"Bakit para atang pinagbagsakan ng langit at lupa iyang mukha mo, Shantice?" tanong sa akin ni Mommy habang kasalukuyan na kaming naghahapunan.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" si Daddy.
Dumako naman ang masamang tingin ko kay Cennon na abalang naglalagay ng tubig sa aming mga baso hawak ang isang babasagin pitsel.
Pahapyaw niya lang akong tinapunan ng tingin at saka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa.
Ngalay-ngalay kong sabihin sa kanila na dahil ito sa lalaking ito na parang walang nakita kanina!
Pakiramdam ko tuloy ay naging iritable ako simula nang naging taga-silbi namin siya rito sa mansion.
Bumuntong hininga na lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain. "Wala naman po, baka lang kulang ako sa gimik," sagot ko sabay subo ng hotdog.
Trip ko lang magpaluto ng hotdog dagdag ulam ko sa hapunan. Naiisip ko na lang kasi palagi ang junjun ni Cennon.
Ini-imagine ko na ito ang hotdog niya, kaya nang muli kong kagatan ay may halo nang gigil.
Tumikhim si Mommy. "No parties for now, Shantice. Mag-aral kang mabuti. Ikaw eh, graduating na next year."
Mas lalo lang ata nabusangot ang mukha ko sabay ilang ulit kong kinagatan ang hotdog ngunit sa pagkakataong ito may kasama nang pagsipsip.
Narinig kong may tumikhim sa gilid ko at pagbaling ko, si Cennon na pasimpleng nagpa-lipat-lipat ang tingin sa akin at sa hotdog na kinakagat-kagat ko habang may kasama pang pagsipsip.
Inirapan ko siya at muli na lang akong bumaling kina Mommy na abala na lang sa paguusap at mukang hindi naman bothered kung paano ko ba kainin itong hotdog na 'to, si Cennon lang itong epal, ayaw naman magpakain. Pakipot pa.
Inilapag ko na ang tinidor sa plato ko. "Maintain ang good grades ko Mom, never naman ako nakakuha ng tres. Kaya walang rason para hindi niyo ako payagan gumimik with my friends," pag-protesta ko.
"Shantice, just stay at home, okay? H'wag nang matigas—"
"Hindi niyo 'ko mapipigilan," putol ko sa pagsasalita ni Mommy nang hindi ko siya patapusin.
Stress ako kaya kailangan ko libangin ang sarili ko dahil wala namang ibang gagawa no'n.
Aalma pa sana siya nang hawakan ni Daddy ang kamay niya. "Let her be, honey. Stressful para kay Shantice ang nangyari sa kanila ni Van, kaya hayaan mo na iyang anak mo at alam mo namang naghahanap lang iyan ng libangan," saad ni Daddy kaya napangiti ako.
Pinagsaklob ang dalawa kong kamay habang ang dalawang siko nakalapat sa ibabaw ng lamesa at maamo ang mukha kong nakipagtitigan kay Mommy para hindi niya na ako buruhin dito sa bahay.
"Kaya gawa ng anak mo ang magustuhan niya, kunsintidor kang tatay," angil ni Mom.
Pagak lang na natawa si Daddy sabay hinagod ang kamay nito batid ang paglalambing. "Hayaan mo na, ih."
My Dad is cute the way he talks to my Mom, para lang silang mag-kasintahan na may hindi pagkakaintindihan ngunit sweet mag-usap.
Madalas ko ngang pangarapin na sana kapag nag-asawa ako balang araw, kagaya ng relasyon nila ang maging relasyon ko sa magiging asawa ko.
I suddenly giggled nang si Cennon ang unang pumasok sa isip ko na siyang magiging asawa ko.
Para lang naman akong nasa alapaap, habang ini-imahe na siya ang ang lalaking makakatuluyan ko. Alam ko naman masiyado pang maaga para mag-isip ng ganito, pero ewan ko ba, lakas ng tama ko sa kanya.
"Shantice," tawag ni Mommy sa akin pero heto ako ngiting-ngiting parang timang na nakatitig sa kawalan.
"Shantice!" paguulit ni Mommy.
Napapitlag ako at doon na ako natauhan "H-Ha? Ano po iyon?" Wala na 'kong narinig sa pinaguusapan nila dahil lipad ang isip ko.
Para akong may sariling mundo na tanging si Cennon lang ang laman ng isip ko. Malala na 'to.
"You're not listening, Shantice. Nakailang tawag na ba kami ng Mommy mo sa iyo, para ka diyang sira na pa-ngiti-ngiti." Si Daddy na mukang nawalan na ata ng pasensya kakakuha ng atensyon ko.
"You're acting weird lately. May hindi ka ba sinasabi sa amin ng Daddy mo?" Si Mommy naman na naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin na tila nananantiya.
Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nakaligtaang sabihin sa kanila? Aware naman silang gusto ko si Cennon.
Pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanila ang nangyaring nasasaksihan niya. Kahiya-hiya kung pati ba naman iyon sasabihin ko pa.
Alangan namang sabihin ko na nahuli ako ni Cennon sa silid ko na hubo't hubad habang bago ko pa lang sana uumpisahan ang pag-ma-masturbate? That's my personal privacy na.
Pero hindi ko malaman kung sikreto pa ba iyon dahil nakita na mismo ni Cennon ang mga pinaggagawa ko at nakita niya nang lahat sa akin. At hanga rin naman ako sa pagpipigil niya o sadyang wala nga akong epekto sa kanya?
Pero imposible... kapang-kapa ko kung gaano kaumbok at katigas ang kanya kaya hindi ako p'wedeng magkamali.
"Lahat naman po nasabi ko na sa inyo, wala na 'kong nililihim," tapat kong sagot sa kanila.
Tumango na lang sila at hindi na nagsalita pa at tinapos na ang kani-kanilang mga pagkain.
Ilang beses na naman akong nagpaikot-ikot sa kama, mag-a-alas dose na ng gabi hindi pa rin ako dinadalaw ng antok!
Kaya nga ba gusto kong mag-club kanina! Para naman maibsan kahit papaano itong kahalayang tumatakbo sa isipan ko simula pa kahapon.
Bumaba ako patungong ng kusina para magtimpla ng gatas, baka lang sakaling makatulong makapagpaantok.
Hindi na ako nag-abalang magbukas pa ng ilaw at binuksan ko na lamang ang ref. Gusto ko sana ng hot milk kaso cold fresh milk lang ang nandito, tinamad na akong initin kaya okay na 'to.
Nag-salin na ako sa baso at akmang iinumin ko na sana nang may humawak sa kamay ko at pinigilan ako. Gulat akong bumaling dito.
"H'wag niyong inuugaling uminom ng malamig na gatas," saad ni Cennon at kinuha niya mula sa kamay ko ang baso.
Sinundan ko siya ng tingin nang tumungo siya sa milk frother at doon niya ito iniinit. Napangiti ako at inilagay ang dalawang kamay ko sa aking likod at nilapitan siya.
"Thank you," I said sweetly in my cute voice.
Hindi niya ako tiningnan at sa halip nagtungo siya sa main switch at binuksan ang ilaw. Medyo nasilaw pa ako nang lumiwanag ang paligid.
"Hindi ka makatulog, Miss?" Bumalik siya sa frother kung saan niya iniinit ang gatas ko.
"Oo..." tipid kong sagot habang lilikot-likot ako na parang bata at palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa machine.
"Natulog ka ba kaninang tanghali?" tanong niya pa. "Gabing-gabi na, dapat tulog ka na."
"Hindi nga ako makatulog, at hindi rin ako natulog kaninang tanghali. Since you came here in our mansion, parang bigla akong nagka-insomia."
Siya tuloy ang nasisi ko. Pero totoo naman dahil sa kanya, sa kakaisip sa kanya kaya hindi ako makatulog.
"Oh? I'm sorry Ma'am if I made you up all night," he said in sarcasm but sounds amused.
He flinched when I suddenly touched his hard chest, ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng fitted shirt with sweatpants nang hindi suot ang uniporme niya.
He looks very fresh and masculine. His biceps are full, portion rin ang katawan niya, ang kanyang pang-upo ay tila ba kay sarap tampal-tampalin. So sexy.
"Yes... you're making me up and wet all night..." I whispered in my seductive voice and I continued tracing his chest down to his abdomen.
Kagaya lang ng kanyang nakagawian, hinawakan niya ako sa may pulsuhan ko para patigilin ako sabay inilayo ang kamay ko mula sa kanya.
"Miss, your milk is now warm," saad niya sabay lagay niya ng baso sa kamay ko.
Ang galing talaga nitong umiwas.
Hindi naman ganoon ka-init ito kaya nagawa niyang ipahawak sa akin. Mas napa-init niya pa nga ang ulo ko kaysa rito sa gatas na 'to.
Napabuntong hininga na lang ako at diretso ko nang ininom ang gatas, dahil wala sa loob kong ininom na lang basta, tumakas mula sa bibig ko dahilan para tumapon ito pababa sa leeg ko patungo sa cleavage kong malusog.
Manipis na cream lace night gown lamang ang suot ko kaya kitang-kita at malaya sa kanyang paningin.
"Ano ba iyan!" nasambit ko na lang nang inilayo ko ang baso mula sa bibig ko sabay patong sa counter island.
Ang lagkit pa naman nito kapag natuyo.
Pinunasan ko ng kamay ang dibdib kong natapunan, nawala nga rin sa isip kong nasa harapan ko nga pala si Cennon kaya naman natigilan ako at nag-angat ng tingin sa kanya.
Nahuli ko siyang titig na titig sa akin at nang matauhan siya, inihagilap niya ako ng tissue.
"Here." Inabot niya sa akin pero hindi ko kinuha at sa halip kinuha ko ang kamay niyang may hawak na tissue at idinikit sa dibdib ko na ikinagulat niya.
Batid ko na gusto ko, siya ang mag-punas.
Dunampi ang daliri niya sa kalambutan ko dahilan para mabilis siyang lumayo. Lumikha siya ng malaking distansya sa pagitan namin kasabay nang pangungunot ng noo.
"Don't ever do that again," he warned me.
I chuckled. "Ang alin?" I asked innocently.
Napapikit siya kasabay nang pagtaas-baba ng kanyang adams apple. "You're giving me a headache and much more stress." Nahilot niya ang kanyang noo patungong sintido.
Stress at sakit ng ulo ba talaga? O baka naman ibang ulo lang iyung sumasakit?
"H'wag mo na kasing pigilan... ilabas natin iyan," pilya kong sinabi sabay hawi ng aking buhok at mas malayang ipinakita sa kanya ang siksik kong cleavage na may takas pa nang gatas.
Ipinaling niya ang ulo niya sa magkabilang direksyon na tila ini-stretch niya ang leeg at bahagya siyang tumalikod mula sa akin at may sinabi. "Damn this woman..."
Bumulong siya na hindi ko naman narinig.