Sa ilang araw pa lamang na pamamalagi ni Alexander sa mansion ay naging mas malapit ang loob dito ni Raven. Magkasundong-magkasundo ang dalawa at tingin pa nga niya ay labis nitong pina-pamper ang anak. Naging palaisipan sa kanya kung bakit hinayaan nito ang bata na kilalanin ito bilang pangalawang ama. Madalas na itong tawaging daddy ni Raven. She's not comfortable, subalit sa tuwing nakikita niya ang anak na masaya ay gumagaan ang loob niya. Sa tulong ni Alexander ay nabawasan ang pagiging malungkutin ni Raven. Tama bang makaramdam siya ng kapanatagan? Malayo sa kanyang hinagap na magiging mahirap para sa lalaki na tanggapin si Raven bilang bagong kapamilya. Ngunit mainit ang naging pagtanggap nito sa kanyang anak. Ang buong akala pa mandin niya ay magiging mahirap at kumplikado ang l