Chapter 25

4130 Words

CHARMAINE Bumangon ako sa kama ko ng wala na akong ibang kasama. Mukhang maagang pumasok sina mama at papa sa kanilang trabaho, kung mayroon man talaga o kung sa trabaho ba talaga sila dumidiretso. Nag-asikaso na muna ako ng sarili ko. Naligo na muna ako bago ako kumuha ng pagkain ko. Kaunting kanin lang ang kinuha ko at ilang sandok ng ulam. Mainit-init pa iyon kaya sa palagay ko ay kaaalis lang ng mga magulang ko. Pagkatapos kong kumain ay syempre, nagsipilyo na ako. Inayos ko na rin ang buhok ko at pati na rin ang mga gamit ko sa bag. Lumabas na ako sa bahay namin at na-i-lock ko na rin ang aming pinto. Sinulyapan ko ang aming kapit-bahay at kamalas-malasan naman ay hindi ko natanaw si Caleb mula roon. Kahapon pa lang sa field ay hindi ko na siya matanaw, pati ba naman ngayong umaga na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD