GF : 4

1641 Words
Gusto man nitong tanungin si Ethan tungkol sa singsing na napulot ng bata ay wala siyang sapat na lakas ng loob. Pinili na lamang nitong itago ang singsing sa kanyang kwarto at huwag muna itong banggitin sa binata. She's not interested with the item itself, she's concerned about its sentimental value to Ethan. Sumagi sa isipan ni Sasha na siguro sobra ang sakit na dinanas ng binata para magawa nitong itapon ang isang bagay na mahalaga sa kanya. At wala naman siyang magawa kung hindi itago ang singsing at ingatan ito hanggang dumating ang araw na maging okay na si Ethan. "Can you accompany me?" Biglang tanong ng binata sa kanya. Natigilan si Sasha sa paglilinis ng mesa at napatingin sa tambak nitong hugasin. Katatapos lang nilang kumain, aalis sila kesa magpahinga? "Saan? Nakakahiya baka anong isipin ng makakakita sa'ting dalawa," may pag-aalinlangan niyang sagot. Umiling ito. "Don't worry, hindi naman tayo lalabas ng kotse. Gusto ko lang talaga silang makita, kahit ngayon lang." Mapait ang mga ngiting ipinakita sa kanya ng binata. Ramdam ni Sasha ang kirot na dinala 'non sa kanyang dibdib. Wala siyang alam pero tumatagos pa rin sa puso niya ang sakit. Maybe, because she's concerned about Ethan. "Tapusin ko lang ito. Bibilisan ko," aniya at mas binilisan ang pag-aayos. Aalis na sana ito sa harapan ni Ethan nang bigla nitong hinawakan ang kanyang kamay. "I'm sorry, Sasha. Bigla ko nalang kasing naisip na mas gagaan ang pakiramdam ko kapag kasama kita," malambing na sambit ni Ethan na nagdala naman ng konting kilig sa kanyang sistema. Hindi nito lubos maisip na nakakagaan pala ng pakiramdam ang presence niya. Nagawang tapusin ni Sasha ang pag-aayos sa loob lamang ng sampung minuto. Mabilis itong nagtungo sa kwartong inilaan ni Ethan para sa kanya. Limang pintuan ang layo nito mula sa kwarto ng binata pero pakiramdam niya'y sobrang lapit pa rin nila sa isa't isa. Pinili nitong magsuot ng isang plain white v-neck shirt at maong skirt. Hindi na nagawang tingnan ni Sasha ang sarili sa salamin, basta itinali nalang nito ang buhok pataas gamit ang isang itim na ponytail. Simple mang tingnan ang pananamit at ayos nito pero lumulutang pa rin ang mala-dyosa niyang ganda. Napatango ito ng maramdamang handa na siya. She's still Sasha, the living goddess of Manila. "Don't worry, Sasha. Everything's gonna be smooth and fine. Kailangan mong pasayahin si Ethan, huwag kang magpadala sa lungkot na mararamdaman nito," sabi niya sa sarili. Muli kasing bumalik sa isipan nito ang mga sinabi ni Ethan pagkatapos siya nitong pakiligin kanina. "Baka kasi bigla nalang akong lumuha at manghina mamaya. Baka bumalik na naman ang sakit na ayaw ko ng maranasan noon. I need you to stay by my side, Sasha. Hanggang maari pigilan mo ako...I know you can save me from the pain I'm bearing." Nakita nitong may bahid ng kalungkutan ang mga mata ni Ethan. Wala ding lakas ang boses nito at mapusyaw ang kulay na bumabalot sa kanyang katawan. Hindi pa man sila nakaka-alis sa garahe pero binalot na ng matinding pressure ang buong paligid. Isa itong makapigil-hiningang tensyon na parang naghihintay nalang ng hudyat para sumabog. Napasulyap na lamang ito kay Ethan na abala pa rin sa pagkukundisyon ng sasakyan nito. Nakaupo ang binata sa driver's seat habang nasa tabi naman siya at tahimik na nanonood. Pinigilan ni Sasha ang sobrang pag-iisip. Alam nitong hindi dapat mawala ang ngiting taglay ng mga labi niya dahil mawawala din ang kakayanan nitong i-cheer up si Ethan mamaya. "Diyos ko!" Napasigaw si Sasha nang umandar na ang kotse. Mahigpit itong napakapit sa gilid dahil pakiramdam niya'y konti nalang at ililipad na siya ng hangin. Gumuhit naman ang hindi maipaliwanag na ngiti sa labi ni Ethan, binagalan nito ng konti ang pagmamaneho. Pigil na pigil si Sasha sa mga reaksyon nito pero paminsan-minsan ay kumakawala pa rin ang mahihinang tikhim niya. "Okay ka lang, Sasha?" tanong ni Ethan ng makitang nakapikit pa rin ang dalaga habang nasa kalagitnaan sila ng byahe. Nakakapit ang magkabilang kamay nito sa sasakyan habang medyo naka-angat naman ng konti ang paa sa kinauupuan. Para itong isang batang nakasakay sa isang ride sa amusement park. Hindi nakasagot si Sasha kay Ethan. Nanatili itong nakapikit. Natawa ng malakas si Ethan. Hindi naman napigilan ni Sasha na huwag mapalingon, maging ang tawa nito ay gwapo pa rin sa panrinig niya. "Sorry, Sasha. Napabilis yata ang patakbo ko," ani Ethan sa dalaga. Mabilis itong umiling. "H-Hindi Ethan. Matagal na panahon na kasi magmula noong huli akong makasakay ng sasakyan, nanibago lang talaga ako. 'Di ko na nga matandaan kung ilang years na," sambit ni Sasha saka natawa na rin. Nanlaki naman ang mga mata ni Ethan sa narinig. Pinigilan nito ang malakas na tawa ng makita ang reaksyon ni Sasha. Mukhang nagsasabi nga talaga ito ng totoo. Kung pagbabasehan ang kutis at angking ganda ng dalaga ay masasabi ni Ethan na nagmula ito sa isang mayamang pamilya. Kung hindi lang sila nagkita sa bakuran ng mga Salvador habang nakasuot ito ng uniporme, aakalain niya talagang anak ito ng mayamang mag-asawa. Napaka-inosente nitong tingnan at namumula ang pisngi habang umiiyak ng mga oras na 'yon. Hindi naglaon ay nakarating din sila sa kanilang destinasyon. Pumasok ang sasakyan ng binata sa isang malawak na subdivision. Napangiti si Sasha sa kanyang nakita, maganda ang mga town house dito, napakalinis tingnan ng mga bakuran at mint green ang kulay ng dingding, may iba't ibang tanim din sa harapan ng bahay ang mga residente. Napakagat-labi nalang tuloy ito nang maikumparang mas mukhang lively ang pinuntahan nilang subdivision kesa sa kinatatayuan ng bahay ng binata. Nilingon nito ang binatang tahimik na nakaupo sa kanyang tabi. Nakatingin lang ito sa gate ng isang bahay, tatlong metro ang layo mula sa kanila. Sinandal nito ang ulo sa manibela at para bang may hinihintay. 'Di nagtagal, lumabas mula sa bahay na 'yon ang isang masayang pamilya. Hindi niya maalala ng mabuti, but the lady looks familiar to her, parang nakita niya na ito kung saan. Malayo man sila pero aninag niyang napakaganda ng babaeng 'yon. Maamo ang mukha nito at mapupungay ang mga mata. Mukhang alaga sa gatas ang maputing kutis nito at mas matangkad ng ilang pulgada sa kanya. Ina-alalayan ito ng asawang naglalagay ng mga gamit sa likuran ng sasakyan at kanina lang ay may batang babae silang pinasakay sa loob ng kotse. "This is the last time that I'll see the both of you. Take care and be happy," kumirot ang puso nito sa narinig. Napalingon siya kay Ethan. Kitang kita ni Sasha kung paano humigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. "Ethan...." mahinang sambit ni Sasha ng makitang lumuluha ang binata. Hindi nagtagal ay sinandal na nito ang ulo sa manibela. Rinig na rinig pa rin ng dalaga ang mga hikbi nito hanggang sa tuluyan ng humagulgol si Ethan. Hindi niya malaman kung anong gagawin para mapatahan ang binata. Nanginginig ang kanang kamay nito nang sinubukan niyang haplusin ang likod ni Ethan. How can I comfort him? Is there a simple way to say that everything's gonna to be alright without hurting his feelings? Paano nga ba iku-comfort ang isang taong labis na nasasaktan? Napabuntong hininga si Sasha. She tried to reach for his hand. Nang lumapat ang kamay nito sa kamay binata, ramdam niyang medyo lumuwag na rin ang pagkakakapit nito sa manibela. "Ethan..." muli niyang tawag dito. Ethan gave her a blank look. Walang tigil lang ang mga luhang tumutulo mula sa magkabila nitong mga mata. Alam niyang may gusto itong sabihin pero walang lumalabas na salita mula sa bibig nito. Walang ibang naisip na paraan si Sasha kung hindi alisin ang kamay ni Ethan sa manibela at ilapat ang palad sa kanyang dibdib. "Can you hear my heartbeat, Ethan?" She tried to reach out to him. Hindi ito sumagot. "Huwag tayong mawalan ng pag-asa, Ethan. Alam kong nasasaktan ka ngayon pero hanggang tumitibok at lumalaban ang puso natin. Pwede tayong mangarap na balang araw tayo naman ang magiging masaya." Bumuntong-hininga ito, ramdam niya kasi ang paninikip ng dibdib habang kinakausap ang binata. Sinubukan niyang pagaanin ang loob nito kahit alam niya sa sariling wala siyang kakayanang gawin iyon. Alam kasi nitong durog na durog pa rin ang puso niya. Paulit-ulit lang naman siyang nasaktan noon kaya hanggang ngayon hindi pa tuluyang humihilom ang mga sugat na nakuha nito. Akala niya'y pinakamasakit na noong nawala ang kanyang mga magulang, hindi niya naisip na mas madudurog pa pala siya nang sinundan ito ng pagkawala ng lahat ng ari-arian nila. At kung kailan kailangang kailangan nito ng tulong at pagkalinga mula sa ibang tao, siya namang pagtalikod sa kanya mga kaibigan at kamag-anak. "Tinuro mo sa'kin ang lahat ng 'yon, Ethan. Dahil sa'yo nagkaroon ako ng lakas ng loob na mabuhay at lumaban kahit alam kong wala ng kwenta ang buhay ko," wika ni Sasha bago napayuko. "Please don't worry about me, Sasha. Kailangan ko lang ng oras para makapag-isip." Napakagat-labi si Sasha nang mabasa nito ang maiksing note mula kay Ethan sa labas ng pintuan. Magkahalong tuwa at pagkadismaya ang naramdaman niya nang inilagay sa lapag ang pagkaing hinanda para sa binata. "May hinanda akong pagkain. Dito ko nalang ilalagay, Ethan." Sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ni Ethan. Minabuti nitong maghintay ng ilang minuto sa gilid, inasahan niyang bubuksan ni Ethan ang pintuan para kunin ang pagkain pero walang lumabas mula rito. Alam ni Sasha na sinusubukan ng binata na labanan ang sakit sa pamamagitan ng pagkukulong sa kwarto nito. Hanggad nito ng katahimikan para mailabas niya ng walang pag-a-alinlangan ang sakit na naramdaman. Pwede siyang sumigaw, magwala at umiyak ng walang tigil hanggang sa mapagod na lamang ang kanyang katawan. Minsan, totoong katahimikan nga ang sagot para gumaan ang naguguluhan nating puso. At mas gusto nating lumayo muna sa maingay na mundo para mabigyan ng katahimikan ang ating sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD