Raven pov
Ngumisi ako habang hawak ko ang isang shot ng martini at Inilibot ko ang aking paningin sa lugar na naging tambayan ko na, a place where I lose myself and the place where a wild cat could play.
I smirk and slowly hummed with the song as my eyes roamed around the place at nakita ko nga ang tanawin na kinasanayan ko na at ang tanawin na nagpapasaya sa'kin because I love watching how wild people like me are enjoying this bar.
Lahat ay sumasayaw sa malanding saliw ng kanta habang naghahalikan and some are even making out in the dark corner of the bar kaya napangisi ako dahil gaya nga ng sinabi ko kanina this is what I've been craving, the taste of reality and fresh air.
As I believe that human beings are not bless with this perfect romance or love story. We are wild animals and we commit ourselves in a situation where we can experience the greatest pain of loving a person who doesn't love us. In short Martyr ang bawat tao dahil hinahayaan natin ang sarili natin na masaktan para lang sa mga taong mahalaga sa'tin at minsan mas pinipilit natin ang sarili natin sa mga tao o sitwasyon na alam natin na hindi pwede at kahit pagsabihan na tayo still nagiging pasaway parin tayo because we always believe in happy endings or prince charming.
Tsk, Kung gano'n lang sana kadali edi nag-ala Snow White na lang sana ako, ‘yung magtulog-tulugan para kapag nagising ako boom! kasal ako kaagad sa isang perfect na asawa na walang ginawa kundi kumanta ng mga magagandang salita.
But hep! before telling me na bitter ako masyado ang masasabi ko lang ay tiyak hindi lang ako yung nag-iisang taong nag-iisip ng ganiyan, on the brightest side hindi ko maitatanggi na maybe some are wise enough to choose what's right for them, maybe in a way of letting go or choosing the right man for them.
Alam ko na kung may makakarinig sa mga iniisip ko ay baka iisipin nila na nababaliw na ako o ang daldal ko masyado pero ano ba ang ini-expect ng mga tao sa tulad ko? Isa pa madami na rin nangyari simula ng matagpuan ako nina Cane. Una tinuruan nila ako sa mga dapat kong malaman at binigyan ako ng mga pagkakataon para makabangon at isa na doon ay ang pagiging modelo ko kung saan sila ang tumulong sa'kin na makapasok sa industriya at dahil doon ay nakapag-ipon ako at nakapagpatayo na ng sarili kong bahay at isang publishing company but Cane also help me on achieving a new business which is about managing resorts and hotels.
At kahit ako ay hindi makapaniwala na ang dali lang ng oras o panahon dahil apat na taon na pala ang lumipas at sa apat na taon na ‘yon ay ginawa ko ang lahat para makalimot pero kahit anong gawin ko at kahit madami na ang nagbago ay alam kong may parte pa rin sa akin na hindi pa rin nagmomove-on at satingin ko hangga't hindi ko maisasakatuparan ang inaasam kong paghihiganti ay hinding-hindi ako matatahimik.
Napabuntong-hininga ako sa aking naisip maybe I am looking like a weird girl as I can't stop myself from thinking and engulfing myself in silence.
Nakakainis din naman e'! Akalain mong kanina pa ako andito pero wala pa akong mahanap na makakalaro ko sa gabing ito? but f**k! I need to lose myself kaya kailangan ko talaga maghanap saka boring naman kasi kung hanggang nood lang ang gagawin ko dito ‘di ba?
Kaya ngayon mas inayos ko na ang paghahanap, I use my eyes to scan the crowd eagerly at sa bawat segundo na wala akong mahanap ay nawawalan na ako ng gana but not until I saw something interesting.
Napako ang aking tingin sa isang taong pumasa para maging laruan ko sa gabing ito
I lick my lower lip, it's Jacob Anderson isa sa mga naging kapartner ko sa isang photo shoot at alam kong matagal na itong may interest sa'kin kaya napangiti ako as I imagine how this night would be amazing. Inisang lagok ko ang martini dahil dapat akong magmadali sapagkat ang laruan ay hindi ako hihintayin dapat ako ang susunggab.
"Tingnan n'yo nakangisi na naman ang bruha." I rolled my eyes nang marinig ko ang isang mapang-uyam na boses, speaking of the devils dumating na sa wakas ang mga hinihintay ko ‘yun nga lang dumating pa sila sa oras kung kailan tatayo na sana ako at pupuntahan na ang aking biktima.
"Tsk, mukhang nakakita na naman ng mabibiktima niya ang bruha at kahit hindi ko pa alam ang gagawin nito ay naaawa na ako sa lalaki. Eh sakit sa ulo at puson ‘yang babaeng ‘yan!" Nag-pout naman ako at lumingon sa taong nagsalita na walang iba kundi si Zai na naka blue sleeveless dress na hanggang mid thigh ang haba na hapit na hapit sa katawan nito, kita rin ang bawat side ng dress sa bandang ribs kaya very seductive iyon saka naka lugay ang kulot at mahaba na blonde hair nito na nakakadagdag ng ganda nito saka mukhang ready rin itong makipaglaro ngayong gabi dahil nakita ko na gamit din nito ang favorite nitong silver heels and I must say that she's a model for a reason.
Tiningnan ko rin ang mga kasama nitong sina Cane at Zeine, "O' buti dumating pa kayo! E' paanong nakaubos na ako ng isang boteng martini sa kakahintay sa inyo tsk, kahit kailan mga pa-importante talaga kayo at inakala ko pa nga na narape na kayo o nakidnap." Umirap lang ang tatlo sa akin, oh ‘di ba tingnan n'yo kung paano ako nagkaroon ng mga kaibigan na ang kakapal ng mukha ako na nga ang pinaghintay ay sila pa ang may ganang umirap.
"Madami pa akong meeting na dinaluhan." Maikling saad ni Cane na kinataas ng isang kilay ko.
"Halata nga," mapang-uyam na sambit ko paano ba naman naka black sleeveless blouse pa ito, gray skirt at white blaizer saka may gamit din itong salamin habang naka high ponytail ang mahaba at itim na itim nitong buhok, kaya masasabi kong hindi talaga ito nagsisinungaling sa sinabi nitong nanggaling pa ito sa isang meeting at dumiretso lang dito dahil ni hindi na nito nagawang mag-ayos ng sarili, pero kahit ganoon ay pinagtitinginan pa rin ito ng mga lalaki ngunit hindi nga lang lumalapit dahil sa takot.
Sino ba naman ang magkakalakas na lumapit kung ganito ang makakaharap nila isang malamig at supladang babae saka tingnan mo nga ni hindi nga nito pinansin ang sinabi ko at umupo na lang sa bakanteng upuan kasama sina Zeine at Zai.
"Saka ano ba ang pumasok sa utak mo Raven at pinapunta mo kami rito?"
Naiinis na sabi ni Zeine kaya pinasadahan ko ito ng tingin at nakita kong naka black longsleeve dress ito na hanggang mid thigh ang haba kaya ang mahaba at malapatang legs nito ay nakalitaw na tiyak na paglalawayan ng mga boys dito sa bar dagdag pang naka v shape cut ang likod ng dress kaya kita ang maputi nitong likod habang Inilugay lang din nito ang hanggang balikat na kayumangging buhok nito na may highlight na blonde. I rolled my eyes tsk, so please welcome our very own nagger mother hen.
"Come on Zeine wag ka naman magmukmok sa boring mong laboratoryo mag-enjoy ka naman," pabirong sambit ko kaya tinignan ako nito ng masama ngunit nagkibit-balikat lamang ako sanay na ako dito eh.
"Grabe bruha kung hindi ka nag-aya ako sana ang gagawa, naku naman simula nang bumalik tayo dito sa pilipinas nung isang buwan ay hindi na tayo nakakapagkita paano ba naman naging busy tayo sa pagma-manage at pag-take over ng mga kompaniya natin." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito bago sinenyasan ang isang bartender na lumapit sa pwesto naming upang kunin ang order naming alak.
Nang makalapit ito sa'min ay kita ko ang pagpasada ng tingin nito sa'kin mula ulo hanggang paa saka napalunok, hindi nito maalis-alis ang tingin sa katawan ko kaya napailing ako sa aking isipan mga lalake nga naman. Saka hindi na bago ang ganito sa'kin yung bang mga lalakeng madaling matukso pero syempre imbes na mailang ako sa binibigay nitong atensyon ay mas ginanahan lang ako.
So I smirk, ang reaksyon nito ang nagpapatunay na hindi ako nagkamali ng piniling susuotin ngayong gabi dahil naka red sleeveless dress ako na hanggang mid thigh ang haba at hakab na hakab ito sa katawan ko dagdag din na low cut ito sa may bandang dibdib kaya kitang kita ang maputi kong cleavage saka kita rin ang magkabilaang side sa may beywang ko at nakalugay din ang itim kong buhok na hanggang beywang ko.
Nakita kong bumaba pa lalo ang mga titig nito at nakapako ang tingin nito sa legs ko kaya tumikhim na ako upang makuha ang atensyon nito at hindi nga ako nabigo dahil umaangat ang tingin nito at namumulang hinarap ako. So I seductively smile at him at nakita ko sa peripheral vision ko na bumusangot ang mukha ni Zeine.
Magsasalita pa sana ako ngunit sumabat na agad si Cane,
"Just serve the best liquor that you have." Parang nanlamig ang bartender sa pagkarinig pa lamang sa boses ni Cane at tila nagising ito mula sa malalim na pag-iisip or should I say pagnanasa hayy naku naman! ang galing manakot ni Cane.
"R-right a-away ma'am." Nauutal na sambit ng bartender at dali-daling umalis kaya tinapunan ko ng masamang tingin si Cane, gaga e' sayang naman ‘yung laruan na iyon.
"Kill joy ka talaga Cane, cute pa naman sana." Sabi ko at umaktong nasasayangan pero sa loob loob ko ay never ko mararamdaman iyon dahil lalaki lang naman ‘yon at isang laruan para sa'kin.
"Huwag ka nga umarte diyan kasi alam naman natin na hindi mo type yung bartender na iyon at alam naman naming may nakita kanang biktima para sa gabing ito kaya tiyak hindi mo na aaksayahin ang oras mo sa bartender na iyon. So quit acting like a little baby girl who lose her favorite Barbie doll dahil hindi bagay." Sabi ni Zeine na kinatawa ko lang they really know me so well, hindi na rin ako magtataka na pati amoy ng utot ko ay makikilala nila.
"Hayy naku Zeine malala na ‘yang si Raven tiyak na may tao na namang masisiraan ng ulo at hindi ko nga lang alam kung sa baba o sa taas." Nakakalokong saad ni Zai na kinatawa ko pero si Zeine naman ay binatukan si Zai kaya ayun nag-pout si Zai at take note sa aming lahat si Zai kasi ang medyo kaugali ko at kami ang parating pinagsasabihan ng nanay naming na walang iba kundi si Zeine.
"Alam mo Ikaw Zai, wala ka na ring pag-asa na magbago lalo na yang pagkamaniac mo! Dahil nasa sistema mo na iyan." Galit na saad ni Zeine, Ayan na nga ang sinasabi ko eh. Sisimulan na naman niya ang mahaba-habang sermon ngunit dahil mababait kami hindi naman namin hahayaan na humaba ang sermon niya kasi uunahan na namin siya sa pagsesermon.
"And here we go again at sana bago ka magreklamo ay mag-imbento kana muna ng isang gamot na pangpatagal ng butas ng kepyas mo! Naku Zeine masyado kang pa-virgin, Ano ba ang gusto mo? Gusto mo bang ako pa ang hahanap ng boylet para sa'yo?" Mapanuksong sabi ni Zai na kinatikim nito muli ng malakas na palo sa braso mula kay Zeine. Ayan kasi puro biro ang alam nito at si Zeine pa ang pinili nitong biktima kaya ayan laging nakakatikim ng sakit sa katawan. Napatingin ako kay Cane nakita kong ngumiti ito at tumatawa ng mahina dahil sa pagbabangayan ng dalawang bruha nahawa naman ako kaya hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti na rin ngunit hindi nagtagal ay nahinto na rin ang pagbabangayan ng dalawa dahil dumating na ang bartender na may dala sa mga inorder namin.
"Here's your order ma'am." Tumango lang kami at nilapag na nga nito ang tray. Pagkaalis ng bartender ay kinuha na namin ang kaniya-kaniyang shot glass namin.
"So Zai, kamusta naman si Zerrah?" Tanong ko na kinangiti ng malapad ni Zai. Sa totoo lang miss ko na ang batang yun sadyang hindi ko nga lang nabibisita dahil sa medyo busy na sa mga trabaho ko sa kompaniya.
"She's fine and oh she's excited to see you again." Magiliw nitong sagot, I smile and take a sip from my shot glass.
And after that we started to talk about our businesses and some other things hanggang sa nahinto lang ang masaya naming kwentuhan nang nagpaalam na sina Cane at Zeine na mauuna na sila dahil may importante pa raw kasi silang gagawin at nagkibit-balikat na lang kami ni Zai at sabay na sinabing nagpapalusot lang ang dalawa pero tinawanan lang ng dalawang bruha ang sinabi namin nina Zai at saka umalis.
"Grabe talaga ang dalawang ‘yon iniwan ba naman tayo." Tumatawang sabi ni Zai alam kong medyo lasing na ito dahil na rin sa dami na ng nainom nito pero ako game pa rin. I'm thankful that I have high tolerance when it comes to liquors.
"Anong magagawa natin? Kilala mo naman si Cane at Zeine mas gugustuhin pa nilang mag-kulong sa mga opisina nila." I said as a matter of fact, hindi kasi sila pareho naming ni Zai na nabubuhayan ng dugo sa mga maiingay na lugar and the fact that we love having fun samantalang ang mga ‘yon pera at pagpapayaman lang lalo ang nasa isip.
"Hey girl look at that hottie kanina ka pang tinititigan." Mahinang bulong ni Zai at tinuro ang isang lalake na nakaupo kasama ang apat pang lalaki na nakatalikod sa'kin, kaya kita ko lang ang taong tinuturo ni Zai and she's right that man is staring at me and it's no other than Jacob Anderson my victim for this night na muntik ko nang makalimutan.
Matiim itong nakatingin sa'kin while sipping his drink kaya mukhang hindi na ako mahihirapan.
"Oh no, I know that smile so don't tell me--" Hindi ko na ito pinatapos kasi alam ko na ang sunod nitong sasabihin.
"Okay I won't tell you anything, and just wait here Zai parang gusto ko na maglaro at sa tingin ko gusto rin ng makakalaro ko ang makasama ako sa isang masayang larong tulad ng nasa isip ko."I smirk I didn't wait for her response kasi tumayo na ako mula sa aking kinauupuan and I seductively walk closer to my awaiting prey but on the other hand he's just staring at me and his hungry eyes roamed in every part of my body, Drinking every curves that he could see.
Nang marating ko na ang kinaroroonan nito ay hindi ko na inaksaya ang oras ko na tingnan pa ang mga kasama nito dahil agad akong umupo sa kandungan ni Jacob at narinig ko pa nga ang hiyawan ng kasama nito pero wala akong pakealam I just lick my lips and look at Jacob in the eye kung saan halata sa mga mata nito ang pagkagulat, maybe he is not expecting my wild side.
"Hey lover boy one funny fact for you to take note is.." Pambibitin ko sa salita ko at nilapit ko pa lalo ang sarili ko sa katawan nito bago ituloy ang mga nabitin kong salita.
"I don't want someone staring at me from afar." Malambing na dugtong ko at dahil doon ay nakita kong nahimasmasan na ito mula sa pagkagulat at nagbago ang emosyon na nakaguhit sa mukha nito, it was now lust written all over his face.
"Oh babe I just can't stop my eyes from drinking every details of your body because you're gorgeous." He huskily said and I just smile at him before I innocently bit my lower lip seducing him more at hindi naman ako nabigo dahil ngayon ay nakatingin na ito ng malalim sa'kin.
He's staring particularly on my lips with burning desire written all over his eyes.
"You look so tempting especially those lips." He murmured while tracing his thumb on my lower lip so I smile and said the words in my mind.
"Then have a taste baby." After those words left my lips ay hindi na ito nag-aksaya ng oras, he harshly kiss my lips and I answer his kisses, I lick his lower lip then bit it lightly making him moan and crave for more ni hindi na nga nito gusto maghiwalay pa ang aming mga labi at halos kainin na nito ng buo ang aking labi, hindi na rin namin pinansin ang paghiyawan ng mga kasama niya, We just focus on our own world.
After how many minutes we stop on ravishing each other's lips then I just felt him lowering his kisses on the curve of my neck so I smirk then lick his right earlobe.
"So hot for me baby? But for now all I want to do is dance, so please can you dance with me?" I asked him, waiting for his response na alam ko namang hindi ito tatanggi, the look in his eyes ay alam kong nalunod na ito at hindi nga ako nabigo dahil ganon nga ang nangyari naramdaman ko ang pagtango nito kaya nilisan ko ang kandungan nito dahil ramdam ko na rin kasi ang pamumukol ng harapan nito at kahit nasisiyahan ako sa pinapakita reaksyon ng katawan nito ay hindi ko na gustong lubos-lubosin dahil madami pa akong plano para sa gabing ito.
"Shall we?" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis dito at inabot ko ang kamay nito saka sabay naming hinarap ang mga kasama nito pero hindi ko inaasahan na sa pagharap namin ay bubunggad sa akin ang mga mukha ng mga taong naging halimaw ng nakaraan ko. Kelvin Reed Cajes, Gideon Tuxx Emerson, Kaino Draker klode
at ang panghuli RENDOR ROUX ZANDOR my greatest nightmare.