ISA ISANG NILAPAG NI JAVI SA HARAP NIYA ang mga litrato ng mga taong ‘di niya matandaan kung saan niya una nakita. Mugshots na ang mga iyon, ibig sabihin nahuli na sila at kasalukuyang nasa custody ng mga pulis. Kasalukuyan siyang nasa conference room na located sa penthouse nito. May one way mirror doon at kahit hindi siya magtanong alam niyang naroroon sina Raffy at James at nakikinig sa usapan nila. Daig pa niya ang suspect na in-interrogate nito. Kanina pa niya gusto tanong na ano trip nito at ganon ang set up nila. “Sino ‘yang mga yan?” tanong niya kay Javi. She heard him heaved a deep breath before sitting down the chair across her. “Alam mo, ‘di ko alam bakit ganito ka man-trip ngayon. Bakit kailangan na para akong nasa solitary room or confinement tapos may one way mirror pa,” “I