CHARMAINE Nakalipas ang limang minutong pag-aasikaso ni Ma’am Ariela ay muli kaming tumayo sa harapan, kaming mga nanalo bilang class officers para sa taong ito. Sa totoo nga niyan ay ngayon lang ako naging president ng isang klase. Mataas man ang tingin ko sa sarili ko pagdating sa mga rankings o kung anong paligsahan, pero wala akong lakas ng loob para mag-lead ng isang buong klase. Ilang beses na kasi akong hinihimatay sa tuwing mayroong gatherings sa kung saan. As in ‘yung mga crowded places. Hindi ako sanay sa mga lugar na masyadong maraming tao, bigla na lang mandidilim ang paningin ko kapag gano’n hanggang sa mawalan na lang ako bigla ng malay. Pinakilala namin ang aming mga sarili at nagbitiw na rin kami ng aming mga pangako na dapat namin gampanan according to our position. Matap