“I’VE been in different countries the past months. Discovering cultures, food tasting, island hopping, business meetings and socializing. Iyon lang ang ginagawa ko doon. I vlog and upload it online to show how I live my life.” Pilit na ngumiti si Cali nang marinig ang kwento na iyon ni Angelo. Kanina pa sila doon sa The Governor’s Palace at pulos tungkol sa mga travel at past relationships nito ang laman ng mga kwento nito. Nakakaramdam na nga siya ng pagkairita ngunit hindi niya pinahahalata. Malilintikan siya sa Lola Divina niya kapag nagwalk out siya doon. Hindi niya makitaan ng katangian bilang mabuting boyfriend ang ka-blind date niya ngayon. Happy go lucky ito, walang sariling income at sobrang lakas ng hangin sa katawan. Not her typical guy. Ano ba kasi nakita ng Lola Divina niya d