PARANG BINIBIYAK ANG ULO NI CALI nang magising siya isang umaga. Nakailang ikot na siya kamang hinihigaan dahil sa sobrang sakit noon. Kailangan niya uminom ng gamot para mawala iyon. Ilang bote ba ng alak ang naubos niya kagabi? Mariin niya napikit ang mga mata niya at matamang inalala ang mga nangyari kagabi. May tila isang eksena sa pelikula ang bumalik sa kanyang balintataw. Eksenang hinalikan siya ni Javi at tinugon naman niya ang bawat halik nito. Bigla siya nakadama ng kilabot. Ano ‘yon? Imahinasyon ba ‘yon o totoong nangyari? Napaupo siya sa kama niya at muling sinapo ang ulo na masakit pa din. Tamad na tamad ang inabot ang kanyang cellphone para sipatin ang oras. Alas nueve y medya ng umaga, iyon ang oras na nakita niya sa screen ng cellphone. Muli siyang nahiga at hinilot hilot