Tunog ng pumaradang sasakyan ang naulanigan ni Rose mula sa garahe. Hindi na niya pinansin ang bagay na iyon dahil abala siya sa pagpapakain kay Raven. Nagmamarakulyo na naman ang anak niya. Panay iyak nito dahil na miss na raw ang yumaong ama. Ngayon ay siya ang personal na nag-aasikaso kay Raven. Hindi pa rin pumapasok sa iskwela ang bata. Naging malulungkutin kasi ito mula nang sumakabilang buhay ang Don. Napilitan tuloy siyang mag leave muna sa trabaho. Sabagay talagang gagawin niya ang bagay na iyon. Katunayan ay nag-iisip na rin siyang magpasa ng resignation letter. Ngayong naririto na si Alexander ay nasa lalaki na ang lahat ng karapatan at kontrol sa kompanya. "Ma'am Rose, dumating na po si senyorito Alexander," imporma ni Bela. Napalingon siya, tipong nagulat. Hindi niya ina