Chapter 18

1284 Words

CHARMAINE Nakalipas na ang isa o dalawang oras ay wala pa rin kaming ibang napag-usapan pagkatapos ikwento sa akin ni papa ang patungkol sa buong pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanilang dalawa. Wala naman akong karapatan para sumbatan kung ano ang naging desisyon nila sa buhay kung para rin lang naman iyon sa kapakanan naming pamilya. Ngunit, ang katahimikan namin nina mama at papa ay nabasag ni Jayden sa simpleng pagsalita niya pagkatapos niyang tumayo mula sa kanyang pagkakaupo sa tapat ng gilid ng kama ko. “So ano na ang balak niyo ngayon? Ikaw, Charmaine, ano na ang balak mo ngayong nalaman mo na kung ano ang tinatago nila sa ‘yo? May magagawa ka ba? May maitutulong ka na ba? May maibibigay ka bang solusyon sa problema ng mga magulang mo?” sunod-sunod na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD