Chapter 13.1

1120 Words

CHARMAINE Bigla akong kinabahan at nag-umpisang umakyat ang init ng katawan ko mula sa aking sikmura patungo sa aking ulo. Sa pagkakataong ito, sigurado na akong namumula ang buong mukha ko na abot pa hanggang sa tenga ko kasi ramdam na ramdam ko iyon. Kinakabahan ako na ewan. Feeling ko ay na-estatwa na ako mula sa aking kinauupuan at hindi ko na rin maigagalaw pa ang buong katawan ko. Parang ayaw kong lumingon at makita kung sino ba iyong nasa likuran ko na tinutukoy ni Jayden na dapat kong tanungin. Wala na sa isip ko kung ilang segundo o minuto na ba ang nakakalipas mula no’ng ituro ni Jayden ang nasa likuran ko. Kahit pa medyo kinukutuban na talaga ako na maaaring nasa likuran ko na si Caleb ay hindi ko pa rin naman alam kung ano ang dapat kong i-react. Baka pagtawanan niya lang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD