Ang bawat karanasan maliit man o malaki ay mahalaga. Tumutulong ito upang mahubog tayong maging isang taong may pananaw at paninindigan sa buhay.
Unti-unting ginising si Sasha ng liwanag mula sa isang bukas na bintana. Kahit may nakatakip ditong kulay asul na kurtina ay sumisilip pa rin ang liwanag mula sa labas.
'Hindi pwedeng mangyari ito!' sambit niya sa sarili. Ilang beses pa nitong iminulat-pikit ang kanyang mga mata, pinakiramdaman ang konting hilo at sakit ng ulo. Alam niyang dahil ito sa nainom niyang alak kagabi at kagagahang ginawa sa bar na 'yon.
Napalinga-linga si Sasha, pilit inaalala kung paano siya napunta sa kwartong ito at kung bakit pakiramdam niya ay sobrang lamig ng paligid. Hindi lang pala ang paligid kun'di pati katawan niya ay nilalamig din.
Hindi siya pamilyar sa kwartong iyon, pero nakakagaan ng pakiramdam ang mabango at mamahaling kumot na nakabalot sa kanyang katawan. Imposibleng bumalik siya sa pinapasukan at nakatulog sa kwarto ng amo. Basta ang natatandaan lang nito ay nakainom siya kagabi, nagpakasaya at sumama sa---
Napailing si Sasha.
Sumama siya sa isang lalaki at isinuko niya ang bataan dito.
Binaling nito ang paningin sa kanyang kanan nang maramdamang may biglang yumakap sa kanya.
'Ang tanga mo talaga, beh!' Isip ni Sasha sabay sapok sa kanyang sarili.
Sumama siya kagabi sa lalaking nakahubad at nakayakap sa kanya ngayon. Mahimbing itong natutulog at padapang nakayapos sa kanya.
'Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, kaninong hinayupak kaya ako sumama?' tanong niya sa sarili.
Ilang beses na sinubukang silipin ni Sasha pero hindi niya magawang makita ang mukha nito.
'Anak ng tokneneng naman! Sino sa mga nilapitan ko kagabi ang sinamahan ko?' Nalilitong tanong niya.
Hindi niya lubos maisip ang nangyari, lalo na ang naging kapusukan nilang dalawa. She can still feel the sore on her lower part. Para siyang pinasukan ng lata ng regular na sardinas at inangkin ng napakahabang sandata nito.
Konti lang ang mga bumabalik sa kanyang ala-ala, hindi niya matandaan kung paano sila nag-umpisa at kung paano siya nakarating sa kama nito. Isa lamang ang alam ni Sasha, isinuko niya ang sarili sa lalaki. Isinuko niya ang lahat dahil sa kalasingan at kagagahan niya.
Muling naglakbay ang mga mata ni Sasha. Sa ganda ng kwarto ay hindi mo aakalaing lalaki ang may-ari, mula furnitures and fixtures hanggang sa mga kurtina nito. Ang neat tingnan, siguro bata palang ang lalaking ito ay nakakatanggap na siya ng award bilang Most Neat and Clean.
Napabuntong-hininga na lamang si Sasha nang masilayan niya ang mga picture frames sa cabinet na nasa bandang kanan nila. Namangha siya sa mga pictures nito, iba't iba ang mga kuha pero kahit malayo maaninag pa rin ang kagwapuhan ng lalaki.
Kahit pala lasing siya, marunong pa rin itong pumili ng gwapo, may tuwa nitong wika sa sarili. Tahimik na napahagikgik si Sasha, gusto sana nitong tumayo para makita ng malapitan ang mga pictures nang bumalik sa isipan niya ang pakay kanina.
Muli nitong sinilip ang lalaki.
Namilog ang mga mata niya sa nakita.
Napatakip siya ng bibig.
Imposible!
"Hmm...Morning." Nagulat siya nang binati ito ng lalaki.
Nakangiti pa ito sa kanya hanggang 'di nagtagal ay napalitan din ng gulat ang mukha nito. Kumalas ito mula sa pagkakayakap kay Sasha.
Pareho silang hubo't hubad na napaupo sa magkabilang dulo ng iisang kama, pero 'di nagtagal ay inabot din ng lalaki ang kumot sa 'di makapaniwalang dalaga. Tulala nitong tinakpan ang nakikitang maselang parte ng kanyang katawan. Pareho pa rin silang hindi makapaniwala sa nangyari. Ngayon ay nakatakip na sa katawan ni Sasha ang kumot habang unan naman ang ginamit ng lalaki.
"I'm so sorry for what happened, Miss. Hindi ko sinasadya. I promise, I'll take responsibility for everything," napasabunot sa sariling buhok ang lalaki. Nakaramdam siya ng matinding disappoinment sa kanyang nagawa pero huli na para pagsisihan pa ito.
"Ethan..." mahinang sambit ni Sasha habang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kumot.
Tumatagos sa kaibuturan ng puso niya ang labis na pagsisisi sa nangyari.
Bakit sa dinami-dami ng lalaking makakasama, si Ethan pa?
At bakit hindi nga ba si Ethan? Ano bang masama kung si Ethan? Hindi ba dapat ay matuwa pa siya? Pero bakit nananakit sa sobrang paninikip ang dibdib niya?
Naaawa siya habang pinapanood na nagbibihis ang lalaki sa kanyang harapan. Hindi makatingin ng deretso sa kanya si Ethan, pero namumula pa rin ang mga pisngi nito.
Alam niyang mali ang ginawa nila, hindi dapat ito nangyari pero...there's a part of her that's happy.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero nakaramdam siya ng sobrang tuwa nang malaman na kay Ethan nito naibigay ang pinaka-iingatan niya.
He deserves it.
He's too deserving.
Kahit pa dala lang ng kalasingan at hindi pagmamahal ang pinagmulan ng nangyari.
Pero parang winasak ang puso niya nang marinig ang mahinang hikbi mula dito.
Naglaho ang tuwang naramdaman niya ng may hagulgol na kumawala mula sa labi ng binata.
Umiiyak si Ethan.
Pinagsisisihan nito ang nangyari.
"I'm really sorry Ethan. Sorry..." naluluha niyang sabi dito.
Tumayo si Sasha mula sa kinauupuan at paika-ikang naglakad palapit kay Ethan. Hindi matiis ng puso niyang makita itong umiiyak. Wala na siyang pakialam sa sakit...ang mahalaga ay masabi niyang hindi nila sinasadya na mangyari ang lahat. Hindi dapat alalahanin ng binata dahil wala itong responsibilidad sa nangyari.
She gasped as she tried to approach him.
Tumayo bigla si Ethan. Akala niya'y lalayuan siya ng binata pero binigyan siya nito ng isang matamis na halik sa noo. She felt another gentle kiss from her prince charming. Uminit ang magkabilang pisngi ni Sasha nang magsink-in sa utak niya ang respetong ipinakita ni Ethan.
"I'm so sorry, Miss. Please stay here and I'll call my friend. Hindi muna ako papasok sa trabaho dahil marami tayong dapat pag-usapan."
Ngumiti ang binata sa kanya, hindi ito nagalit o kahit binulyawan siya dala ng matinding disappoinment. Balisa lang itong naglakad para hanapin ang cellphone at tinawagan ang kanyang kaibigan. Sabihin mang hindi ito galit ay hindi pa rin sapat para mabawasan ang guilt na nararamdaman ni Sasha. Napayuko na lamang ito at hinanap ang kanyang mga gamit.
Bihis na silang dalawa nang muling magkaharap. Ngayon, nasa sala na silang dalawa at magkaharap na nakaupo sa isang long glass table. Nangingilid man ang mga luha pero sinubukan nitong ngumiti sa kaharap. Naramdaman pa rin ni Sasha ang pagiging gentleman ni Ethan ng inabutan siya nito kanina ng isang bunch ng wheat bread at isang baso ng fresh milk.
"Let's eat, Miss." Nakangiting sabi nito.
Hindi kumilos si Sasha, sa halip ay muli siyang humingi ng tawad dito at sinabing babalik na siya sa pinapasukan.
Hindi man iyon ang plano niya pero wala na siyang magagawa. Hindi niya matandaan kung nasaan na ang mga gamit niya.
Paano pa siya luluwas ng Maynila? Paano pa nito magagawa ang plano kung ngayon palang ay punong puno na ng guilt ang puso niya?
Akmang tatayo na sana siya nang hinawakan ni Ethan ang kanyang kamay. Pinigilan nito ang binabalak niya.
"Sigurado ka bang babalik ka pa sa pamilya Salvador? Pagkatapos ng lahat ng nangyari, kaya mo pa bang magtiis?" ani Ethan.
Hindi nito matandaan kung anong mga naikwento niya kagabi sa lalaki habang lasing siya.
Kinailangan niya ng makakapitan at si Ethan ang naging sandalan niya ng mga oras na 'yon. Alam niyang naiintindihan ni Ethan ng kalagayan niya at 'di lang ito dahil sa nangyari kagabi, maraming rason kung bakit nagkaunawaan silang dalawa.
Pero alam niyang mali ang nangyari at dahil doon, kailangan niyang parusahan ang sarili.
"Kailangan ko po ng trabaho, hindi ko pwedeng iwan ang pamilya Salvador." Pagsisinungaling niya.
Inagaw niya ang kamay mula kay Ethan pero hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kanya. Namula si Sasha ng hindi inaasahan, kinikilig na naiinis siya sa sarili.
Bakit ba siya pinaglalaruan ng tadhana? Gusto ba talaga nitong mabaliw siya? Bakit kay Ethan pa?
[An excerpt from Taming Mr. Right - Athena Sandoval's POV]
Hindi ko naman inaasahang dadalaw si Ethan ng walang pasabi. Nabigla ako pero mas ikinagulat ko ang ayos nito, parang walang tulog at haggard na haggard si Ethan.
"You look upset," pambungad na sabi ko sa kanya habang inaabutan ito ng isang basong tubig.
Gulo-gulo ang buhok nito at nangingitim ang palibot ng mga mata. Hinihingal pa siya na para bang pagod na pagod ito sa pagtakbo kahit may dala naman itong kotse.
Bigla tuloy akong nag-alala kung may nangyari bang masama dito. Don't tell me sumubok si Ethan ng bawal na gamot?
"I just committed the biggest mistake of my life, Athena. I'm so sorry," mahina at naluluha nitong sambit.
Sabi ko na nga ba.
Nakayuko ito habang nagsasalita. Hindi magawang tumitig ni Ethan sa mga mata ko. Totoo ngang nagkasala ang lalaking ito.
"Wala na akong mukhang maihaharap sa'yo, Athena. Natatakot tuloy ako sa pwedeng mangyari. Hindi ko ginusto ang lahat...hinding-hindi. It was that stupid alcohol's fault," nahinto ang hinala ko. Mukhang ang isa pang iniisip kong maari niyang nagawa ang tumama. May idea na ako sa nangyari. Hay nako, Ethan!
"Ano ba 'yon? Tell me, Ethan, what's wrong? Ano bang nangyari sa'yo kagabi?" Gusto kong marinig mismo mula sa kanya ang nangyari.
Umiling-iling ito. Hindi pa rin mai-angat ang mukha para titigan ako.
"I just...I just...Shit!" malakas na napasuntok si Ethan sa mesa.
"Ethan? Sabihin mo na kasi sa'kin...like you, I just hurt the father of my child a while ago kaya iniwan niya kami nang anak ko dito. Natatakot din ako na baka tuluyan na siyang sumuko. We are sharing the same fate, so please tell me?"
He really looks frustrated.
"Nagising nalang ako, Athena. I'm in my room and I'm with someone...we're both naked. Yakap yakap ko pa siya. Hindi ko na matandaan ang lahat ng nangyari basta ang alam ko lang, I was drunk and she's drunk too... we're both insanely drunk and we did it."
"Anong ginawa mo? Kilala mo ba siya?" I stared at him, worried.
Napayakap nalang ako dito pero mabilis din itong kumalas mula sa'kin.
"Hindi namin gaanong kilala ang isa't isa. Basta pag-alis niya, I changed my comforter dahil sa blood stain na nakita ko. Parang sasabog ang utak ko sa stress, Athena! I just took someone's virginity!" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
Ibig sabihin, pareho silang dalawa ni Ethan. Gosh!
"Someone just took your virginity too, Ethan." Hindi inaasahang napangiti ako sa kanya. Imbes na maawa ay parang natuwa pa ako sa nangyari.
Ewan ko ba. May konting selos at paghihinayang akong naramdaman pero kaya ko naman itong pigilan. Alam ko kasing darating din ang araw na makakahanap si Ethan ng babaeng mamahalin niya maliban sa'kin.
Sabi nga nila, kung talagang mahalaga sa'yo ang isang tao kelangan mong maging masaya para dito. You need to set that person free, for him to find his own happiness. At ganun ang ginawa ko kay Ethan, hiniling kong mahulog ang puso nito sa isang babaeng handa siyang alagaan at pahalagahan. Hiniling ko na sana makilala nito ang babaeng kayang suklian ang kabutihan ng puso nito. I know, I need to share his heart to someone who can love him unconditionally.
I'm not selfish to hold him that long. Kailangan kong tanggapin na kailangan din nitong lumigaya sa piling ng iba.
Nakasimangot sa'kin si Ethan, at habang tumatagal ay mas lalong kumukunot ang noo nito.
"Are you happy with what happened, Athena?" naiinis na tanong nito sa'kin.
Nagkibit-balikat ako bilang sagot. Naiisip ko din kasi ang consequence na maaring kaharapin ni Ethan. Pwedeng mabuntis niya ang babaeng 'yon at ayoko namang mahirapan si Ethan.
Ngumiti ako, hindi pa rin ito makangiti pabalik dahil sa pasan-pasan nitong kargada. He's too afraid and frustrated.
"Hmm. Kilala mo siya di'ba?" tumango naman si Ethan sa'kin.
"Can you bring me to her?" sabi ko habang nakangiti.
"Are you sure about that, Athena?" Kabado nitong tanong sa'kin.
Tumango naman ako kay Ethan. "I'm one hundred percent sure that I want to see the young lady who took your first time." Pabiro kong sambit.
Napahawak nalang ako sa balikat ni Ethan. He sighed. Saglit pa nitong hinalikan ang palad ko, patuloy pa rin ito sa paghingi ng kapatawaran sa'kin.
"Alam kong kabaliwan ang naiisip ko pero gusto siyang makita. I won't talk to her, I just want to see her. Hindi naman siya masamang babae di'ba?"
I stared at Ethan with too much conviction. Titig palang ay alam kong ramdam na ni Ethan kung gaano ako kadesididong makita kung sino man ang babaeng nakasama niya.
Tahimik lang itong tumayo at sinabing sumunod ako papunta sa kotse niya. Parang ayaw pa nitong umalis pero ako na mismo ang nag-abot ng susi sa kanya.
Saglit lang kami dahil hindi pwedeng maiwan ng mag-isa si Xelena sa bahay. Kelangan naming magmadali para sa anak ko.
Ethan started driving at a death defying speed hanggang tumapat ang kotse niya sa katabing bahay ng pagmamay-ari nito. Dahil tinted naman ang salamin ng sasakyan ay nilapit ko ang aking sarili para makitang mabuti kung sino man ang ituturo sa'kin ni Ethan.
Sakto namang may lumabas na babae mula sa malaking bahay. Slim, maputi, cold wave ang buhok nito at itim ang kulay, nakasuot ito ng apron pero may dala-dalang malaking bowl. Marahil ay may papakainin ito sa dog house nila. Pinagmasdan ko siyang mabuti, napaka-cute ng mukha nito, maliit na hugis puso at bilugan ang mga mata niya. Para siyang isang buhay na barbie. Mas matangkad lang ako ng konti sa kanya dahil mukhang nasa 5'4 lamang ito.
Napatingin ako kay Ethan, may pag-aalinlangan naman itong tumingin sa'kin. Lalo na nang mapansin naming medyo nahihirapang maglakad ang babae pero halata namang nilalabanan nito ang sakit.
I draw a deep sigh, pagkatapos ay muli nang nagmaneho si Ethan pabalik. Hindi ako makapagsalita, I don't know what to say.
Isa nalang ang nasabi ko kay Ethan nang makabalik na kami sa apartment ko.
"She's pretty, mukhang mabait at masipag. Mukhang hindi naman siya masamang babae, Ethan." I told him honestly, 'yon naman talaga ang nakita ko kanina.
Ngumiti lang ito sa'kin. Hinagilap ko naman ang kamay nito at marahang pinisil.
"I saw her crying. Pahikbi-hikbi siya." I intertwined our fingers. Ginalaw galaw ko ito na alam ko namang napansin ni Ethan.
"She's a good woman Ethan, don't worry. Hindi mo din naman siguro siya mabubuntis, siguro..." I gave him the benefit of the doubt.
I smiled at him in relief. Alam kong mahal ng Diyos si Ethan kaya wala itong planong hindi makabubuti sa binata. Mabuting tao si Ethan para hindi mapagbigyan sa mga kahilingan nito. I just want him to trust His will tulad ng ginagawa ko hanggang ngayon.
"Namamasukan siya sa pamilya Salvador as a housemaid kahit college graduate naman siya. She's like you Athena, she's in her biggest downfall when I first met her," mahinahon na ang boses ni Ethan ngayon.
Nakita ko din na unti-unti nang lumiwanag ang mukha nito. He's more relaxed now, napawi na ang pangamba niya.
Kung nasa ilalim man ang babaeng iyon marahil ay itinadhana talaga silang magkita dahil kailangang kailangan niya ng isang tulad ni Ethan ngayon.
Tulad ko, si Ethan din ang nagsilbing Knight and Shining Armor ko sa mga panahong wala akong makapitan. Hindi ito nagdalawang-isip na tumulong sa'kin. He's like a missionary who brought the light out of my dark world.
Tumayo nalang si Ethan nang narinig naming umiiyak na si Xelena. Sinabi nitong hindi na daw siya magtatagal at may duty pa siya sa ospital. Pinayagan ko na lamang siyang umalis at sinabing mag-iingat siya palagi. Tumango naman ito at nagpasalamat nalang sa'kin.
Tuluyang binalot ng katahimikan ang silid nang mawala si Ethan.
Napangiti nalang ako sa aking sarili.
I missed him so much, but I know there's no turning back with my decision.