Chapter 19

1075 Words

CHARMAINE "Pwede ba? Huwag kang humarang-harang sa daanan ko," mataray na saad ko sa lalaking bumunggo sa tapat ko, sa mismong mukha ko pa. Nang tumingala ako ay roon ko lang napagtantong si Caleb pala iyon. "C-Caleb?" utal na bigkas ko sa pangalan niya. Ang kaninang malamig na tono ng pananalita ko ay biglang lumambot, baka mahalata ng mga tao rito na nagiging ibang tao ako kapag si Caleb na ang siyang kaharap ko. Bago pa man ako makapagtanong tungkol sa nangyari sa kanya kagabi ay nahawakan na niya ang braso ko. Sunod niyang hinatak ang braso ko palapit sa kanya habang siya ay naglalakad, kaya't halos makaladkad na niya ako sa bilis ng paglalakad niya. "S-saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ang tahimik na naman niya at sa tingin ko ay ganoon lang talaga siya kapag narito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD