GF : 21

1272 Words

Nanlaki ang mga mata ni Sasha dahil sa pangalang sinabi ng taong nasa kaniyang harapan. Pinakiramdaman nito agad kung dapat bang pagkatiwalaan ang lalaki kung sakaling sasabihin niya ang totoong siya ang babaeng hinahanap nito. “Sasha Belinda Ferrer po?” pag-uulit niya at baka guni-guni lamang nito ang narinig dahil sa kaniyang kapraningan. May kasiguraduhan namang tumango ang lalaki. “Yes,” tugon nito gamit ang malalim na tinig. Lihim siyang napalunok nang makitang masyadong pormal ang pananamit ng lalaki. Sa unang tingin ay malalaman din agad na galing ito ng Maynila. Hindi rin naman ito ang lalaking kasama ni Axel sa restaurant at habang tumatagal ay mas lalo lamang itong nagiging mas kahina-hinala sa kaniyang harapan. Panay din ang lingon nito sa paligid at para bang hindi mapakali

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD