[Sasha's POV]
I prayed for his own good. Nanalangin akong sana'y hindi magbunga ang ginawa naming dalawa. Ayokong makaramdam si Ethan na kailangan niyang umako ng responsilidad dahil sa nangyari. Hindi maari at hindi nararapat, ayokong masira ang buhay nito nang dahil sa'kin.
Nabulag kaming dalawa ng aming kapusukan at wala kami sa tamang huwisyo nang gawin namin ang bagay na 'yon. Hinahangaan ko si Ethan pero walang pag-ibig na namamagitan sa aming dalawa. Marahil, pareho lang kaming naghanap ng masasandalan at makakausap noon.
Gusto kong sabihin sa lahat na nagkamali lang kami ni Ethan. Kadalasang linya pa nga ng iba, tao lang kami na nagkakamali. And we deserve a second chance to turn everything right.
Ilang beses ko ring naitanong sa aking sarili, why do good people suffer right away after making mistakes? Bakit kapag masasamang tao kahit paulit-ulit pa silang gumawa ng masama ay nakakatakas sila ng ganon kadali? Kapag raw masamang d**o, matagal mamatay. Kapag naman mabait, madali lang bawiin ang buhay dahil mahina ang puso nila. May time frame ba talaga ang kaparusahan para sa isang makasalanan? Paano naman kami ni Ethan at ang mga taong nagkasala sa'ming dalawa?
"Please give her to me. I'll pay you."
Napakagat-labi ako nang maalala ang sinabi ni Ethan nang pumunta siya kanina sa tahanan ng pamilya Salvador.
Ewan ko ba kung matutuwa ako o malulungkot dahil para lamang akong isang bagay na binili niya kapalit ng pera. Pero kasalanan ko din naman di'ba? Pinigilan niya akong bumalik sa pamilya Salvador pero nagmatigas pa rin ako.
Halatang pagod na pagod siya nang umuwi kami kanina. He looked restless, hindi ko alam kung dahil sa kanyang trabaho o panay pa rin ang isip nito sa obligasyon na ipinangako niya sa'kin.
"Do you need anything? Magsabi ka lang," sabi nito at ngumiti.
Ngayon, daig ko pa ang isang prinsesang napunta sa pinapangarap nitong palasyo kasama ang kanyang prince charming.
Hindi niya ako pinabayaan pagdating sa pagkain, hinayaan ako nitong manood sa malawak at malaki niyang telebisyon na minsan ko lang nagagawa noon sa bahay ng mga Salvador, binilhan ako ni Ethan ng mga damit na masusuot, pina-laundry ang uniporme ko bilang kasambahay at nagawa rin nitong pagbilhan ako ng hairclip at iba pang kailangan ko sa katawan.
Ethan is a good person, he's perfect at kahit sinong babae mahuhulog ang loob sa kanya, habang ako? I'm not a princess, hindi din ako mayaman. I'm a nobody. Isang basurang napulot lang nito sa kung saan.
"Uhm..." napabuntong-hininga ako at matiim itong tinitigan.
Hindi man nakatingin sa'kin si Ethan pero alam kong isa ako sa dahilan kung bakit malalim pa rin ang iniisip niya.
"Please don't think too much about what happened. Wala lang naman 'yon. Hmm. Ang mabuti pa kalimutan na natin, as if parang walang nangyari. Hindi naman tayo magkilala, dala lang ng kalasingan ang lahat. Di'ba, Ethan?" nag-aalangan kong sambit.
Mabilis itong umiling. "Are you not worried about getting pregnant? What about losing your virginity?" kabado nitong tanong.
Para akong matutunaw dahil sa mga titig niya. Ang mga mata nito, parang may kapangyarihan itong pabilisin ng sobra ang t***k ng puso ko.
Napahawak na lamang ako sa aking dibdib, hindi ko mapigilan ang aking sarili. Natatakot ako na baka bigla nalang sumabog ang puso ko.
Peke akong ngumiti sa harapan niya.
"Ibang-iba na ang mundong ginagalawan natin ngayon, Ethan. We're living in a modern world. Virginity isn't a big deal anymore, fifteen years old palang nga may boyfriend na at madali nalang para sa mga kabataan ngayon ang isuko ang kanilang sarili para sa pag-ibig. Isa pa, wala kang dapat ikatakot dahil wala kang kailangang panagutan sa'kin. Nasa tamang edad na ako at may sariling isip."
Nagsinungaling ako sa kanya at sa aking sarili. Virginity is too important for me before it happened, 'yon nalang ang natitirang bagay na pwede ko sanang maipagmalaki sa lalaking mapapangasawa ko. Ni minsan hindi ko ginustong lumampas sa limit ko dahil sa sobrang pag-iingat. I'm a nobody but I'm proud that I am a virgin.
Nawala lang ang prinsipyong iyon dahil sa sobrang sama ng loob ko at dala na din ng matinding kalasingan. Ginusto kong magrebelde sa mundo at pasayahin ang sarili ko.
Saksi ako kung paano kumunot ang noo ni Ethan. His jaw clenched as he closed his fist.
Galit ba siya?
Kanino? Sa'kin?
"Nakakahiya mang sabihin but I'm also a virgin. And I lost it last night." May hiyang namayani sa boses nito.
Nanlaki ang mata ko sa gulat. At his age? He's a straight man, right? Paano at para kanino?
Hindi kaya—he's preserving himself for someone? Kung ganon nga, ibig sabihin doble ang naging kasalanan ko? Gosh!
"I'm really sorry Ethan. Pasensya na talaga, patawarin mo ako." Napayuko ako dala ng matinding kahihiyan, muli na namang uminit ang paligid ng mga mata ko. Pakiramdam ko napakasama kong tao. "Ako lang dapat ang maghirap. I deserved to suffer pero nadamay pa kita sa kamalasan ko. Patawarin mo ako, hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa'yo."
Ang sakit isipin na kahit napakarami ko nang naranasang hindi maganda sa buhay ko ay hindi pa rin nauubos ang kamalasang taglay ko. Tulad ng mga luha ko, hindi din kinakapos ang mabigat na pasanin ko. Hindi ko alam kung ibig sabihin nito ay madami pa akong sakit at pighating mararanasan hanggang dumating ang araw na hindi ko na kayang lumaban pa.
"S-Sorry, Ethan." Pag-uulit ko.
Pinunasan ko ang aking mukha, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Titigil lang ba ang mga luhang ito kapag tumigil na din ang t***k ng puso ko?
"Huwag ka ng umiyak, hindi ka malas at wala kang kasalanan, Miss. You're a blessing for me, hindi mo dapat isipin ang mga bagay na 'yon, Sasha."
Maingat nitong hinawi ang mga buhok ko at yumuko sa aking harapan. Hahawakan sana nito ang aking mukha pero ako na mismo ang pumawi ng mga luha ko. Pinunasan ko ito gamit ang aking mga palad hanggang sa wala ng bakas ng luha dito. Nakakahiya mang isipin pero hindi ko na yata kayang magpahawak sa lalaking minsan kong pinangarap.
Itatago ko nalang ang lungkot at sasarilinin ang sakit na ito. Marahil, 'yon talaga ang nararapat kong gawin.
"Bakit ba napakabait mo sa'kin?" seryoso kong tanong kay Ethan.
He shrugged his shoulders. Bigla nalang itong umupo sa tabi ko.
"Dahil ipinanganak at pinalaki akong ganito? Siguro dahil noong pinagbubuntis ako ng mom ko ay mahilig itong magbasa ng mga fairy tales?" sagot niya habang nakangiti.
"Mapagbiro ka din pala. Ikaw? Prince charming?" tinuro ko siya saka ako napangiti.
Hindi ko napigilang huwag tumitig sa maamo nitong mukha, ang gwapo mo talaga Ethan. Kung alam mo lang, para ka talagang isang totoong prince charming.
Inalis ko kaagad ang kamay kong nakaduro dito dahil pawang katotohanan naman lahat ng sinabi niya. Isa nga naman siyang prince charming at ako naman ay umaasang mamuhay tulad ni Cinderella.
Bumuka na lamang ang mga labi ko sa pagkamangha nang bigla itong tumawa. Naningkit ang bilugan nitong mga mata na mas lalong nagpalitaw ng mga dimples niya.
Nakakainis naman dahil pwede ko lang siyang titigan ng ilang segundo, kailangan kong pigilan ang sarili ko at huwag ipahalatang humahanga ako dito.
"Can I ask you a favor, Sasha?" biglang tanong nito.
"Ano 'yon, Ethan?" sagot ko.
Minabuti kong tumingin nalang sa puting ceiling upang maiwasan na kiligin. Tulad ni Ethan, kahit semento ng bahay niya ay presentable pa rin talagang tingnan.
"Huwag mo sanang isipin na dahil nagbigay ako ng pera sa mga Salvador ay pagmamay-ari na kita. You're free to do everything you want now. Ginawa ko lang 'yon para sa ikabubuti mo. If you wouldn't mind, can you stay here for a month?"
"Ha?" gulat kong sambit.
Titira ako sa isang bahay kasama si Ethan?
Nakakatakot naman yatang isipin 'yon at isa pa, ayokong ipilit ang sarili ko dito. Mas lalong ayokong maawa siya sa'kin. He's too responsible to do this things for me.
"Maraming salamat sa kabaitang ipinapakita mo sa'kin, Ethan pero huwag ka ng mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko. Sabi ko nga sa'yo di'ba, wala kang obligasyon sa'kin. Please don't think that I am your responsibility. Nasasabi mo lang ang mga bagay na 'yan dahil naguguilty ka."
Ayoko ding masira ang imahe niya sa lugar na ito. He is a nurse and I'm just a mere housemaid. May kaya ang pamilya ni Ethan, ako naman isang babaeng kapos sa buhay at walang maipagmamalaking kahit ano sa mundo.
Sino bang matinong lalaki ang magkakagusto sa isang tulad ko? Hindi kami kasal, wala kaming rason para tumira sa iisang bubong.
"Stop lying to me, Sasha. Ayokong mamuhay kang mag-isa kung sakaling magbunga ang ginawa natin. Don't worry, I'll give you a job after one month. You graduated B.S. Nursing, you deserve a decent job."
Napakasincere ng pagkakasabi ni Ethan. Hindi ko alam kung paano nito nalaman ang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagkatao ko.
"You can stay in the guest room," he added.
Tama naman ang sinabi nito. I deserve a decent job, pero sa kalagayan ko ngayon kahit sa kanya ay wala akong mukhang maihaharap. Natatakot ako sa magiging epekto nito sa buhay niya at kung ano ang iisipin ng ibang tao kay Ethan.
"Sorry, Ethan. Hindi ko yata kayang gawin 'yan. Ayokong masira ang buhay mo dahil sa'kin. I can't stay here with you."
Walang halaga ang buhay ko kaya sinusubukan kong maghanap ng rason para mabuhay. At alam kong hindi ito 'yon, hindi ko ugaling i-take advantage ang isang sitwasyon.
"Kung sakaling may mangyari mang masama sa'kin, no one will care Ethan. Kung sakaling mamatay man ako, no one will claim my body. Walang iiyak at walang masasaktan kapag nawala ako. Kung sakaling mabuntis ako ng walang ama, people will only judge me. Habang ikaw, napakaganda at perpekto ng buhay mo para masira lang."
Sinubukan kong hawakan ang palad nito. Kahit ngayon lang, gusto kong mahawakan siya, hindi hawak na tulad nang nangyari sa'min noong gabing 'yon kun'di hawak ng isang kaibigan.
Nothing could change what Ethan means to me. He's still my prince charming, at ipagdarasal ko na sana sa tamang oras at sa tamang pagkakataon—mapasakin siya.
***
Bente...
Hindi, sobra pa ng bente.
Ang dami na palang nainom na alak ng lalaking ito simula noong pumasok ako ng walang paalam sa bahay niya. At hanggang ngayon pala isipan pa rin sa'kin kung ano ang totoong dahilan ng sama ng loob na nararamdaman ni Ethan.
Napabuntong hininga na lamang ako. Wala akong karapatan na tanungin ito kung kaya nagpatuloy nalang ako sa paglilinis.
Maliban sa mga basyo ng alak, napakalinis pa rin ng bahay ni Ethan. Kaya wala akong nagawa kung hindi maghanap ng iba pang pwede kong gawin. Mabuti nalang at 'di niya pa naaayos ang mga bote ng alak na nainom niya.
"Siguro dumating ka din sa buhay ko para maging anghel ko," aniya.
Nagulat ako sa biglang paglapit ni Ethan. Ngumiti lamang ito at may hinagis sa trash bag na hawak ko.
Heto na naman ang mabilis na kabog ng dibdib ko, ako angel? Imposible.
Kailan nga ba ang huling pagkakataong na may pumuri at natuwa sa'kin?
Hmmm. Siya lang naman, pero lasing pa.
"Siguro may pagkukulang din ako o baka naman hindi lang talaga ako ang itinadhana para sa kanila." Napalingon ako kay Ethan. Mahina lang ang pagkakasabi nito pero narinig ko.
Sa kanila? Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin, pero mukhang 'yon ang dahilan ng paglalasing niya.
Napalingon ako dito. Kailangan kong mag-isip ng paraan para mapawi ang kalungkutang nararamdaman ni Ethan.
"Anong paborito mong ulam Ethan?" tanong ko habang nakangiti. "Ilalagay ko lang 'to sa labas tapos magluluto na ako. Nakakagutom talaga kapag nagsesenti, alam mo ba 'yon?"
"Ako nagsesenti? Hindi noh!" May konting ngiting sumibol sa labi nito. Napangiti ko siya kahit konti, pakiramdam ko tuloy may na-achieve ako sa buhay ko.
"Hindi lang talaga ako sanay na may nagluluto para sa'kin. Don't worry, I can manage my emotions."
Hindi na ako umimik. Matigas ang ulo ko kaya hindi ako makikinig kahit pa sabihin niyang huwag akong magluto.
Dahan-dahan akong sumilip sa pintuan para tingnan kung may tao sa bakuran ng pamilya Salvador. Mabuti nalang at wala.
"Hali'kayo dito," pagtatawag ko.
Nakakaawa ding tingnan ang mga batang nasa labas ng compound. Kailangan nilang mangalakal araw-araw para may makain ang kanilang pamilya. Masipag ang mga ito, nangangarap na makapag-aral pero sadyang kapos sa buhay. Nakaka-awang tingnan ang mga damit na sout nila dagdag pa ang pudpud nitong mga tsinelas.
May galak nilang kinuha ang trash bag na ibinigay ko, nagpasalamat pa ang mga ito sa ibinigay kong bente pesos. Mabuti nalang at kahit papano nakakatulong din ako sa kanila. Tulad ko, wala na din silang choice kung hindi gawin ang trabaho ito. Pilit din silang lumalaban sa hirap at pagsubok ng buhay tulad ko.
Siguro dahil umaasa silang may magandang kinabukasang naghihintay para sa kanila. Kunsabagay, wala naman talagang imposible sa tulong ng Diyos. Ako nga, nagkamali ng paulit-ulit pero nabigyan pa rin ng pagkakataong mabuhay at bumawi.
Napangiti nalang ako sa aking sarili habang naglalakad pabalik sa loob ng bahay ni Ethan.
"Ate! Ate! Hintay!" natigilan ako sa paglalakad at mabilis na napalingon. Mabilis akong naglakad pabalik at kinuha ang inaabot nito sa'kin.
Gulat na napatingin ako sa diamond ring na ibinigay ng bata. Halatang genuine ito at mamahalin, hindi ito fake o gawa sa pwet ng baso.
"Hindi po yata ito kasama sa itatapon niyo, Ate. Baka natanggal po mula sa daliri ninyo habang naglilinis kayo." Nakangiti nitong sambit bago tumakbo palayo.
Ito ba ang tinapon ni Ethan kanina habang naglilinis ako? Isang engagement ring? Para kanino?