"Miss dalawang kuwarto ang kailangan namin." Ang pinagkadiin-diinang wika ni Rose sa babaing receptionist. Apparently ay hindi siya nito naririnig dahil ang buong pansin nito ay nakatuon lamang kay Alexander. Nakapagkit pa sa mga labi ng babae ang nakakairitang ngiti. Pangitang nagpapa-cute sa lalaki. Wala sa loob na napaismid sya. "Haven't you hear her? Iisang kuwarto na lang ang availabale nila." Sambit ni Alexander na nilingon siya. Tumaas ang isang kilay nito nang mahuli syang nakasimangot habang nakatitig sa babaing umi - estima sa kanila. Ang lalaki kasi ang nakikipag-usap sa counter. Nahuli niyang nagbulungan ang dalawang babaing nasa front desk. Mas lalo siyang nairita kaya't tinaasan niya ng kilay ang dalawa. Mabilis namang nagbaba ng tingin ang mga ito. "Rose..." pukaw ni Al