MARAHANG BUMABA si Cali at matamang tinahak ang daan patungo sa kusina para kumuha ng maiinom na tubig. Ayaw niya gisingin ang mga katulong nina kuya Niko niya kaya siya na lang ang kukuha. Pasado alas onse na ng gabi nang makarating sila doon. Mabuti at abutan pa nila gising ang mag-asawa na kakauwi lang din pala galing sa isang event. Nagulat ang mga ito sa dami ng pinamili niya sa mga anak nito. Kinausap pa nga siya ni kuya Niko niya at tinanong kung ayos lang ba siya. She’s been through a lot these past few weeks that’s why her kuya Niko got bothered by her sudden generosity. Magsabi lang daw siya kung kailangan niya sumailalim sa psychotherapy. Ikiniling niya ang kanyang ulo nang maalala ang mga iyon. Hindi niya masisi ang mga ito kung bakit sila nagugulat sa tuwing may gagawin siyan