Chapter 13.2

1169 Words

CHARMAINE Tinapat ni Jayden ang mga braso niya sa harapan ko at nakaporma iyon na pa-ekis tsaka siya umiling. “Hindi mo ba narinig ang sinabi niyang Caleb na ‘yan kanina? Close ba tayo?” ginaya niya ang tono ng pananalita ni Caleb kaya medyo nawala ang pagdududa ko sa kanya. Besides, wala rin naman siyang mapapala kung gawin niya man iyon kasi alam ko namang kaya naman niyang bayaran ang lahat ng ‘yun. “Baka naman gusto ka rin ni Caleb? Magkakaroon na nga lang ako ng karibal, ‘yung mas matalino pa kaysa sa akin. Paano na lang ako niyan?” nagmamakaawang aniya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala namang pagtutunguhan ang mapag-uusapan namin. Nanguna na lang ako sa paglalakad at hindi ko naman narinig na sumusunod siya sa akin kaya’t napalingon ako para tingnan kung saan siya pumunta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD