Sa loob ng ilang araw na pagiging secretary ko ni Zandro ay naging gamay ko na ang trabaho . Mabuti na lang at hindi mahilig sa kape itong boss ko. Maliban sa hilig niyang landiin si Phil ay mahilig din siya sa milk tea na available sa mismong restaurant ng hotel kaya um-order lang ako mula roon. Mayroon din siyang isang assistant na lalaki na siyang palagian niyang nakakasama sa mga meetings kaya iyong trabaho ko talaga nitong mga nakaraang araw ay mag-ayos ng schedule niya at sumagot ng telepono. Para lang akong nasa call center. Tagaayos din ako ng mga dokumento na kailangan ng pirma ni Zandro mula sa iba't ibang department. Madali lang naman pala ang trabaho ng isang sekretarya kahit minsan ang daming pinapa-type ng amo kong sumpungin. Pero ang totoo ko palang trabaho talaga a