THIRD PERSON'S POV: Nahahabag na isa-isang kinukuha ni Shantice ang mga naka-hanger niyang damit mula sa closet habang ang mga maids na sina Belinda at Tasya ay nasa gilid niya lang at pinapanuod siya. Nagkakatinginan ang dalawa habang pinapanuod siyang inaalis ang mga damit niyang halos nagpapakita na ng kaluluwa sa tuwing suot niya. Ang karamihan dito hindi niya pa nasususot kaya labis siyang nanghihinayang. "Sigurado po ba kayo Ma'am na ipatatapon niyo na po ang lahat ng 'to?" Bakas naman ang labis na panghihinayang ni Belinda habang tulong silang dalawa ni Tasya na inilalagay sa boxes ang mga damit ni Shantice. "P'wede niyo namang h'wag itapon, ibenta niyo o kaya suotin niyo, hindi ko na rin iyan p'wedeng suotin pa," malungkot na saad ni Shantice at bakas na bakas sa mukha niya na