Hagikhikan ang narinig ko pagkapasok ko ng kusina para sana kumuha ng maiinom dahil ang inutusan kong si Tasya, anong petsa na wala pa ang juice na inutos ko. Ayon naman pala ito, nakikipag-harutan pa muna dito sa kusina habang kausap itong si Cennon at naabutan ko pang may pagkurot sa tagiliran nito. Wow! Close? Tumikhim ako. "Kaya pala ang tagal mo, inuuna mo muna ang pakikipag-harot." Natigilan sila at umayos ng tayo si Tasya sabay napahawak sa batok. "A-Ano, po Ma'am, pasensya na ito po kasing—" "Sshh!" I waved my hand to shut her up. "Back to work! Unahin ang trabaho bago landi, hindi ka binabayaran para kumiriray!" Umalis na nga ang maid kaya naiwan na kaming dalawa ni Cennon dito sa kusina. "Ako hindi mo magawang pansinin, tapos sa isang maid na gaya ni Tasya nakikipag-usap k