Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang puting kisame. Hindi ko ito makilala dahil hindi naman ganito kagarbo ang kisame ng kwarto ko kaya mas inilibot ko ang aking paningin sa kwartong kinalalagyan ko at kahit nanlalabo ang aking paningin ay kita ko pa rin na nasa isang kulay asul na kwarto ako at gaya ng sinabi ko kanina magarbo ang bawat bagay na nakikita ko at halatang-halata o hindi maitatangging mayaman ang nagmamay-ari ng kwarto.
Teka asan ba ako?
Ano ba ang nangyari sa'kin?
Paano ba ko na punta rito?
Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko pero kahit isa ay wala akong masagot dagdag pang ramdam ko pa rin ang kirot na tila may pumipintig sa ulo ko ngunit kahit gano'n man ay pinilit ko pa rin na makaupo dahil kailangan kong makaalis sa lugar na ito.
Napasandal ako sa headboard ng kama at ngayon mas kita ko na ang itsura ng kwarto at tama nga ako sa aking naisip kanina nasa pang-mayaman nga akong kwarto kasi mas kita ko pa lalo na ang mga mamahaling gamit na nagpapakita ng karangyaan. Pero paano ako napunta rito? Nanalo ba ako sa lotto? Pero paano naman ako mananalo kung hindi naman ako tumataya?
Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at napabaling ang atensiyon ko sa kinalalagyan ng pinto ngunit namangha ako nang makita ko ang pagpasok ng tatlong babae lahat sila ay magaganda kaya nahihiyang binaba ko ang aking tingin sa aking mga kamay at doon ko nakita na may benda ang mga ito at ramdam ko rin ang kaonting hapdi ro'n.
Teka saan ko ito nakuha? Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong naka white v-neck shirt ako habang hindi ko naman makita kong ano ang suot ko sa baba pero alam kong nakamaong short ako dahil ramdam ko ang yari ng tela nito ngunit saan ko naman nakuha ang damit na ito? Wala akong ganitong damit dahil kilala ko ang lahat ng mga damit ko kakaonti lang kasi ang mga iyon.
Nakarinig ako ng pagtikhim kaya iniangat ko ang aking mukha at muling tumambad sa'kin ang tatlong diyosa na siyang nakikita ko lang sa magazine. Hmm ang gaganda talaga nila tiyak na kapag lalaki lang ako ay kanina pa ako naglalaway.
Teka nga, Magazine?
Tiningnan ko sila isa-isa, Tama! sila nga ang mga super model at businesswoman na nakikita ko na laging laman ng mga magazine. Ang ganda pala talaga nila lalo na sa personal pero teka nga bakit naman sila mapupunta sa harapan ko? Napatampal ako sa aking noo, Nananaginip lang yata ako. Tumango ako sa aking naisip oo nga! Baka nga panaginip lang kaya ngumingisi akong tumingin muli sa kanila. Aba! Grabe ang imagination ko! Para talaga silang totoo pwede kaya ako humingi ng authograph? O kaya may lilitaw na cellphone at makiki-selfie o group picture ako kasama sila.
"Cane, baliw na ata iyan tingnan mo nga nakakatakot kung ngumisi."
Rinig kong sabi ng babaeng nasa kanan ng sinabihan nitong Cane sa pagkakaalam ko ito ay si Zairah Wintei Zee 23 years old isang super model at may mga business itong resort at restaurant samantala ang kompaniya nito ay nagngangalang ZLEGAGACY
Ang tinawag naman nitong Cane ay seryoso lang nakatingin sa'kin napakalamig ng aura nito. Ang alam ko lang ay 24 years old na ito at isa itong tanyag na businesswoman na malaki at madami itong sakop na kompaniya ito raw rin ang pinaka-misteryosang babae sa business world. Hailey Cane Richeliu tama nga ang mga sabi-sabi misteryosa ka nga pati ang tingin mo ay hindi ko mabasa hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip mo at ang tamang gawin ko sa harap mo.
"Tumahimik ka nga riyan Zai, kahit kailan sakit ka sa ulo." Tiningnan ko naman ang nagsalita na nasa kaliwa ni Cane walang iba kundi si Carzeine faith Monseratt 23 years old at ito ay binansagan bilang the genius businesswoman ang kompaniya nito ay ang pinakasikat sa pag-gawa ng mga gamot at teknolohiya.
"Tapos ka na ba sa kakatingin sa'min, MS. REI?" Nanlamig naman ako sa pagkarinig ng malamig na boses ni Cane, kinurot ko rin ng palihim ang aking braso, Hell! ang sakit pinigilan ko lang na huwag dumaing pero isa lang ang naisip ko mukhang nagkamali ako dahil mukhang hindi ito panaginip kundi totoo ito, totoo ang mga nagaganap at nasa harap ko nga talaga sila, ngunit ang isang malaking tanong ay bakit kilala nila ako?
"T-teka paano ba ako na p-punta d-dito?" Napalunok naman ako grabe nakaka-intimidate naman ang mga babaeng ‘to, sa mga tingin pa lamang nila ay tila nanliliit ako, para kasing binabasa nila ang buo kong pagkatao.
"Nakita kitang nakahandusay sa daan kaya dinala kita rito at pinaimbestigahan kana rin namin." Sabi ni Ms. Zai kaya tila may bumara sa lalamunan ko kaya naman pala alam nila ang pangalan ko at oo nga naman sa yaman nila ay hindi na mahirap sa kanila ang gawin iyon ngunit bakit pakiramdam ko'y may kakaiba? Bakit tila nang-aakusa ang mga mata nila?
"Let's get to the point, Ms. Rei kaano-ano mo si RENDOR ROUX ZANDOR Ceo of RZ na gumagawa ng mga sasakyang pangdigma kasama na ang mga yate at nagmamay-ari rin ng mga isla at hacienda?" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig pagkarinig sa tanong nila kasabay nito ay ang mga ala-alang nagsibalikan kaya naramdaman ko ang pag-siid ng sakit sa puso ko, pero kahit gusto kong umiyak ay pinigilan ko pa rin ang sarili ko ayoko kasing maging mahina sa mga mata ng mga taong nasa harap ko pero sana pala hindi ko na lang naalala para hindi ko maramdaman ang ganitong sakit ngunit kasalanan niya ang lahat ng ito! Kumuyom ang aking mga kamay sa pag-usbong ng galit.
"Hindi ko siya kilala," Malamig at maikling sagot ko at nagpapasalamat ako dahil hindi ako nautal. Ayoko na rin kasi na maugnay ako sa lalakeng ‘yon at isa pa mahirap ng magtiwala, kahit pa tinulungan ako ng mga babaeng ‘to still hindi ko alam ang totoong mga layunin nila.
"Hoy missy! halata naman na kilala mo siya dahil nang banggitin ni Cane ang pangalan ng lalakeng ‘yon para kang binuhusan ng malamig na tubig." Saad ni Zai at ngumisi sa'kin para bang sinasabing, akala mo ba makakatakas ka?
Kaya umiwas ako ng tingin at napalunok, hindi ba nila nakikitang ayaw kong sagutin ang tanong nila?
"RAVEN REI CHUI, 23 years old half chinese namatay ang ama na si Miguel Chui sa isang aksidente at dahil sa hindi tanggap ng pamilyang Chui ang nanay mo pinalayas kayo sa sarili n'yong pamamahay at para mabuhay ka lang nagbenta ng katawan ang iyong ina na si Gina Avela-"
Tama na..
"Sa iyong paglaki wala kang ninais kundi matulungan ang iyon ina ngunit.."
Sumisikip ang dibdib ko, ramdam ko ang sakit lalo na't naririnig ko muli ang mga pang-aapi at ang mga iyak ng aking ina sa utak ko na tila ba'y hanggang ngayon ay nasa likod ako ng pinto nakikinig sa bawat hinagpis ng aking ina at hanggang ngayon nanatili akong mahina at walang magawa kundi ang umiyak at ni hindi ko magawang lapitan ang aking ina upang yakapin at upang sabihin dito na andito lang ako. Sobrang sakit dagdag sa sakit na nararamdaman ko ngayon ay ang pakiramdam na nagamit lamang ako, na isa lamang akong basura.
"Hindi mo magawa dahil sa huli ay nawalan ka ng pagkakataon na-" hindi ko na ito pinatapos magsalita kasi hindi ko na kinaya.
"T-tama na.." Nanghihinang bulong ko at dumadaloy na ang mga luha ko mula sa aking mga mata pero ang masakit ay hindi nagpatinag ang babae dahil sandali lang pala ito huminto at hindi nagtagal ay nagsalita ito muli na tila wala itong narinig mula sa'kin.
"Dahil sa namatay ang iyong ina mula sa isang malubhang sakit kaya napilitan kang magtrabaho kahit 16 ka pa lang bilang isang kasambahay sa pamilyang Zandor ngayon sagutin mo ang tanong namin." Pagtatapos ni Zeine na tila wala lang dito ang lahat at nagawa pang mag-demand ng sagot! Gano'n ba sila kawalan ng puso? Hindi ba nila nakikitang nasasaktan pa rin ako? Sa kaisipang ‘yun ay hindi ko mapigilan ang pag-usbong ng poot sa puso ko.
"Uulitin ko muli, tell me ano ang kinalaman mo kay, ZANDOR?" Malamig na tanong ni Cane and I gritted my teeth gusto nila ng sagot pwes ibibigay ko sa kanila.
"Maid niya ako ‘di ba yan naman ang napag-imbestigahan ninyo." Galit na pahayag ko, kaya nakita ko ang pagbaba ng tingin nila sa mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata at tila may emosyon dumaan sa mga mata nila at napabuntong-hininga si Zeine.
"Maid? Pero hindi magiging ganiyan ang reaksiyon mo kung maid ka lang niya isa pa ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo noong marinig mo ang pangalan ng satanas na ‘yon saka hindi mo kailangan magalit sa'min alam din namin ang pakiramdam ng niloko at ginago huwag kang mag-alala andito kami para tumulong." Mahinahong saad ni Zai kaya tila humupa ang galit sa aking puso tiningnan ko muna sila ng matagal bago ako napayuko muli hindi ko alam pero may tumutulak sa'kin na ibuka ko ang aking labi at magsalita. Masakit man ibalik pero alam kong kailangan ko ng may makinig sa'kin.
"N-nagkarelasyon k-kami," nauutal na sagot ko narinig ko at nakakabinging katahimikan ang sinagot nila sa sinabi ko kaya Pinagpatuloy ko na lang ang pagkukuwento.
"Nang naging maid ako sa pamilyang Zandor ramdam ko na ang galit ni Roux sa'kin ayaw na ayaw nito sa'kin ngunit nung ako'y naging 22 nagulat na lang ako nang umamin ito na mahal niya ako at liligawan niya raw ako at sinagot ko ito pagkatapos ng apat na buwan na panliligaw nito. Naging maayos naman ang relasyon namin ngunit nanatili itong lihim nahulog at nagpakatanga ako sa mga pangako nito." Oo pumayag ako sa ganoong ayos dahil naiintindihan ko na mahirap matanggap ng iba ang realasyon namin dahil na rin sa laki ng pagkakaiba ng estado ng buhay naming dalawa saka ang mahalaga lang noon sa'kin ay ang kaisipan na mahal ako nito na hindi ako nito sasaktan.
"Pero noong matagpuan mo ako, miss Zai sa daan ‘yon din ang araw ng 5th monthsary namin at ‘yon din ang araw na nalaman ko na pinagpustahan nila akong magkakaibigan.Virginity ko kapalit ang isang isla!" Isang laro ang ginawa nila, pinaibig niya ako pinasunod sa bawat bagay na ipagawa nito pero ang totoo pala wala itong nararamdaman sa'kin kundi may iba itong gustong makuha, ang sakit kasi ako itong sobrang nawalan. Ako yung nagging katawa-tawa sa mga mata nila.
" Ang tanga ko ‘di ba? dahil hinayaan kong magtagumpay siya sa pustahan dahil nagpatangay ako sa matatamis nitong salita at mas nasaktan ang puso ko nang malaman ko na may fiance na ito." Rinig ko ang marahas na singhapan nila dahil na rin sa kahihiyan hindi ko makuhang iangat ang aking mukha para tingnan sila. Nakakababa ng sarili na ‘yung binigay mo ang sarili mo sa taong akala mong proprotektahan at papahalagahan ko ngunit mauuwi lang pala ang lahat sa pakiramdam na tila ika'y basura at basahan na napaglumaan.
"Sino ang fiance nito?" Tanong ni Zeine rinig ko sa paraan ng pagsasalita nito ang galit ngunit bakit ba hindi maubos-ubos ang luha ko ang sakit-sakit naman kasi.
"Sino Rei sabihin mo." Mariing sambit ni Zai kaya napatawa ako ng mahina. Ito ang masakit na katotohanang sasampal sa mukha mo na hindi ikaw ang priority niya kundi second choice ka lang, ay mali pala dahil kahit minsan hindi ako nasama sa choice niya at kahit minsan hindi niya ako minahal kundi ginamit niya lang ako.
"Janelle Chui, ang sarili kong pinsan." Iniangat ko ang aking mukha at nakita ko sa mga mukha nila ang awa at naiinis ako kasi pagod na akong maging mahina at laging kinakaawaan. Ngayon gusto ko sanang makatayo naman pero papaano?
Saan ba ako magsisimula?
"Rei, gusto mo bang makapaghiganti?" Nanlalaki ang mga matang tumingin ako kay Cane. Nakangiti ito sa'kin parang may sariling isip naman ang katawan ko at agad na sumang-ayon at tumango nang hindi man lang pinag-iisipan, ni hindi ko na pinansin ang katotohanang ngayon ko lamang sila nakilala dahil isa lang ang rason ko kundi pagod na ako.
"Good simula ngayon hindi kana si Rei na mahina na sinaktan nila, Ikaw na ngayon si Raven ang huling miyembro ng QUEENS." Ewan ko ba pero tila nagkaroon ako muli ng panibagong lakas at sabay kaming apat na ngumisi hindi ko alam pero naisip kong parang nakatagpo na ako ngayon ng bagong pamilya.
Humanda ka RENDOR ROUX ZANDOR Ipapakita ko sa'yo na mali ang babaeng pinaglaruan mo.