Araw-araw walang palya si Luke ng pagpunta sa bahay upang dalhan ako ng mga bulaklak at mukang si Mommy pa ang mas natutuwa kaysa sa akin. "Ang babango at ang gaganda ng mga bulaklak na dinadala ni Luke araw-araw!" tuwang sinabi ni Mommy habang inilalagay sa vase ang mga bulaklak. "Natutuwa po akong nagustuhan niyo," si Luke na katabi ko ngayon at pinapanuod namin si Mommy sa ginagawa nito. Kanina pa ako walang imik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, walang sinasabi sa akin si Luke kung ba't ba siya araw-araw nandito sa amin at parating mayroong pa-bulaklak. "Oo, hijo! Ang gaganda! Mga paboritong bulaklak namin ito ni Shantice!" pambobola pa ni Mommy sa binata kaya napairap ako. Kailan pa ako nahilig sa bulaklak? Luke just smiled at my Mom, sandali munang nagpaalam si Mommy na mag