INISA ISA ni Cali ang mga naka-hanger na damit sa ukay ukay store na nadaanan nila ni Javi kanina habang papunta sa sarili nitong rest house sa Bataan. Two days siya doon mamalagi kasama ito at wala ‘man lang siyang damit. Kinuha niya lahat ng damit na nagustuhan niya saka dinala sa cashier para bayaran. Nilapitan siya ni Javi saka niyakap mula sa likuran niya. Hindi nito hinayaan na magbayad siya dahil naunahan siya nitong abutan ng cash ang bantay sa counter. “Bagong kasal po ba kayong dalawa?” tanong ng cashier na sa tantya niyang nasa edad lang niya. “Yes,” sagot ni Javi sa cashier na nagtanong. “Let’s go na,” aniya pagkakuha ng mga binayarang damit. Hinila niya paalis si Javi doon at nasa tapat na sila ng binitiwan niya ito. “Nagtatanong yung tao pero bigla ka nag-ayang umalis. So