CHARMAINE Pagkalipas ng ilang sandali ay bumalik na ako sa pwesto kung saan ay naroroon si Jayden at tumabi na ako sa kanya ulit. Noong tinitingnan ko siya habang naglalakad ako pabalik sa kinatatayuan niya ay napansin kong mukhang hindi pa siya tapos sa kanyang pinagkakaabalahan sa cellphone ni Athena, kaya napagdesisyunan kong huwag na muna iyon bawiin mula sa kanya. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid at ang kaninang maraming tao ay mas lalo pang dumami. Literal na ang dami na namang estudyante rito sa field at ang dami ko na rin naririnig na nagbubulungan tungkol sa aming dalawa ni Athena, minsan lang nababanggit ang pangalan ni Jayden. Sa kadahilanang nakikilala nila kaming tatlo, naniniwala akong galing sa magkabilang building ang mga nagkumpulan at mga nagkakalat na estudyante ng