Chapter Ten

2923 Words

PAULIT ULIT NA PINAKINGGAN ni Cali ang recording na nagawa niya noong nasa binggit siya ng kamatayan. Hindi sukat akalain na masasabi niyang lahat ng iyon. Lalo na iyong mensahe niya para kay Javi. Last will and testament iyon dapat pero naging confession recording iyon. Alam niyang dala iyon ng sobrang takot niya na baka mamatay nga siya. But luckily she did not because Javi saves her. Pagliligtas nga ba ang tawag doon? Parang nadagdagan lang amg trauma niya dahil sa ginawa nito. Ang buong akala niya nagbibiro lang ito pero hindi. Sinadya nitong gulatin siya para maalis sa break ang paa niya at tuluyan na malaglag sa dagat ang sasakyan na kinalulunan nila. Bukod sa sobrang takot, lumong lumo din siya dahil iyong sasakyan na pinag-dive ni Javi sa dagat ay siyang paborito niyang sasakyan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD