Nasilayan ni Sasha kung paano namilog ang mga mata ni Ethan nang makita nitong nakasuot pa rin siya ng pambahay at may hawak na walis sa kaliwang kamay. She got an innocent look na para bang nakalimutan nitong may lakad dapat sila ng gabing iyon. “What happened, Sasha? Bakit hindi ka pa bihis?” Mabilis nitong kinuha ang bag na hawak ni Ethan at inilagay sa gilid. “Pwede bang huwag muna tayong pumunta ng mall, Ethan? Medyo masama kasi ang sikmura ko.” Nagyuko siya ng mukha. Huminga pa nang malalim para segundahan ang unang kasinungalingang sinabi niya rito. “I’m sorry, Ethan.” Alam niyang hindi kayang tiisin ng binata ang malungkot niyang tinig. Bibigay ito kapag sinabi niyang mayroon siyang masamang nararamdaman dahil gano’n kabait si Ethan. Ilang segundo silang nagkatitigan bago malu