Chapter 9

1099 Words

CHARMAINE Todo-todo ang kaba na nadarama ko ngayon dahil sa sinabi ni Alessandra, sa kadahilanang baka maniwala silang lahat at ipagkalat na nila iyon sa buong eskwelahan. Hindi naman maaaring hayaan kong matalo ako ni Alessandra sa ganitong pamamaraan, kilala ako bilang si Charmaine Tan na walang inaatrasan na kahit na sinong bumangga sa akin o kung ano pa man. Kaya, bago pa man makapag-react si Caleb mismo ay agad kong tinaasan ng kilay si Alessandra tsaka ko ginaya ang postura niya; tiniklop ko rin ang magkabilang braso ko sa harapan ng aking dibdib. “Ano naman ang pakialam mo kung sino ang magustuhan ko sa mga estudyante rito sa Winters Academy, o kahit pa sa mismong Class A?” paunang tanong ko sa kanya. Iyon pa nga lang ang lumalabas sa aking bibig ay napatikhim na agad siya sa inis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD