapag ayokong mag aral at pumasok sa school ay hindi ako pinipilit nina lolo at lola, bagkus ay dinadala pa nila ako sa mall para bilhan ng laruan.
Pero kapag dumarating na si Papa Enchong at Papa Rael sa bahay ay kanya kanya sila ng way ng pag aalaga sa akin. Si Papa Rael ay cool, lagi kaming naglalaro at madalas ay tinuturuan niya ako ng "bat" technique, para daw matuto agad akong lumipad. Walang pressure magturo si papa Rael, para lang kaming naglalaro. Chill lang kaming dalawa at madalas niya akong pasan habang nakatore sa tuktok ng palasyo. Sabay din kaming umiinom ng dugo ng blood bank at naliligo sa bath tub.
Unlike kay papa Enchong, dahil iba talaga ang approach niya, gusto niyang maging matalino ako katulad niya kaya't lahat ng lectures at advance study ay itinuturo niya sa akin. Nagagalit din si Papa Enchong kapag tinatamad akong pumasok sa school o kaya ay ayoko mag aral ng lessons ko. Karaniwan ito talaga ang pinagmumulan ng away nilang mag asawa. Kaya minsan ay nagtatakip na lang ako ng tainga sa isang sulok o kaya tumatakbo ako kay lolo at lola para magsumbong.
"Hon, bata pa naman si Rouen, huwag mo naman siyang ipressure. Kung ayaw niyang pumasok at mag aral ay hayaan mo siyang maglaro," ang wika ni papa Rael.
Nakakunot ulo naman si papa Enchong, "Kaya lumalaking tama iyang batang iyan dahil kinukunsinte niyo nila mama. Gusto mo bang mag mana sa iyo yang anak mo na tamad at walang hilig humawak ng libro?"
"Dinamay mo na naman ako, paglaki ni Rouen ay magiging hari siya ng mga blood sucker at siya papalit sa trono ko. Hindi naman niya kailangan maging genius na kagaya mo. Ang pagiging genius ay hindi naman masyadong cool dahil mas cool ang maging gwapo at maging yummy!" ang sagot ni papa Rael.
“Pwes! Rael para sabihin ko sa iyo ay hindi ka naman masyadong yummy!” ang sagot ni papa Enchong.
Natawa si Papa Rael, “Talaga lang ha, kapag pinapaungol kita gabi gabi anong sinasabi mo? “Ahhh ang sarap ng asawa ko! Ang gwapo ang asawa koooo! More pa! More paaa!” ang pang aasar nito.
Nahiya si papa Enchong "Ewan ko sa iyo! Basta Rael ha! Huwag ka ngang magdecide para sa kanya, kapag nahilig si Rouen sa pag aaral ay tiyak na hindi na niya iisiping maging hari sa Kailun," ang sagot naman niya.
"Magiging hari siya!"
"Hindi! Huwag kang magsalita ng tapos!"
Habang nasa ganoong pagtatalo sila ay bumukas ang pinto at pumasok naman si Ninong Oven, "ano ba iyan ang aga aga nag aaway agad? Asan na ba yung gwapo kong inaanak at male-late na kami sa screening ng commercial!" ang hirit nito.
"Ano? Anong commercial?" tanong ni papa Enchong.
"Ano ba kayo, may invitation si Rouen para sa mga commercial, ito ang magiging stepping stone niya para maging artista siya!" ang excited na wika ni Ninong Oven. "Saka huwag niyo nga ipinapakita sa bata na nag aaway kayo, hindi iyan healthy para sa kanya. Come here baby! Iwanan na natin yang dalawang tatay mong baliw baliwan," ang dagdag pa niya.
Ibang iba rin ang approach ng pagpapalaki niya sa akin. Parati niya akong isinasali sa mga contest at sa mga commercial. Bukod sa pagt-traning ko para maging hari ng Blood sucker kingdom at sa pag-aaral ko ng lesson para maging genius katulad ni papa Enchong. Ay pinasok ko rin ang limelight pagiging celebrity dahil ito ang gusto ni Ninong Oven. Inilaban pa nila ako sa mga male pageants at nanalo ako bilang Mr. International sa ibang bansa.
Si Ninong Oven ang pinaka konsintidor sa lahat kaya naman gustong gusto ko siya at napalapit ako sa kanyang ng husto. Madalas silang nag aaway ni papa Enchong dahil parati niyang pinagtatakpan ang pagkakamali ko.
In short, magulo ang buhay ko dahil madaming nag-alaga sa akin at bawat isa sa kanila ay may pangarap para sa akin. Gayon pa man sa paglipas ng panahon ay pinilit kong tuparin ang lahat ng iyon. Naging mahusay akong madirgma at lumakas katulad ni papa Rael. Naging genius ako at nahilig sa teknolohiya katulad ni papa Enchong. At naging modelo ako at naging celebrity katulad ng nais ni Ninong Oven. Sa palagay ko ay wala naman akong binigo sa kanila.
Ngunit minsan ay itinatanong ko sa aking sarili, bukod sa mga bagay na gusto nila para sa akin, ano kaya ang bagay na nais ko para sa aking sarili? Ewan, sa dami ng nakamit ko ay hindi ko na ito naisip pa.
Ang kwento ng buhay ko sa mga nakalipas na taon ay sadyang magulo. Ilang beses akong gumawa ng time machine at portal upang bumalik sa nakaraan at itama ito. Mula sa pagkakamali kay Egidio hanggang sa sumibol ang digmaan kay Xandre Del Viuri.
At hindi lang iyon dahil umabot pa kami sa paglalakbay sa nakalipas upang sundan si Hakal at buhayin ang hinaharap na kanyang binura. Naging madugo ang bawat labanan na aking pinagdaan at ilang beses din akong nalagay sa alanganin. Ngunit gayon pa man ay naging malakas ako at napagtagumpayan ko lahat ang mga pagsubok na iyon.
Marami akong naging kaibigan, kabilang na rin sina Tob na anak nina Tito Leo at Ibarra na isang engkanto. At syempre si Chaim na anak nina Tito Lucario at Suyon na bibilang sa lupon ng Gods sa Bayan ng Yelo. Kaming tatlo ang naging "trio" sa kalokahan at maging sa pakikipaglaban.
Ang samahan namin ni Tob ay parang tunay na magkapatid. Ngunit ang samahan namin ni Chaim ay espesyal at nagresulta ito sa mas malalim na relasyon at pagtitinginan. Later, ay babalikan ko na lamang kung paano nga ba kami nagsimula.
Ang buhay ko ay isang matinding roller coaster ride. Parang isang alon na tumaas at bumaba, mahirap sundan at napaka unpredictable. Gayon pa man ay narealize ko na masarap mabuhay dahil alam kong maraming nagmamahal at nagpapahalaga sa akin. Ang bawat isa sa kanila ang nagsisilbing lakas at inpirasyon ko para ipagpatuloy ang aking mga nasimulan.
Sa tuwing nakakaramdam ako ng takot at pangamba, sa tuwing dumarating ang oras ng panghihina ay iniisip ko lang kung bakit ako nagsimula at naging malakas.
At ngayon ang bagong simula ng aking buhay ay magbubukas sa hinaharap kung saan ako nabibilang. Sa tuwing tumitingin ako sa kalangitan ay parang pelikulang nagbabalik sa akin ang lahat. Ang bawat pagsubok na aking napagdaanan at napagtagumpayan ay maituturing kong isang mahalagang ala-ala na bumuo sa aking pagkatao bilang si Rouen, ang prinsipe ng mga Blood Sucker.
******
FUTURE DAYS
"Mahal na hari, nandito na po si Prinsipe Rouen," ang wika ng mga kawal noong ihatid ako sa palasyo kung saan bumulaga sa akin si Papa Rael na nakaupo sa hapag kainan.
Kahit dito sa future di naman nagbabago ang itsura nina papa Rael at papa Enchong, nagmature lang sila ng kaunti, mas lumaki ang mga katawan at naka focus sila sa pagpapaunlad ng buong kaharian.
Noong matapos ang labanan sa ancient times at manalo ang grupo namin ay nagbago na rin ang standing ng lakas nina papa Enchong at papa Rael. Dahil binago ng pangyayari sa past ang aming future.
Ngayon ay taglay ni papa Enchong ang pinakamalakas na sandata sa universe, ang conqueror of time. At taglay ni papa Rael ang lakas ng isang sagradong Diyos. Silang dalawa yata ang mag asawang sobrang over powered maliban kina tito Lucario at Suyon.
Kaya bilang anak nila ay na medyo nakakaramdam ako ng pressure dahil pakiramdam ko ay napag iwanan na lalo ako ng aking mga magulang bagamat hindi naman ako nakikipag kompetensiya sa kanilang lakas.
"Maupo Ka hijo at sabayan mo akong kumain," ang bungad ni papa Rael.
"Hindi naman ako nagugutom papa, bakit pinasundo mo pa ako sa mga kawal?" tanong ko sa kanya.
Tuloy lang siya sa pagkain, "dahil ayaw ng papa Enchong mo na nagpupunta ka sa bar at nagpapakalasing," ang sagot niya sa akin.
"At sinang ayunan mo naman si Papa Enchong?" tanong ko naman.
"Oo, malamang, asawa ko iyon at nanay mo siya kaya siya ang batas nating dalawa. Sumunod ka na lang sa kagustuhan niya," ang sagot ni papa Rael.
Maya maya tumingin siya akin at nag wika, "may mga bagong kawal na parating bukas, tulungan mo si Heneral Liad na magsanay sa kanila," ang utos nito
Tumango na lang ako, "Opo papa."
Nakakainis talaga, sobrang istrikto nila papa Enchong dito sa future. Samantalang doon sa past ay sobrang cool nilang dalawa. Ganyan pa ba talaga kapag tumatanda ay nagiging mahigpit?
"At bago ka makipag usap sa papa Enchong mo ay maligo ka dahil amoy alak ka, lalong magagalit iyon sa iyo," dagdag pa ni papa Rael sabay labas ng kanyang cellphone at nanonood pa ito ng gag show.
Tawa siya ng tawa at wala siyang pakialam sa feelings ng anak niya.