Tumango ito bilang tugon sa sinabi ni Sasha. Wala na siyang idinagdag pa, ginusto na lamang nitong magkapatotoo kay Sasha.
Kaagad silang binalot nang matinding katahimikan, walang nagsasalita. Parehong malalim ang iniisip dahil napagtanto ng mga itong parehas silang dalawa nang pinagdadaanan.
Minabuti nalang ni Ethan na siya ang bumasag sa katahimikang 'yon.
"Am I a bad person for doing that?" tanong nito sa malamig na boses.
Hinarap lamang ito ni Sasha bago umiling. "Hindi ka masamang tao, ginawa mo lang 'yon para maprotektahan ang damdamin ng mama mo. Sino bang anak ang gustong masaktan ang kanilang mga magulang? As much as possible, we strive and work hard to make them happy. Minsan nahihirapan tayo pero nawawala ang hirap na 'yon sa tuwing naaalala natin ang mga ngiti at papuri nila." She draw a deep breath. "Nagawa ko rin ang bagay na 'yon sa mga magulang ko noon, Ethan. Kaya naiintindihan kita."
Humugot ito ng malalim na hininga at pinakatitigan ang mga mata ng dalaga.
"Pasensya na kung minsan kong pinagsisihan ang nangyari sa'ting dalawa, Sasha."
Napatikhim ito. Hindi niya inaasahang mula sa topic nila ay mapupunta si Ethan sa naganap na one night stand sa pagitan nilang dalawa.
"It's okay, Ethan. We're drunk, pareho tayong natangay ng ating kapusukan. Normal lang na pagsisihan natin ang nangyari sa'tin," ani ni Sasha habang hindi inaalis ang mga mata sa binata.
Ngumiti lamang sa kanya si Ethan at hinawakan ang kamay nito.
"That's my biggest mistake, Sasha. Hindi ko dapat pagsisihan ang gabing 'yon dahil kung hindi kita nakilala baka nabaliw na ako ngayon. You look like a goddess, Sasha but your heart is more angelic than your face. Thanks for saving me, muntik na akong mabaliw kung wala ka."
Kumunot ang noo ng dalaga. Hindi nito naiwasang huwag samaan nang tingin si Ethan. Heto na naman ang pagiging strikto niya. Imbes na kiligin, hindi nito maintindihan kung bakit nainis siya sa binata.
"Mababaliw ka talaga sa kwarto mo dahil hindi ka kumakain! Minsan mo na lang nga kinain ang inilagay ko sa harapan ng pintuan mo, ang dami pang tira at kadalasan dinededma mo talaga. As in napapanis nalang, Ethan! Kahit karne ng baka na sobrang mahal ng kilo, sinayang mo lang! I don't like what you did, alam mo ba 'yon? Nagsayang ka ng biyaya!" tinarayan niya ito.
Confusion filled Ethan's eyes. Hindi naman nito inutusan ang dalagang asikasuhin siya. Akala nga nito, iiwan na siya ni Sasha at kakalimutan nalang nito ang pabor na hiniling niya.
Isa pa, wala naman siyang ibinigay na pera dito para sa pang araw-araw nila sa bahay, kasama na rin dito ang budget para sa pagkaing hinahanda nito para sa kanya. Hindi kaya?
"Ginamit mo ba ang perang ibinigay ko sa'yo for groceries and house needs?" tanong ni Ethan.
Tumango lamang ang dalaga at inis na inilagay ang dalawang kamay sa harapan ng dibdib nito.
"Hindi ba sinabi kong itago mo 'yon? I want you to keep that money to secure your future after staying with me here. Sinabi ko pa sa'yong magbukas ka ng sarili mong bank account," madiin ang bawat salitang nagmumula sa bibig ni Ethan.
Hindi lang dahil nakokonsensya siya sa nangyari sa kanila ng dalaga, nais talaga niyang matulungan itong bumangon at para hindi na ulit ito mamasukan pa sa ibang tao.
Napataas ang kilay ni Sasha dito. "Alangan naman hayaan kitang mamatay sa gutom. Hindi ko din naman kayang makitang maging parang kulungan ng baboy ang malinis at magandang mong bahay. Hindi ako pabayang tao, Ethan. Kaya nga ginusto kong mamasukan dahil magaling ako sa mga gawaing bahay." Pagmamalaki nito sa binata.
"I want you to have a new and better life, Sasha. Wala akong pakialam kung magaling kang maglinis or what. You can hide that talent from me."
Kinabahan si Sasha nang makitang naging seryoso ang mga mata ng binata. May halo nang inis ang boses nito.
Iniwas na lamang nito ang paningin. Sinadya niyang humarap sa kabilang sulok ng silid.
"Hindi mo lang alam, Ethan. I'm starting a new and better life with you," mahinang sambit ni Sasha.
Pero hindi nito inaasahang maririnig pa rin ng binata ang mahina niyang bulong. Bigla nalang siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat at pinaharap.
"Let's do it, Sasha. Start a new, better and happy life with me."
Bigla nalang nawala ang galit niya nang masilayan ang mapupungay na mga mata ng binata, katulad ito ng mga matang nakita niya noong una silang nagkita.
"I told you to stay here for a month, right? Nasayang na ang anim na araw dahil sa kagaguhan ko. Gusto mo bang sumama sa'kin sa ospital, Sasha? Magfifile lang ako ng sick leave pagkatapos kakain tayo sa labas. My treat!" malambing na sambit ni Ethan.
Napabuga na lamang ng malalim na hininga si Sasha. May kakayahan talaga ang mga ngiti nitong palambutin ang puso niya.
Sino nga bang hopeless romantic ang tatanggi sa alok ng isang gwapong binata tulad ni Ethan? Isa pa, ito ang unang date niya pagkatapos siyang saktan ng ex-boyfriend ilang taon na ang nakararaan.
"Ethan—" she muttered.
Pinagmasdan nito kung napipilitan lang ba ang binata pero dalisay at totoo ang intensyon nito.
"Don't worry, dalawang taon kong hindi nagamit ang mga leave ko dahil pinagsabay ko ang personal na buhay at nagpakasubsob ako sa trabaho. You want me to relax and be happy, right?" Ethan said while smiling widely.
Napabuntong-hininga si Sasha.
Handa na ba siyang pumasok sa lugar na nagdala ng matinding trauma sa kanyang puso?
Magagawa kaya nitong lampasan ang takot na naging dahilan kung bakit tinalikuran nito ang pagiging nurse at minabuting magkaroon ng simpleng buhay?
Huminga siya ng malalim nang maramdaman ang panginginig ng kanyang mga kamay.
Muling bumalik sa isipan ni Sasha ang imahe noong nakitang nakahiga sa stretcher ang mama niya.
Duguan ito, puno ng sugat ang pang-itaas na katawan dahil sa malakas na impact ng aksidente habang wala namang tigil ang dugo mula sa paa nitong naipit sa ilalim ng sasakyan.
Nagawang marescue kaagad ang kanyang mga magulang ngunit dead on arrival na ang kanyang papa. Sinubukan niya itong i-revive ng paulit-ulit habang umiiyak at umaasa siyang maibabalik pa ito ngunit wala na talaga.
Nanghihina nitong niyakap ang bangkay ng kanyang ama habang dinadala ito sa morgue. Panay ang tawag ni Sasha sa pangalan nito kahit tinatakpan na ng kumot ang katawan ng ginoo.
Hindi tumigil ang luha ni Sasha, sobrang sakit para siyang pinapatay sa sobrang sakit na makitang hindi na humihinga ang magulang.
Hanggang sa narinig na lamang nito ang anunsyo. Tinatawag ang kanyang pangalan at pinapapunta ang dalaga sa operating room.
Kahit sobrang bigat na ng katawan ay pinilit pa rin nitong tumakbo papunta sa operating room.
Tuluyan ng nadurog ang puso ni Sasha nang kasabay nang pagbukas niya ng pintuan ang huling hininga ng kanyang mama. Segundo lamang ang pagitan bago tuluyang umingay ang aparatus na nasa gilid nito.
Hindi napigilan ni Sasha ang kanyang mga luha. Tuluyan na nitong nakalimutang nasa loob siya ng operating room. Wala na itong pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Napaluhod na lamang ito habang humahagulgol at sumisigaw dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.
Hindi nito kayang lapitan ang mama niya, hindi yata kakayanin ng puso niya. Hindi niya matatanggap ang sinapit nito.
Mas lalo lamang siyang nahibang nang makita ang duguan niyang uniporme. Nawala ang pagiging puti nito at nabalot na lamang ng dugo ng mga magulang ang damit ni Sasha.
She cried herself out. Halos mabaliw ito at napahilamos nalang sa kanyang mukha kasabay nang malakas nitong hagulgol.
Sobrang sakit...sobrang sakit na umabot siya sa puntong hiniling nito sa Diyos na sana napabilang nalang siya sa aksidente.
Sana namatay nalang siya kasama ng kanyang mga magulang. Sana hindi nalang siya naging nurse dahil wala din naman itong nagawa kun'di pagmasdan ang bangkay ng magulang imbes na mailigtas ang buhay nito.
Huli na nang malaman ni Sashang ang mga magulang niya ang naturang mga pasyente sa malagim na car accident na sinabi ng kanilang head nurse.
Iyon lamang ang unang gabi na hindi siya umuwi sa kanila dahil pumayag ito sa straight duty na inalok ng kanilang supervisor.
Nang mga panahong 'yon ay nangangarap kasi ang dalagang makakuha ng promotion at slot upang makasama nito sa operasyon ang doktor na nobyo.
Nasilaw ito at nagawa niyang ipagpalit ang huling pagkakataong makasama ang mga magulang sa kanyang propesyon at lalaking pasakit lang ang ibinigay sa kanya.
"Sasha? Why are you crying?"
Bumalik ito sa kasalukuyan nang maramdaman ang kamay ni Ethan sa kanyang pisngi.
Sinusubukan ng binata na punasan ang mga luha niya at pakalmahin ang panginginig ng kanyang mga kamay. Nakaramdam siya ng takot, parang bumalik ulit ang sakit na naramdaman niya noon sa ospital.
Hinawi nalang nito ang kamay ng binara at sinubukang punasan ang sariling luha pero pinipigilan siya ng panginginig at panlalamig ng kanyang mga palad.
Nanghihina na lamang nitong hinarap si Ethan habang patuloy pa rin ang pagluha ng kanyang mga mata. She can't help it, bumalik na naman ang pinakamasakit na punto ng buhay niya.
"Sorry, Ethan. Hindi ko kayang pumasok sa ospital. Pwede bang sunduin mo nalang ako dito?"