Chapter 4

1122 Words
CHARMAINE Ilang libong beses ko nang inuulit sa aking isipan kung ano ba ang nangyari kaninang kahihiyan sa aking buhay, iyon pa lang kasi ang kauna-unahang beses na naganap iyon sa akin. Tanging si Caleb pa lang ang siyang nakakasalamuha ko na tila ba’y wala talagang pakialam sa akin kung ano ba ang gawin at sabihin ko. Kadalasan kasi sa school ay ako ang nilalapitan ng mga kung sinu-sinong kalalakihan. Mas sanay ako na ako ang siyang hindi namamansin o nagtataray sa kanila. Mukhang nababaliktad na ang mga kaganapan sa mundong kinatatayuan ko at kinakailangan ko nang mag-isip ng panibagong plano na siyang magiging matagumpay upang akitin at kuhanin ang loob ni Caleb. Hanggang sa mga oras na ito ay wala akong ibang inaatupag kundi ang sundin ang mga yapak ng lalaking iyon, parehas kasi kami ng aming destino kaya’t wala rin naman akong ibang choice kundi iyon. Kasalukuyan kaming nasa ikalawang palapag, nakakailang ikot na rin kami sa floor na ito at hindi ko maintindihan kung bakit. Inisip ko na lang na baka hinihilo, pinapagod, o ‘di kaya’y nililigaw lang ako ni Caleb para hindi na ako sumunod sa kanya at pabayaan ko na siyang mag-isang maglakwatsa sa mall na ito. Ngunit, hindi naman din iyon sapat kasi mas aatupagin ko pa rin na sumunod na lang sa kanya. Medyo mahaba-haba pa naman din ang oras ko bago ako umuwi dahil sasapit pa lang naman ang hapon. “Charmaine,” rinig kong tawag sa akin ni Caleb. Sa kabila ng nakakabinging pag-uusap ng mga nasa paligid namin ay narinig ko pa rin iyon dahil sa kanya lang naman din ako naka-focus. Bago pa man ako makapagsalita ay lumingon na siya sa likuran na siyang harapan ko, pero hindi siya sa akin tumingin. Niyuko niya ang kanyang ulo para masigurong hindi magtama ang aming mga paningin kahit pa wala namang masamang mangyayari kung magkatitigan man kami o kung ano pa man. “Alam mo ba kung saan…” mahinang aniya. Kinagat niya ang ibabang labi niya upang hindi niya maituloy ang binabalak niyang sabihin o itanong sa akin kaya’t mas lalo lang akong naging curious. Ngayon na nga lang ang pagkakataon na kakausapin niya ako, hindi pa niya tinuloy. Napailing na lang ako sa aking naisip bago ako lumapit sa kanyang kinatatayuan. Inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga upang marinig niya ng maigi ang aking sasabihin. “Ano ‘yun? ‘Wag ka na mahiya sa akin, hindi naman kita kakagatin,” mapagbirong saad ko sa kanya bago ako muling bumalik sa aking pwesto. Nang tingnan ko ang mukha niya ay para bang nagbago ang timpla ng kanyang ekspresyon, bahagya rin nahagip ng aking mga mata ang siyang pamumula ng kanyang mga pisngi. Pero agad din naman iyon nawala nang ibalik niya ang pagiging seryoso niya. “Okay,” tipid na ani Caleb tsaka siya tumikhim. “Itatanong ko lang sana sa ‘yo kung alam mo ba kung saan nakabibili ng mga earphone, kailangan ko kasi, nawala ‘yung ginagamit ko. Hindi ko kayang pumasok sa school ng wala akong ginagamit na earphone,” pagbabalik niya sa kanyang binalak itanong sa akin. Napangiti ako sa kadahilanang mas pinili niyang itanong pa rin sa akin iyon kahit pa may choice naman siya na sa mga staff na lang ng mall magtanong o kahit na sa ibang tao na lang. Nakatutuwa lang isipin na parang mas gusto niya akong kausapin kaysa sa mga strangers. “Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Kung iniisip mo na special ka na dahil ikaw ang tinanong ko, alisin mo na agad sa isipan mo iyan. Ikaw lang talaga ang tinanong ko kasi ikaw naman na rin ang sumusunod sa akin at nasa harapan ko ngayon. Alangan namang mag-aksaya pa ako ng lakas o enerhiya ko para lang makapagtanong tungkol do’n,” pagdedepensa ni Caleb sa kanyang sarili, kahit pa wala naman akong sinasabi eh nahulaan na lang siguro niya ang nilalaman ng utak ko. Kung may nginunguya o kinakain siguro ako ngayon ay paniguradong mabibilaukan na ako. “W-Wala naman akong iniisip na kahit ano,” utal kong saad. “Sumunod ka sa akin. Doon din naman ang punta ko, nasira ‘yun sa akin.” Utos ko kay Caleb kasabay ng pagsenyas ko sa kanya sa pamamagitan ng aking kamay na sumunod siya sa pupuntahan ko. Sinamahan ko na nga si Caleb hanggang sa makaabot na kami sa ika-apat na palapag dahil naroroon nakadestino ang lahat ng mga magagamit para sa kung anu-anong klaseng gadgets. Tumikhim si Caleb kaya napatingin ako sa kanya at nang magtama ang aming mga paningin ay agad siyang umiwas. “Sabi sa akin ng mama ko, nasa second floor lang ‘yung mga nagbebenta ng earphone,” iritang paliwanag niya kung bakit siya tumikhim kanina kahit pa hindi ko naman siya tinatanong. Nanguna na siya sa paglalakad kaya sumunod na lang ako sa kanya tsaka ako naghanap ng bibilhin ko para sa akin. Ilang minuto na yata ang nakakalipas ay hindi pa rin ako nakakapili, si Caleb eh tapos na at papalapit na rin siya sa aking pwesto habang nakapatong ang braso ko sa ibabaw ng isang lamesa. Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay may inilahad siya sa harapan kong plastic.”Ano ‘yan?” tanong ko. Tinitigan ko lang iyon ng puno ng pagtataka sa aking mga mata, ni hindi ko man lang iyon kinuha mula sa kanyang kamay pero hindi naman niya iyon binabawi. “Para sa ‘yo,” seryosong sambit sa akin ni Caleb, pero nakaiwas siya ng tingin sa akin habang patuloy pa ring nakalahad ang plastic na iyon sa aking harapan. “Nabanggit mo kasi kanina na sira na ang earphone mo at ang tagal mo rin makahanap ng sa ‘yo. Hindi ko alam kung sadyang hindi ka lang makapagdesisyon kung ano ang bibilhin mo o kung hindi ba sapat ang dala mong pera, subalit hindi na ako nag-abala pang magtanong sa ‘yo para ma-surprise kita. Nang marinig ko na ang dahilan kung bakit niya iyon inaabot sa akin ay hindi na rin ako nagdalawang-isip pa na kuhanin iyon. “Thank you,” sinserong sambit ko. “Tsaka ka na magpasalamat kapag nagamit mo na at nagustuhan mo ‘yan. Hindi kasi ‘yan ‘yung mga normal na earphone na may wire pa at may jack na ikakabit sa cellphone mo,” bilin ni Caleb sa akin pero binalewala ko na lang iyon kaya tinalikuran na rin niya ako, pero sumenyas siyang sumunod ako sa kanya. Kaya kahit pa hindi ko alam kung bakit ako dapat sumunod sa kanya ay ginawa ko na lang din. Mukhang hindi naman din pala talaga ganoon kahirap kuhanin ang kalooban ni Caleb.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD