Part 2: Growing Love

1607 Words
ROUEN POV "Anak, wag ka sana magtampo sa akin. Marami namang magagandang bar dito sa Kailun, hindi mo na kailangan pang tumawid sa mundo ng mga mortal at doon ay makigulo," ang wika ni papa Enchong noong pumasok ako sa kanyang silid, naabutan ko itong nanonood ng telebisyon. "Pa, hindi ko makuha yung thought, bakit bawal? Kailangan ko ng isang strong reason," ang sagot ko naman. "Madalang na rin akong magtungo sa mortal world dahil nakikilala ako ng mga estudyante ko. Karaniwan sa kanila ay matatanda na, samantalang ako ay hindi man lang nagkaka edad. Nag mamatured ang pag iisip, oo. Pero ganoon pa rin ang aking pisikal na anyo. Anak, may mga taga hanga ka pa rin sa mortal world at may mga taong tiyak na makakakilala sa iyo doon. Paano mo ipapaliwanag na hindi ka man tumatanda? Iniingatan lamang kita, hijo," ang mahinahong salita ni papa Enchong. Sumampa ako sa kama at tinabihan ko siya saka ko siya niyakap. Nakuha ko naman ang punto ni papa dahil nangyari sa akin ang bagay na kanyang sinasabi. May isang insidente na nagtungo ako sa bar doon sa mortal world na nagkataon na yung matandang security ay dati kong kaklase. At nakilala niya ako doon, ang laki ang difference ng age naming dalawa. At ako nanatiling bata samantalang siya ay kumulubot ang balat. Yumakap ako kay papa Enchong, "Pa, wala na ba kayong balak magkaanak ni papa Rael?" tanong ko habang nakangiti. Natawa si papa Enchong, "bakit? Gusto mo ng makulit na kapatid? Alam mo ba kung gaano kahirap magbuntis? Noong baby ka dito sa tiyan ko ay sinisipsip mo ang dugo ko tapos napakalikot mo pa. Pagulong-gulong ka sa sinapupunan ko kaya minsan ay hindi talaga ako nakakatulog ng maayos. Pero ako ang pinakamaligayang tao noon. Sadyang mabilis lang ang panahon, ngayon ay binata ka na at pasaway pa," ang sagot niya sa akin. Ang totoo noon ay gusto ko lang naman magkaroon ng kapatid para yung atensyon nila papa ay doon na lamang sa kanya at pabayaan na nila ako. Pero parang imposible naman iyon dahil wala yata silang balak na sundan ako. "Huwag mo na nga pangaraping magkaroon ng kapatid, sa iyo pa nga lang ay sumasakit na ang ulo namin. Ayaw na namin ng isa pang makulit na Gremlin dito sa palasyo," ang sagot ni papa Rael noong pumasok ito sa aming silid. Tumingin sa akin si papa Enchong, "hindi biro magkaroon ng anak, kaya ikaw huwag kang mapusok kay Chaim. Maliwanag ba?" tanong niya. Nahiya ako at namula, "pero papa, hindi naman namin ginagawa yung ganoong bagay," ang pagdedeny ko naman. "Alam mo ba kung gaano kalakas yung ungol niyong dalawa kapag nagsesex kayo? Hindi naman sa nanghihimasok ako sa pribadong gawain ninyong dalawa pero sana ay mag ingat kayo dahil mahirap magkaroon ng responsibilidad," ang sagot ko ni papa Rael. Nahiya ako sa sinabi ni papa pero nasa wastong edad naman ako para sa mga gawaing ganoon. Isa pa ay may relasyon naman kami ni Chaim at dumaan ang aming samahan sa magulong usapan. Madalas ay away-bati at hindi kami nagkakaunawaan sa lahat ng bagay. Hindi ko alam kung nasa akin ba ang problema o nasa kanya. Basta ang alam ko lang ay parte ito ng aming growth bilang isang binata. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin yung mga pinagdaanan naming dalawa.. FLASH BACK Sina Chaim at Tob ay nakilala ko noong literal na 18 years old, sa isang pagtitipon sa Blood Sucker Kingdom kung saan nabuo ang alyansa ng lahat ng mga lupain at pinagtibay ito. Kasama nina Tito Leo at Ibarra si Tob at unang pagkikita pa lang namin ay nag "click" na agad ang aming personalidad. Dahil siguro ay pareho kaming maloko at pareho mahilig sa technology. Noong mga sandaling iyon, si Tob ay nasa ilalim pa lamang ng pagsasanay sa ilalim ng kanyang mga magulang ngunit ang malakas na kapangyarihan ay mararamdaman mo na agad sa kanyang katawan. Noong gabi ring iyon ay dumating si Tito Lucario at Suyon. Kasama nila ni Chaim na noon ay tahimik lang bagamat talagang naging center sila ng attraction dahil sa kanilang mga gwapong mukha. At mula sa bulwagan ay ramdam na ramdam na ang kapangyarihan ni Chaim kahit itago niya ito ay talagang nag uumapaw. Ipinakilala ako ng aking mga magulang kay Chaim, nagkamay kaming dalawa at noong mga oras na iyon ay naramdam kong physically attracted ako sa kanya. Hindi ko alam kung naaakit ba ako sa kanyang anyo o kanyang malakas na kapangyarihan kaya? Basta ang alam ko lang noong ay may "spark" ang pagdidikit ng aming balat na parang tinakda ang lahat. "Ang lakas ng kapangyarihan mo, baka maramdaman ito ng mga kalaban sa paligid?" ang biro ko kay Chaim noong mga sandaling iyon. Natawa siya, "naka baba sa 0% ang kapangyarihan ko. Ewan ko nga ba kung bakit nararamdaman pa rin," ang sagot niya sa akin. "Talaga ba?" tanong ko naman. Tango ang kanyang isinagot. "Nagsasabi si Chaim ng totoo, masyadong malakas ang kapangyarihan sa kanyang katawan kaya't kahit itago niya ito ay talagang lumalabas at nararamdaman pa rin," ang sagot ni Tob habang nakangiti. Ito ang simula ng pagkakaibigan naming tatlo. Dito nabuo ang "trio" na aming samahan at simula noong gabing iyon ay parati na kaming magkakausap sa cellphone at nagpaplano kung paano makakatakas sa aming mga magulang. Tungkol naman sa amin ni Chaim, nagsimula ang aming relasyon sa simpleng pag uusap lamang. Simpleng kumustahan, simpleng kwentuhan. Madalas din ako nag s-share sa kanya ng aking mga imbensyon bagamat ramdam kong hindi naman siya mahilig sa mga ito sinusuportahan pa rin niya ako. Madalas din kaming nagsasabihan ni Chaim ng problema at hinaing sa aming mga magulang, sa ganitong paraan ay nagkakaunawaan kaming dalawa. At marahil ay dito nagsimula ang aming mas malalim na pag unawa at pakikitungo sa isa't isa. "Gusto mo ba puntahan kita diyan?" tanong ni Chaim sa akin, habang magkausap kami sa cellphone. "Hindi, ako na lamang ang pupunta sa iyo, nakakalipad naman ako," ang sagot ko sa kanya. Natawa siya, "nakakalipad? Ilang maliit na paniki ba ang kaya mong gawin? Nakakalipad din naman ako, pero mayroon pa akong alam na mas madaling paraan," ang sagot niya sa akin. "Ano naman iyon?" ang tanong ko sa kanya. "Basta magugulat ka," ang sagot ni Chaim. At maya maya bigla na lamang may tumapik sa aking balikat dahilan para magulat ako at mahulog mula sa rooftop ng palasyo, mabuti na lang at naka kapit ako sa estatwa ng dragon na nakapaligid dito. Pagtingin ko sa itaas ay nakita ko si Chaim nakasuot ng simpleng damit at pantalon. Tawa ito ng tawa habang pinagmamasdan akong nakahalumbitin sa ere. Agad niya akong hinila paitaas. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Pinuntahan ka, ayaw mo ba?" tanong niya, hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Syempre gusto, teka, bakit ang bilis yata? Paano mo nagawa?" tanong ko sa kanya. "Madali lang naman, may kakayahan akong magbukas ng portal kaya nakakapunta ako kahit saan ng mas mabilis," ang sagot niya at dito ay nagliwanag ang kanyang kamay at maya maya bumukas ang kulay itim na portal na animo worm hole sa aming harapan. "Hanep, ang husay mo pala talaga," ang paghanga ko sa kanya. Muli niyang ikinumpas ang kanyang kamay at maya maya sumara muli ang portal sa aming harapan, "nakita mo na? Saklaw ng aking kakayahan time and space," ang dagdag pa niya. "Eh bakit nag uusap pa tayo sa cellphone kung pwede mo naman pala ako agad puntahan dito at makausap ng personal?" "Madalas akong tumutulong kina papa kaya't hindi ako nakakaalis, at isa pa ay nararamdaman ni papa Suyon kung gumagamit ako ng kapangyarihan," ang tugon niya. "Iyan ang mahirap kapag mga OP ang magulong no?" tanong ko naman. Natawa siya, "Over powered din naman ang parents mo. Sobrang bait ni tito Enchong, parang hindi naman tama na sabihin mong isa siyang halimaw," sagot ni Chaim. "Nasabi ko lang naman iyon dahil talagang naiinis ako kay papa noong time na iyon. Pero ngayon ay okay na kami ulit. Gusto mo bang magpunta sa kwarto ko?" tanong ko sa kanya. "Okay lang, mas maganda talaga ang klima dito sa Kailun kaysa doon sa amin sa Ice country," ang sagot niya, inalis niya ang damit at huminga ng malalim, ninamnam niya ang liwanag ng araw sa kalangitan bagamat hindi naman mainit. Ang katawan ni Chaim ay sobrang kinis na parang papel, magandang hubog nito at mayroon din siyang abs. Parang mala korean na katawan, fit and toned na ang dibdib ay medyo nakaputok. "Minsan ay ilibot mo naman ako sa inyo para alam ko kung gaano kalamig ang klima. Mabuti at hindi ka naghahanap ng kayakap kapag nilalamig ka?" ang biro ko sa kanya. "Malakas naman yung heater doon sa kwarto ko. Sa tingin ko ay hindi ko na kailangan ng yayakap sa akin," ang tugon niya habang lumalakad kami papasok sa aking silid. Tahimik. "Nga pala, nasaan sila tito Enchong? Hindi mo ba sasabihin sa kanila na nandito ako?" tanong ulit ni Chaim. "Wala naman sila ngayon, nandoon sila sa Floral Land para sa isang mahalagang pagtitipon," ang sagot ko at noong makapasok kami sa aking silid ay kusang kaming nagkatinginan. Nagtama ang aming mga mata.. Kapwa gumalaw ang aming mga mukha at nagdikit ang aming mga labi. Hindi ako ang nag initiate, kapwa namin ito naramdaman. Marahil pareho kaming ng nararamdaman noong mga sandaling iyon. Namalayan namin na magkadikit ang aming mga labi at kusa itong gumalaw. Pero agad rin kaming nagbitiw, si Chaim ang aking first kiss. Siya ang unang taong nakahalikan ko at masarap ito sa pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD