Lumipas ang mga araw na unti-unti rin natatanggap ni Daddy ang sitwasyon ko, ang mga kasambahay naman, todo lang pag-alalay ngayon sa akin pababa ng hagdanan. "Grabe kayo, bababa lang ako ng hagdanan lahat kayo nakaalalay at nakaabang," saad ko bilang pananaway sa kanila. "Naku! Eh kung madulas kayo? Gumulong sa hagdanan? Kami po malalagot kina Madame at Mister," katwiran naman ni Tasya habang hawak ng bahagya ang braso ko. "Kaya ko naman maglakad na mag-isa, saka ang liit pa ng tiyan ko, normal pa mga kilos at galaw ko hindi pa ako nabibigatan." "Kahit na Ma'am, hindi po kayo ang susundin namin ngayon," saad naman ni Belinda na hawak naman ang isa kong braso. Napabuntong hininga na lang ako at hinayaan na sila. Napag-usapan na rin namin nina Mom at Dad na mag-ho-home school na ako sa