Tahimik lamang siyang naglakad papuntang kusina nang makaramdam ito nang pagkauhaw dahil nasilayan niyang hindi man lang ginalaw ni Ethan ang pagkaing pinaghirapan nitong ihanda kanina. Hindi na niya alam kung anong gagawin para mapawi ang lungkot na nararamdaman nito at masilayang muli ang mala-anghel na ngiti ng binata.
Gusto niyang sabunutan ang sariling buhok dahil sa sobrang frustrasyong nararamdaman.
Mabuti nalang talaga at kahit papano napangiti siya ng nakakainis na lalaking 'yon. Kung hindi, baka pinagod na naman nito ang sarili sa paglilinis upang malabanan ang nakakabinging katahimikan na bumabalot sa bahay ni Ethan.
Hindi niya inaasahang ang pagtira sa tahanan ng binata ay magiging daan din upang maging parte siya nang malungkot nitong mundo.
Nagagawa nga niyang malasap ang kalayaang hindi nito naranasan sa pamilya Salvador pero napalitan naman ito nang kalungkutan.
Pagkatapos nitong uminom ng tubig ay nahiga na siya sa kama. Malalim ang mga matang tumitig ito sa puting kisame at inalala kung paano sila nagkakilala ni Ethan.
Hindi niya pa rin mapigilang huwag mapangiti sa tuwing naaalala niya ang sweetness at kabaitan nito. Dagdag pa doon ang maamong mukha at magandang ugali ng binata na siya namang napatibok ng mabilis sa puso niya.
Huminga siya nang malalim at niyakap na lamang ang unan na nasa kanyang tabi. Sinubukan nitong ipikit ang mga mata para maibsan ang pagod sa buong araw hanggang hindi na nito nalamayang nakatulog na pala siya.
Tanging laman na lamang ng isipan ni Sasha hanggang nakatulog ito ay kung paano maiibsan ang kalungkutang nararamdaman ni Ethan.
Kumawala na lamang ang isang singhap mula sa mga labi ni Sasha nang maramdaman nitong may mabigat na nakatanday sa kanyang katawan.
Impossibleng ito ang unan na yakap-yakap niya kanina dahil ramdam nito ang init na nagmumula sa kung anomang bagay na nakayapos sa kanya.
Yumuko na lamang ito at nakita ang buhok ng lalaking nakahiga sa kanyang tabi. Wala naman itong ginagawang masama sa kanya tahimik lang itong nakayakap na para bang isang batang lalaking nakitulog sa tabi ng kanyang ina.
"Sorry, Sasha. Pumasok ako ng walang paalam," ani Ethan saka inilapit ang mukha sa kanyang balikat.
Napailing na lamang ito nang makita ang namumugtong mga mata ng binata, kasalanan niya naman kung bakit nakapasok ito. Nagpadala siya sa matinding kalutangan kaya nakalimutan nitong ilock ang pinto. Dalawa lang naman sila ni Ethan sa pamamahay na ito at inakala niyang walang balak na lumabas ang binata dahil ilang araw na rin naman itong nagkukulong sa kwarto.
Nahigit na lamang niya ang hininga nang maramdamang dumampi ang luha nito sa kanyang balat.
"Who is she, Ethan? Sino ang babaeng 'yon sa buhay mo?" Pabulong nitong tanong habang hinahaplos ang malambot na buhok ng binata.
Maliban sa luhang nagmumula kay Ethan, nakikiliti din ito sa tumutubong bigote ng binata. Hindi niya napigilan huwag mag alala dito. Mukhang napabayaan din ni Ethan ang kanyang sarili dahil mas nakatuon ang atensyon nito na mapabilis ang pagkawala ng sakit na naramdaman.
"Pwede kang magkwento sa'kin, mapagkakatiwalaan mo ako. Pangako," anito at marahang ipinikit ang kanyang mga mata.
Pakiramdam ni Sasha, nagkaroon siya ng nakababatang kapatid na nangangailangan nang kalinga at pagmamahal sa katauhan ni Ethan.
Maliban doon, pakiramdam nito ay muling nagkaroon ng isang taong nangangailangan sa kanya.
"Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko, Sasha. Minahal ko si Athena, higit pa sa aking sarili. Handa akong ibigay dito ang lahat basta makita ko lang siyang masaya sa piling ng anak namin."
Huminga nang malalim si Sasha nang makaramdaman ito nang paninikip sa kanyang dibdib dahil sa narinig.
Totoo ngang anak ni Ethan ang batang babaeng nakita nila nitong nakaraan, pamilyadong tao na pala ang lalaking hinahangaan niya. Ang masakit doon, may mahal ng iba ang lalaking inalayan nito ng kanyang sarili. Ang saklap naman!
Dinig niya ang mahinang mga hikbi mula kay Ethan, ramdam din nito ang walang tigil na pagluha ng binata.
"Minahal ko si Xelena...sobrang minahal ko ang bata. Sa puso't isipan ko tunay kong anak ang batang 'yon, Sasha. Nasabi ko pa sa sarili ko noong handa akong tumayong ama para dito at handa akong iparamdam sa kanya ang pagmamahal na hindi nito natanggap mula sa tunay na ama."
Napailing-iling na lamang si Sasha. Deep inside her natuwa ito nang malamang hindi naman pala anak ni Ethan ang bata. Hindi siya pamilyadong lalaki, totoo ngang engagement ring lang ang singsing na naitago niya.
Alam nitong hindi siya sanay na tumayong sandalan para sa ibang tao. Pagkatapos nang nangyari sa buhay nito, nabawasan na ang kakayahan niyang i-comfort at intindihin ang ibang tao.
"Nangarap lang pala ako nang gising, Sasha. Akala ko kakayanin kong mawala sila at matitiis kong mabuhay muli ng mag-isa para lamang maging masaya sila, lalo na si Athena sa piling ni Xeno," bumuntong-hininga ito. "Pero ang hirap palang magpakamartyr. Masakit palang tumanggap nang pagkatalo lalo na kung ginawa mo naman ang lahat para lamang mahalin ang mga taong 'yon."
Hinanap na lamang nito ang kamay ni Ethan saka pinagsiklop ang kamay nilang dalawa.
"Ang mahalaga natutunan mong magmahal, Ethan. Ginawa mo naman ang lahat para mapasaya sila, di'ba?" tanong ni Sasha.
Hindi ito sumagot. She suddenly felt Ethan burying his face on her chest.
"Nagmahal ka na rin ba, Sasha?" bigla nitong tanong.
Alam niyang sa tanong na 'yon ay naghahanap ito nang makakaramay. Isa taong nakaramdam ng sakit na tulad nang nadarama niya ngayon.
Sasha sighed. "Nagmahal na ako at nasaktan, Ethan."
Agad nitong naramdaman ang mainit na hininga ni Ethan sa kanyang dibdib.
Muli itong nagtanong sa dalaga. "How did you end up here?"
Bumuntong-hininga si Sasha. Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ng binata, alam niyang kapag ikwinento niya ang lahat dito ay baka makaramdam lamang ito ng awa sa kanya.
"Sasha?" inagaw ni Ethan ang kanyang pansin.
Malamlam ang mga matang tinitigan niya ito. "Namatay ang mga magulang ko at nawala ang lahat sa'kin, Ethan. Iniwan ako ng lalaking nangako ng pagmamahal sa'kin dahil nakahanap ito ng isang mayamang babaeng maari niyang ipagmalaki sa kanyang mga magulang. Tinalikuran ako ng lahat noong nawala ang kayamanan ng pamilya namin, pakiramdam ko ng mga oras na 'yon pinabayaan na ako ng tadhana pero hindi pala..." She tried to make it as brief as possible.
Sapat na para ditong maintindihan ni Ethan ang lahat nang nangyari sa kanya, kung maari ayaw na nitong umiyak sa tuwing naalala ang mga nangyari noon. She's trying to move forward, kahit mahirap.
Napakagat-labi lamang ito nang inangat ni Ethan ang paningin sa kanya.
"At sa Baguio ka napunta?" He looked at her in the eyes.
Napangiti lamang si Sasha. "Yes, nagpakalayo ako at ito ang lugar na napili ko. Walang mahalagang rason, dito lang ako napadpad habang sakay ako ng bus."
Huminga siya ng malalim, hindi niya maiwasang huwag mamula ngayong ilang pulgada lamang ang layo ng mukha ni Ethan sa kanya.
"Sorry," sambit ni Ethan nang mapansin nitong naalibadbaran ang dalaga.
Hindi niya nagawang isipin ang mararamdaman nito kanina. Bigla nalang pumasok sa isip niya si Sasha kaya pinuntahan niya ang kwarto nito. Sisilipin lang sana nito ang mukha nang dalaga pero bigla siya nitong hinila papuntang kama. Kusa namang gumalaw ang katawan niya na para bang nadarang siya at niyakap nalang ang malambot nitong katawan.
Masuyo siyang ngumiti dito.
"Are you trying to find yourself?" tanong niya para kay Sasha.
Umiling ang dalaga at napaupo sa kinahihigaan. Kinuha nito ang kumot upang takpan ang kanyang katawan. Samantala, naupo naman si Ethan sa kanyang tabi. Hindi tulad kanina, sinadya na nitong dumistansya ng kalahating metro mula sa dalaga.
Nanatili ang ngiti sa mga labi ni Sasha kahit pa medyo nakaramdam siya ng lungkot.
"Sinubukan kong ayusin ang buhay ko at kalimutan ang mga nangyari noon, Ethan...pero sobrang hirap pala. Nawalan ako ng lakas ng loob na harapin ang dati kong pagkatao kaya minabuti kong mabuhay nalang bilang isang simpleng dalaga. Ninais kong kalimutan ang dati kong pagkatao noong sa Maynila pa ako at marangya pa ang buhay na tinatamasa ko kasama ang aking mga magulang. Parang fairytale ang buhay ko, di'ba? Wala nga lang akong stepmother at mga stepsisters."
Nakita nito kung gaano kalalim ang mga titig sa kanya ng binata. Mukhang pinakinggan nitong mabuti ang kwento niya.
"Ikaw? Anong balak mong gawin ngayon? Magkukulong ka pa rim ba sa kwarto mo?" ani Sasha.
Bumuntong-hininga si Ethan saka napangiti na lamang dito.
"I don't know what to do with myself either. Mahirap mag-adjust at lalong mahirap kalimutan ang mga taong naging malaking parte ng buhay natin," malungkot nitong sambit.
May pangangambang tumingin si Sasha rito. Huwag naman sanang matulad si Ethan sa kanya. Sayang ang mga naipundar nito at ang maganda niyang trabaho. Maraming maghihinayang at iiyak na pasyente kung sakaling mawala ito sa ospital. Baka ipahanap pa nila ang gwapo at mabait na nurse na nag-aalaga sa kanila.
"Mabuti nalang at nakilala kita dahil kung hindi, wala akong ibang mapagsasabihan ng mga problema ko. I can't tell my mom about what happened dahil alam kong napalapit na rin ito sa mag-ina. She accepted them as a part of our family. I don't want to hurt her, Sasha." Dagdag pa nito.
Kumunot ang noo ni Sasha saka mas itinutok ang mga mata sa binata.
"Kaya ba mas pinili mong solohin ang sakit na naramdaman mo ngayon?"