Chapter 5

1143 Words
CHARMAINE Hinigpitan ko ang pagkakakapit ko sa plastic na binigay sa akin ni Caleb na naglalaman ng wireless earphone, o mas kilala sa tawag na bluetooth earphones… o earbuds. Nakatatlong sakay na kami sa escalator at nakabalik na kami sa ground floor na kung saan ay salu-salubong ang napakaraming tao dahil narito rin ang entrance at exit ng mall. Mayroon din namang daan sa loob pero mas ginagamit ito ng mga tao dahil sa paglabas pa lang ay mayroon na agad masasakyang taxi o tricycle. “Saan ba tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko sa kanya kasi mula pa nang makaalis kami sa fourth floor ay hindi na siya muling umimik pa. Bigla na lang huminto si Caleb sa isang tindahan ng mga pagkain na kung saan ay maraming tao ang nakapila, kaya muntikan pa mauntog ang noo ko sa kanyang likuran. Mabuti na lang ay nagawa kong huminto rin kaagad. “Gusto mo bang samahan ako kumain?” tanong ni Caleb sa akin habang nakaturo siya sa entrance niyon. Agad akong umiling ng sobrang bilis para tanggihan ang gusto niyang mangyari. “Salamat na lang, Caleb. Kumain na kasi ako kanina bago ako umalis sa bahay, kasabay ko mga magulang ko,” mahinahong sabi ko sa kanya para hindi sumama ang kanyang loob kung bakit ako tumanggi. “Charmaine!” Akma na sana akong aalis, nang marinig ko ang pagbanggit ni Caleb sa pangalan ko. “Huwag ka na tumanggi. Isipin mo na lang na isa pa rin ito sa pasasalamat ko sa pagtulong mo sa akin papunta sa fourth floor. Tsaka sinabi mo kaninang sabay kayo kumain ng mga magulang mo kaya o-order na rin tayo ng take-out para sa kanila,” pagpupumilit pa rin sa akin ng lalaking iyon. Napabuntong-hininga na lang ako kasunod ng aking paglalakad papunta sa loob ng food chain, hindi na ako nagsalita pa kasi sa palagay ko eh kahit na ano naman ang sabihin ko eh pipilitin at pipilitin pa rin talaga ako ni Caleb para lang masunod kung ano ang gusto niyang mangyari. Wala naman din sigurong masama kung kumain kami rito. “‘Wag naman masyadong mahal ang piliin mo, Caleb, ha?” sambit ko habang tumitingin-tingin pa lang ako sa mga nakapaskil na menu sa itaas. Subalit, nang sulyapan ko si Caleb ay nag-aabot na agad siya ng pera sa cashier bilang kanyang bayad. Lingid sa aking kaalaman ay kusang gumalaw ang aking kanang kamay para kumapit sa braso ni Caleb kaya napatingin siya sa akin. “Nakabili ka na agad ng pagkain?” tanong ko sa kanya kahit pa obvious naman na rin ang sagot sa katanungan kong iyon. Tumango si Caleb kasabay ng pagtingin niya sa kamay ko kaya dali-dali ko iyong inalis mula roon sa braso niya. “Una pa lang naman ay wala na akong balak na bigyan ka ng choice kung ano ang gusto mong bilhing pagkain. Ang sinabi ko lang naman eh samahan mo ako kumain, kaya kainin mo na lang kung ano ang in-order ko para sa ‘yo,” dire-diretsong tugon ni Caleb sa akin bago niya inabot sa cashier ang ilang libong cash. “Keep the change na lang po, Ate.” Nakangiting sabi niya sa babaeng iyon. Nilibot ni Caleb ang paningin niya sa buong silid at itinaas niya ang daliri niya kaya napatingin ako kung saan siya nakaturo. “Puntahan mo na ‘yun habang nakabante pa at baka dumami na ang tao at mawalan o maubusan na tayo ng pwesto. Wala namang second o third floor ‘to.” Utos niya sa akin. “Eh ano pa ang gagawin mo riyan?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ako na ang maghahatid ng mga in-order ko, ayaw kong pabayaan ang waiter o waitress mag-isa,” mapait na sagot ni Caleb. Napansin ko ang bahagyang pagtamlay ng kanyang mga mata, na para bang mayroong nakatagong masamang alaala sa kanyang isipan. Subalit, hindi naman nagtagal ay tumalim ang kanyang mga titig nang lingunin niya ako at inulit pa niyang ituro ang lamesa. “Sabi ko pumunta ka na roon eh. Ikaw ang bahala kapag nawala pa ‘yang pwesto na ‘yan eh sa lapag na lang tayo kakain,” pagbabanta niya sa akin. Hindi na ako nagsabi pa ng kahit na ano at agad na lang din akong nagtungo sa mesa na hindi rin naman gaanong malayo sa amin. Nang makaupo na ako ay nilibot ko ang paningin ko sa ibang mga lamesa at doon ko lang din napagtantong halos wala na ngang bakante para sa amin. Ang karamihan kasi sa kanila eh kahit tapos naman nang kumain eh hindi pa rin tumatayo o umaalis sa kani-kanilang mga kinauupuan. Makalipas ang ilang minutong paghihintay ay may naglapag na rin ng isang tray sa ibabaw ng lamesa sa harapan ko. “Salamat po,” bulong ko kasabay ng pagyuko ko. Maya-maya naman ay saktong paglingon ko ay papalapit na rin si Caleb sa pwesto ko habang hawak-hawak niya ang isa pang tray. May nakasabit din sa kanyang magkabilang kamay na plastic at mukhang iyon na ang take-out na sinasabi niya kanina. Tatayo na sana ako para kuhanin ang tray sa mga kamay ni Caleb kasi ang dami niyang dala-dala, pero agad din siyang umiling na tila ba’y alam niya ang binabalak kong gawin. Kaya, pumirmis na lang din ako sa kinauupuan ko. “Bakit hindi ka pa kumain? Sa ‘yo lahat ‘yan, parehas lang tayo ng servings ng pagkain at pati na rin ‘tong mga naka-take-out para sa mga magulang mo,” salubong na wika ni Caleb sa akin. Kaya’t napatitig ako sa mga pagkaing nakahain sa harapan ko habang nanlalaki ang aking mga mata. “L-Lahat ng ‘to?” hindi makapaniwalang saad ko. Isang cup lang naman ang kanin, pero ang dami kasing ulam. May lobster, may mga sugpo, may iba’t ibang flavor ng chicken wings, tapos may beef pa na mukhang high-class. Sa side naman eh may vegetable salad, glass ng ice cream, tsaka soft drink ata ‘to or juice… basta, kulay red. “Kumain ka na, ‘wag kang mag-alala at hindi ka naman makikihati sa mga magulang mo mamaya kasi mayroon din naman akong in-order para sa ‘yo,” sabi ni Caleb. Napakuyom ang magkabilang kamao kong nakapatong sa ibabaw ng aking mga hita at napakagat na rin ako sa ibabang labi ko. Hindi ko magawang tanggapin sa sarili ko na ang isang katulad ko ay nililibre sa mga ganitong food chain ng taong kakikilala ko pa lang. Oo, marami ang lalaking nagkakagusto sa akin at nag-aabot ng mga pagkain, pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko pa tinanggap. Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase ko o kahit pa ang iba ko pang mga kamag-aral kapag nakarating sa kanila ang balita na tinanggap ko ang alok ni Caleb?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD