GF : 5

1323 Words
(Sasha's POV) Gustong gusto ko siyang yakapin ng mga oras na ito pero hindi ko alam kung papaano. I can't comfort him, dahil nasasaktan din ako ngayong nasasaktan si Ethan. Hindi ko naman alam kung anong puno't dulo ng lahat. Sino ang babaeng 'yon? Anak ba nila ni Ethan ang batang babaeng nakita namin kanina? San sila pupunta? Para ba sa kanya ang singsing na itinapon ni Ethan? Nilulunod ng mga tanong na walang kasagutan ang isipan ko. Kapwa lang naman kami estrangherong napilitang magsama dahil sa isang gabing pinagsaluhan namin. At heto, masyado ko nang niyayakap ang mga suliranin niya. Dalawang araw ang mabilis na lumipas. Dalawang araw na ding nakakulong si Ethan sa kwarto nito. Sinubukan kong libangin ang aking sarili sa pamamagitan ng mga gawaing bahay, linis dito, linis doon at manonood ng telebisyon kapag nakaramdam ako ng pagod. Kumakatok lang ako sa pintuan nito para pagdalhan siya ng pagkain at meryenda. Sinusubukan ko din namang kausapin siya pero... Wala siyang sagot. I respect that. I respect the truth that silence and isolation can help him heal. I just need to support him until the end. Isa din 'yon sa paraan ko para mapasalamatan siya sa kalayaang ibinigay nito sa'kin at syempre, hindi pa rin nawawala ang paghanga ko sa kanya. The man hiding behind that door is the same, gentle and sweet Ethan who gave butterflies on my stomach when we first met. He's the selfless person who tried to stop my tears using his bare hands. He's still that good looking and desirable prince who can make anyone's heart melt. Bilang isang taga-hanga, hindi ko alam kung dapat ko bang tawagin ang aking sarili bilang kaibigan nito. Siguro magkaibigan kaming dalawa dahil binigyan niya ako ng damit at masisilungan. Bilang kapalit, gusto ko siyang bumalik sa dati. At hindi ko alam kung magiging sapat ba ang isang buwang pamamalagi ko dito para maibalik ang nawalang saya sa puso nito. "Dalawang kilo po ang beef brisket, Ma'am. Mali po yata ang barcode at price tag na nailagay nila." May pag-aalalang sambit ng babae. Ngumiti lang ako dito. "Kukunin ko pa rin, Miss," sagot ko kaya ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng mga pinamili ko. Nakasanayan kasi ng cashier dito na budgeted lahat ng pinamimili ko para sa pamilya Salvador kung kaya gulat ito nang makitang marami akong pinamili ngayon kesa dati. Noon, dagdag stress pa sa trabaho nito ang mga pinababalik na items ni Madam, hindi naman dahil mali ang nakuha ko kung hindi bigla nalang nagbago ang isip nito. Wala naman kaming magawa dahil kaibigan nito ang may-ari ng convenient store. "Thank you," nakangiting sambit ko dito sabay kuha ng dalawang grocery bag. Ibinigay sa'kin ni Ethan ang perang ito para magamit ko sa panibagong buhay na nais kong tahakin pagkatapos ng usapan naming dalawa pero mas tama yatang sabihin ngayon na gagamitin ko ito para makapag-umpisa ng bagong buhay kasama siya. At uumpisahan ko ang buhay na 'yon sa pamamagitan ng pagluluto at pag-aalaga kay Ethan. Sobrang lamig na nga ng panahon dito sa Baguio, makulimlim na naman ang langit na para bang nagbabadya itong umulan. Hindi ko alam kung coincidence lang ang lahat pero parang nakikisabay kay Ethan ang lungkot ng mga ulap. Ilang araw na ding makulimlim ang langit saka biglang uulan. Sobrang kapal na nga ng jacket ko pero tagos pa rin sa buto ang lamig. "Belinda!" Natigilan ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa balikat ko. Belinda? Lilingunin ko sana siya pero mabilis itong gumalaw saka pumunta sa harapan ko. Sobrang tangkad niya, siguro kung susumahin ko ay nasa 5'9 ito. Almond brown ang kulay ng buhok at mga mata nito na maihahalintulad sa balat ng isang usa. Maputi at napaka-manly naman ng boses ng lalaki. Hindi din maitatangging gwapo at amoy mayaman ang isang ito, para siyang isang buhay na oppa o anime character. Sa tagal ko dito sa compound dapat makilala ko na agad kung sino siya dahil halos lahat naman dito nakakakilala na sa'kin. Pero ngayon ko lang talaga nakita ang lalaking ito, bakasyonista ba siya o bagong salta? "Sorry, my mistake. I thought you're someone I know. I shamelessly called you, Belinda." Napakalot ito sa kanyang ulo. Hindi siya nakangiti pero nangungusap ang mga mata niya sa'kin. "Yung buhok mo kasi, magkatulad na magkatulad kayo." Hindi ako umimik. Mas nauna ko pang kinapa ang buhok ko. Oo nga pala, nalimutan kong gawin itong large bun. "It's okay, nothing to worry." I smiled at him. Agad naman siyang lumakad palayo pero nakikita kong hindi niya inalis ang mga mata sa'kin. Para bang kinikilatis nito ang buong mukha at katawan ko. May mali ba? Binilisan ko na lamang ang paglalakad at iniwan ito sa kanyang kinatatayuan. Baka mamaya ano pang kababalaghan ang nangyari. Belinda din ang pangalawang pangalan ko, Sasha Belinda pero mukhang hindi naman ako ang hinahanap niya. Wala akong natatandaang tulad niya sa dati kong pagkatao, maging ang mukha niya ay hindi din pamilyar. "Do you happen to know a girl named Belinda?" nagulat ako nang nasa harapan ko na siya. Para siyang kabuteng sumulpot nalang bigla. Paano nangyari, eh, napakalayo na sa'kin ng lalaking 'yon? Basketball player ba siya? Track and field, runner? Bakit ang bilis niyang tumakbo? "Miss? Can't you understand me? Tss. Okay, I'll speak in Tagalog." Umigham ito at humugot ng malalim na hininga. Bakas ang konting iritasyon sa mukha nito, akala ata talaga nito hindi ako nakakaintindi ng English. "May kilala ka bang Belinda, Binibini?" tanong niya. Syet! Hindi pa rin ako sumagot. Kumunot ang noo nito. "Sayang naman ang ganda mo. Ikaw pa naman ang una kong nilapitan, nag baka sakali akong ikaw siya." Natigilan ako, napagkamalan niya nga talaga ako kaya niya ako nilapitan. Ganon ba kaganda ang babaeng sinasabi niyang Belinda o baka naman mambubudol lang ang lalaking ito? "Sorry, pero wala akong kilalang Belinda. Isa pa, I can understand you. May iba ka pa bang kailangan sa'kin?" Tinarayan ko na siya. Tatakbo na ba ako? Minabuti kong talikuran ito at mas bilisan ang lakad. Kailangang makalayo ako sa taong ito, wala akong tiwala sa kanya. "Dito ka rin ba sa compound nakatira? You look rich, where's your car?" may kulit ang pagkakasabi nito. Lumingon ako, nasa tabi ko na naman siya. Ang bilis niya, parang isang hakbang lang nito ang dalawang hakbang ko. Kabayo ba siya? Taong pinaglihi sa kabayo? Nakatingin na tuloy sa'kin ang mga tao. Siguro iniisip nilang nakikipaglandian na naman ako sa ibang lalaki. Nakakahiya naman baka kung anong sabihin nila. Baka mamaya kakilala nila si Ethan at madagdagan pa ang kontrobersiya dito. "Hindi ba si Axel Sebastian 'yon?" May excitement na sambit ng isang babae sa mga kasama nito sabay turo sa kinaroroonan namin. Napabuga ako ng marahas na hangin. Mukhang hindi pala sa'kin nakatingin ang mga tao kung hindi sa lalaking kanina pa sumusunod sa'kin. "Saan?" Kita ko ang tuwa sa mata ng isa pang babae na nakatayo sa waiting shed. Kiniliti pa nito sa tagiliran ang nagsalita kanina. Sumenyas naman ng tahimik sa'kin ang lalaking nasa harapan ko. Inayos nito ang hood ng suot niyang gray jacket kaya natatakpan na nito ngayon ang mukha niya. "Wala. Baka namamalikmata lang ako. Nababaliw na ba ang tawag dito? Inlove na ata ako sa kanya, kung saan-saan ko na siya nakikita," sabi nito bago napahagikgik. Mukhang nababaliw na nga siya. Tsk. "Sus! Sino ba namang hindi maiinlove sa kanya? Matangkad, gwapo, mayaman at talented. Hati pa nga tayo di'ba?" kinikilig namang sagot ng isa saka sila nagtawanang tatlo. I stared at him. Napabuntong-hininga ako at naniningkit ang mga matang tinitigan ito. "Who the hell are you?" pagtataray ko dito. Hindi niya ako sinagot. Bagkus, sinabayan niya na naman ako sa paglalakad na para bang magkasama kaming dalawa. Sinusubukan pa nitong agawin ang bitbit ng isang kamay ko. Tumigil ako sa paglalakad at muli itong nilingon. "Please huwag mo akong guluhin, magluluto pa ako. Hindi ako si Belinda."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD