chapter 3

2859 Words
Rei pov Napapakanta pa ako ng mahina habang hinahanda ang merienda nina Sir Roux-- I mean nina hubbie ko. Napangiti ako sa aking naisip paano kasi parang kailan lang noong tawag ko lang sa kanya ay Sir pero ngayon hubbie na ang tawag ko rito. Tanda ko rin na noong una hindi niya ko tinatapunan man lang ng tingin, anak kasi siya ng mga amo ko at simula nang magtrabaho ako sa pamilya nila ay parang hangin lang ako sa pamamahay ng mga Zandor ngunit noong maging twenty-two years old na ako nagulat na lamang ako nang sinabi nitong manliligaw ito sa'kin. Hindi pa ako naniwala noong una kasi sa isip ko baka nagbibiro lang ito. Bakit nga naman ito manliligaw sa akin? E' isa lang naman akong hamak na utosan sa pamamahay nila pero hindi ko naman maitatanggi na sa bawat paglapit nito ay parang tinatambol ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Pero ginawa ko ang lahat para huwag mahulog dito, natatakot akong baka balang-araw sasampalin ako ng katotohanan na hindi totoo ang mga sinasabi nito. Ngunit sa apat na buwang lumipas nagpursigi si Roux sa panliligaw sa'kin lagi itong may nabibigay sa'kin tulad ng chocolate at mga bagay na hindi ko akalaing makakatanggap ako ng gano'n. Pero mas naantig ako nang minsan dumalaw si Janelle na kinagulat ko dahil hindi ko alam kung anong ugnayan ng mga Zandor at Chui, pero baka magkabusiness partner ang mga ito. Iyan ang naisip ko at nang araw na 'yon labis ang takot ko dahil alam ko na sukdulan ang galit ni Janelle sa'kin dahil lagi ako nitong binubully sa school binigyan kasi ako ng scholarship ng mga Zandor kaya nakakapag-aral pa rin ako. Ngunit ang araw ko sa eskwela ay laging bangungot dahil hindi nawawalan ng paraan si Janelle upang pasakitan ako at lagi akong naipagtatanggol ni Roux kaya hindi nagtagal mas nahulog ang loob ko rito at nang minsa'y dumalaw muli si Janelle sa bahay ng mga Zandor ay binully ako nito ulit ngunit sa oras na 'yun ay pinagtanggol ako ni Roux kaya no'ng araw na 'yon napatunayan kong mahal ako ni Roux kaya sinagot ko na ito. At ngayon nga ang 5th anniversary namin pero mamayang gabi pa kami magkikita dahil na rin sa patagong relasyon namin ngunit hindi ko naman masisisi si Roux sapagkat alam kong kumukuha pa ito ngtamang pagkakataon upang sabihin sa magulang nito na may relasyon kami kaya sa ngayon makokontento na lamang ako sa ganito basta ang importante ay mahal ako ni Roux. "Rei, dalhin mo na 'yan baka nagugutom na sina sir at ang mga kaibigan nito at nga pala nasa library sila." Napasinghap ako at napahawak sa may dibdib ko dahil sa gulat paano ba naman bigla-bigla na lamang sumusulpot si manang Linda. Napatawa lang ito sa reaksiyon ko, tingnan mo itong si manang tinawanan ba naman ako, e' kasalanan niya naman kung bakit ako nagulat. "Ikaw na bahala 'a, may gagawin pa kasi ako." Sa totoo lang si manang naman talaga ang inutusan ni Roux para magdala ng mga hinanda ko pero mukhang ako na lang talaga ang magdadala. "Opo." Sabi ko at ngumiti dito tumango lamang ito saka ibinaling muli ang atensiyon nito sa ginagawa kaya Inayos ko na lamang nang mabuti ang pagkalagay ng isang platong cookies at apat na basong orange juice sa tray. Okay na! ready na ang lahat makikita ko na naman ang hubbie ko. Gusto ko tuloy mangisay sa kilig. Ang gwapo kasi nito at hanggang ngayon hindi ko akalain na boyfriend ko na ito. Hinawakan ko ang tray at binaybay na ang daan papuntang library malayo pa lang rinig ko na ang tawanan ng magkakaibigan. Hindi na ito bago sa'kin parati naman silang andito at ewan ko ba may ibang kahulugan ang mga tingin at ngiti nila sa'kin parang may kakaiba pero isinawalang bahala ko na lang 'yon dahil kaibigan sila ni hubbie. Nang mapadpad na ako sa harap ng pinto ng library at akmang Kakatok na sana ako pero nabitin ang mga kamay ko sa ere nang marinig ko ang tawang nakakainsulto ni Roux na kailanman ay hindi ko narinig simula nang maging kami. "She's so easy to get akala ko tatagal 'yun pero hindi pala! What do you expect from an idiot girl?" Rinig kong saad ni Roux at ngayon ko na lang muling narinig ang gano'ng boses ni Roux malamig at mapanukso dahil simula no'ng maging kami laging malambing na boses ang gamit nito kapag kinakausap ako at teka sino ba ang tinutukoy nito? Sinalakay ng matinding kaba ang puso ko na hinde ko mawari kung bakit. "s**t! Dude, akala ko nga tatagal siya! Grabe Dude ikaw na." Rinig kong sabi ni Kelvin at kilala ko silang lahat dahil sa parati nilang pagdalaw kaya ang mga boses nila ay pamilyar sa'kin. Pero sino ba talaga ang tinutukoy nila may babae ba si Roux? At mas tumindi na ang kabang nararamdaman ko dahil tila may konting ideya na ako kung sino ang pinag-uusapan nila ngunit matindi pa rin ang pagtanggi ng puso ko. "Naku naman akala natin mananalo na tayo kung tingnan mo kasi ay ang tahimik ni Rei at masyadong matino para patulan si Rendor but wow pre nakuha mo agad ang bataan?" Napatakip ako ng bibig sa narinig dahil gustong umalpas ang singhap mula rito at para akong nabuhusan ng kumukolong tubig. Ano ba ang sinasabi ni Gideon? Kapangalan ko ba ang babae ni Roux? Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit tila sinasaksak ang puso ko? "'Di ba tinakwil silang mag-ina ng mga Chui dahil sa makati at malandi raw ang ina ni Rei? Hell! totoo nga ang kasabihan kung ano ang puno siya ring bunga." Dagdag ni Gideon at saka tumawa ng malakas na kinatawa rin ng iba. Doon parang huminto na ang pag-ikot ng mundo ko hindi naman coincidence lang na mapasali ang mga Chui sa usapan 'di ba? Kung ganoon ba ako talaga ang pinag-uusapan nila? Napalunok ako at tila nanlalabo na ang aking paningin at gusto ko nang huwag makinig pero ang hirap at tila natuod ako sa aking kinatatayuan. Pati ang tungkol sa aking ina ay pinagtawanan pa nila. "Oh ano naman ang sabi ng fiance mong si Janelle dahil sa lagi mong pagtatanggol kay Rei 'di ba sukdulan ang galit nito sa pinsan nito?" Seryosong Tanong ni Kaino at tuluyan na akong napasinghap nang mahina teka ano raw? Fiance? Kanino kay Janelle? Sa sarili ko pang pinsan na lagi akong sinasaktan? s**t bakit ganito? Bakit ako pa ang nilaro nila ng ganito? Sa pagtatanggol niya sa'kin at sa mga pinakita nitong kabaitan ay pawang kalokohan lang pala at wala akong kaalam-alam na nagiging kabit na ako? At tiyak pinagtatawanan na ako ni Janelle tiyak isa akong katawa-tawang nilalang na masyadong ambisyosa. Napakagat ako sa aking ibabang labi pinipilit ang sariling huwag makagawa ng ingay. Ang sama niya! Ang sama nila! Hanggang piping daing lang ang nagagawa ko sapagkat ang sakit sobrang sakit na malaman ang mga katotohanan na sumasampal sa akin. Mahal ko siya pero nagmukha akong tanga upang paniwalaan na pareho kami ng nararamdaman. "Tsk if you're asking about Janelle ay ayun tumawa lang ito, tinulungan pa nga ako nitong magdrama at sa totoo lang para sa kaniya nakaganti na siya kay Rei dahil nagmumukhang tanga ito sa harap niya. Saka bago ang lahat nilinaw ko sa kanya na siya lang ang mahal ko and not that pathetic girl." Malamig na sabi ni Roux doon mas tumindi na ang pag-alpas ng luha sa mga mata ko dahil ang sakit! na malamang ang salitang mahal na lumalabas sa bibig nito ay huwad at para lamang pala sa ibang tao, kailanman hindi pala iyon naging akin. Pag-aari pala iyon ng iba pero Bakit? Bakit Roux? Nanghihina na ang tuhod ko pero pinilit ko pa ring maging malakas dahil may gusto pa akong malaman kaya huwag muna. Ayoko pa! Gusto ko pang makinig gusto ko pa malaman ang lahat. Tanga na kung tanga pero mahirap para sa akin, sobrang hirap. "Suko na kami the island is yours." Natatawang saad ni Kelvin at ramdam ko ang unti-unting pagwasak ng puso ko. Isang pustahan para sa isang isla at tama si Roux I'm pathetic. Napangiti ako ng mapait hinayaan ko lang ang pagdaloy ng luha ko at kinagat ko ang labi ko ng madiin dahil ayokong marinig nila ang paghikbi ko. Ayokong mas maging mahina sa harap nila. "Alam mo ang galing mong umakting akalain mo inakala naming totohanan na kayo ni Rei parang in love ka kasi your being possessive and protective to her." Mahinahong sambit ni Kaino at tila huminto ang paghinga ko habang hinintay ko ang sagot ni Roux umaasang maririnig ko ang bagay na gusto kong marinig. Please Roux sana'y ipagtanggol mo naman ako gaya ng lagi mong ginagawa at gaya ng pinangako mo. Please kahit sa huling pagkakataon huwag mo namang ipamukhang wala talaga akong kwenta, please iparamdam mo naman sa akin muli na hindi ako nagkamali ng desisyon na mahalin ka At sana magawa mo ulit akong mahalin, sana magawa mong sabihin sa kanila at bawiin ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan mo kanina kasi Roux mahal kita at patuloy akong aasa. "You're kidding right? In love? Oh come on! You know that girls fall easily when you act as their knight and shining armor and blah blah blah it's all for the island nothing more." Malamig na pahayag nito nanghina na ako nang tuluyan nanginginig na ang aking mga daliri at dahil doon ay nabitawan ko ang tray na naglikha ng malakas na tunog nang ito'y bumagsak sa sahig habang napayuko na lang ako dahil hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa paligid ko. Isang masakit na katotohanan ang sumampal sa pagkatao ko. Gusto kong sumigaw at gusto ko siyang sumbatan o saktan pero nawalan ako ng lakas, pakiramdam ko'y isa akong mababang babae. At ang luhang dumadaloy mula sa mga mata ko ay hindi ko na inaksayang punasan. "Rei!" Napa-angat lang ang mukha ko ng marinig ang boses na 'yon ang may-ari nito ay ang inaakala kong proprotekta at magmamahal sa'kin. Akala ko nahanap ko na ang taong sinasabi ng ina ko na siyang makakasama ko sa panghabang-buhay pero nagkamali ako at ang tanga ko. Una pa lang alam ko nang hindi kami para sa isa't isa dahil sa aming estado sa buhay pero mahal ko e' at sumugal ako ngunit nasayang lang ang lahat, ang bobo ko kasi hindi pala niya ako magawang mahalin! Tiningnan ko ang mukha ng taong nagwasak ng puso ko habang seryoso lang itong nakatingin sa'kin kaya ngumiti ako ng mapait wala na 'yung nakangiting Roux na minahal ko. Finally he reveals his true face, no more deceiving mask. Ito na siya ang lalakeng laruan ang tingin sa akin. "P-pasensiya n-na po k-kayo Sir." Mahina at halos pa bulong ko nang sabi at parang tangang pinilit kong punasan ang luhang lumalandas sa aking pisnge saka Lumuhod ako sa sahig at pinilit na pulutin ang mga nagkalat na pagkain at bubog at dahil na rin sa panlalabo ng mata ko dahil sa mga luhang patuloy na dumadaloy mula dito ay hindi ko napansin na nasugatan na pala ako. Sobrang nakakababa 'yun ang nararamdaman ko ngayon tila nagising ako at sinampal sa akin na rito ako nararapat ang sa paanan nito. "R-rei t-tama na 'yan." Sabi ni Kelvin at lalapitan sana ako habang nakikita ko ang awa sa mga mata nito na mas kinagalit ko at napailing ako rito na kinatigilan nito. Tiningnan ko ang mga kamay ko at nakita ko ang pagdaloy ng pulang likido sa kaliwang kamay ko, malalim ang sugat ngunit bakit wala akong maramdamang sakit? Bakit ang nararamdaman ko lang ay ang pagsikip ng dibdib ko. Pinagmasdan ko lang ang pagdaloy ng dugo na pumapatak sa sahig, napailing ako. 'No! nadumihan ko ang sahi' sa kaisipang 'yun ay ang dulo ng aking suot na uniform ang ginawa kong pang linis sa dugo sa sahig pero sige pa rin ang pagpatak ng dugo at ng luha ko kaya naiinis na ako. Bakit? Bakit ganito?bakit ayaw huminto? Bakit hindi lumilins? Manhid ang pakiramdam ko halos hindi ko alam ang dapat kong ikilos para akong nawalan ng buhay. Isang manikang de susing gumagalaw ng kusa dahil nasusian na. "B-bakit hindi nagiging malinis?" Nanginginig na sambit ko at napatulala ako sa mas nadumihang sahig. "R-rei tama na may sugat ka.. t-teka tatawagin natin si manang." Sabi ni Gideon na may pag-aalala pero anong karapatan niyang mag-alala e' pareho lang sila! Pinagplanuhan nilang saktan ako! Tapos ngayon aakto silang may pakealam? Ano 'yun biro lang nila? Napagkatuwaan? Gano'n na lang ba lagi? Hahayaan ko silang gawin 'to sa'kin kahit sobrang sakit na? "Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo?" Mahinang tanong ko at nanatili lang sa pagyuko tiningnan ko lang ang pagpatak ng dugo sa sahig pero natahimik lang sila at gusto kong matawa kasi bakit hindi sila makasagot? Kanina, ang galing nilang mang-insulto pero ngayon bakit napipi sila? "Bakit parati na lang ako? Bakit ako Roux? Bakit?!" Iniangat ko ang mukha ko at tiningnan sila ng diretso sa mga mata nila at halos hindi sila makatingin sa'kin maliban sa isa na walang kaemo-emosyon tinitigan ako. "Ano! Hindi kayo makasagot? Tsk, isla! 'Yon pala ang halaga ko para sa'yo Roux isang babaeng pangpustahan isang laruan." Sigaw ko at nakita kong nakayuko na sina Gideon at Kelvin pero ang sakit eh, sa lahat ng bagay ay sinubukan kong maging isang babaeng may maipagmamalaki, sinubukan kong huwag maging mababa sa paningin ng iba pero hindi ko akalain dadating ang panahon na kahit ako mismo ay titingnan ang sarili ko bilang isang patapon. "Hindi ako malandi Roux kahit kailan hindi ko piniling mahulog lang bigla sa'yo, pinilit ko mang huwag mahulog kasi noon pa man alam ko nang hindi pwede pero ang hirap! Sobrang hirap hindi naman kasi ako tulad mo na walang puso, hindi ako tulad mo na ginagawang laro ang pagmamahal at sadyang minahal lang kita Roux minahal kita ng sobra! Kung saan nakalimutan ko ang sarili ko at paniniwala ko at isa pa hindi malandi ang nanay ko! Sadyang mahal niya lang rin ako kaya nagagawa niya iyon at hindi n'yo 'yon maintindihan dahil hindi kayo marunong magmahal And you know what? I regret the day I met you isa kang demonyo Roux! "Ang kakapal ng mukha nilang husgahan ang pagkatao ko at tapakan ako. Kahit mahina ako kahit ganito ako at hindi ako perpekto ay kailangan ko rin ng mga taong rerespeto sa akin at magmamahal sa'kin pero ang lahat ng iyon ay hindi ko makuha. Walang kayang magmahal sa'kin ng totoo kahit kailan parating may kulang pa rin kahit buo ko na binibigay. Tumayo ako at mariin siyang tiningnan. "Magsaya ka ngayon Roux dahil babalikan kita at itong ipinalasap mong sakit ay sobra pa ang ibabalik ko sa'yo." Malamig na saad ko saka tumalikod na sa kanila nakita kong pinapanood na pala kami ng ibang mga kasambahay. Ang iba ay may awa sa mga mata habang ang iba ay parang sinasabing buti nga sa kaniya. Hindi ko na nakayanan kaya tumakbo na ako palabas ng masion. Ramdam ko ang patak ng ulan sa katawan ko para bang nakikidalamhati ito sa wasak kong puso pero wala akong pakealam pabalik-balik ang mga salita at pangako niya na ngayon alam kong walang katotohanan at hindi matutupad. "I love you Rei." sinungaling! Hindi niya ko minahal! Gago siya at manloloko. Nakinig ako sa kaniya sa pag-aakalang totoo pero lahat pala ay bahagi ng plano. Sino ba naman ang magseseryoso sa tulad ko? Para sa kanila isa lamang akong patapon. "Huwag kang mag-alala papanagutan kita wifee dahil mahal kita." Pina-ikot niya lang ako para makuha niya ang gusto niya! ang sama niya binigay ko ng buo ang puso ko at pagmamahal ko, nagtiwala ako sa kaniya sa pag-aakalang siya ang proprotekta sa'kin at sa pag-aakalang may pag-asa pa akong sumaya pero nakakabaliw dahil wala nga talagang pag-asa. He was my happiness but I am just his toy. "Sabay tayong bubuo ng pamilya wife." Naniwala ako! Pero ang totoo si Janelle ang mahal niya! Si Janelle ang pinapangarap niyang makasama, lahat na lang ba? "I want you to be my wife gusto kong ikaw ang lagi kong mamasdan sa pag-gising ko and you know what i'm not getting tired of staring at your beautiful face." f**k him! Pinaramdam niyang mahal niya ako pero I was so stupid to listen to his bullshit. At ngayon tila ako'y nalulunod, hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman o kung saan ako pupunta. "I want to have a minie Rei and Roux in the future wifee." Alam kong hindi yon totoo kaya tama na, parang-awa mo na ayoko na making, ayoko na masaktan ng paulit-ulit nakakasawa na kasi nakakapagod na rin "Love you wifee." I hate you Roux! I hate you! Pinapangako kong kakalimutan na kita! "I hate you!" Sigaw ko at napaluhod na sa daan nanghihina na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko hinayaan ko na lang din ang luha ko dahil ipinapangako ko I will never let myself cry again because of Roux NEVER..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD