"Ma'am, may bisita po kayo," saad ng maid na si Belinda habang kasalukuyan akong nagbabasa ng libro dito sa entrada ng hardin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Sino raw?"
"Si Sir Van po Ma'am."
Agad-agad ay isinara ko ang libro at inilapag sa lamesa. "Papasukin mo."
Sakto lang ang pagpunta niya, hindi ko na kailangan pang makipag-kita sa kanya, siya na ang pumunta sa akin, pagkakataon ko na rin sabihin ang gusto kong sabihin.
"Baby!" Dinig ko na agad ang boses niya pagkapasok niya pa lang ng kabahayan. "I miss you so much!" Humalik siya sa pisngi ko.
Ni hindi na ako nag-abalang tumayo para salubungin siya, marahil nahalata niya na ang panlalamig ko kaya natigilan siya.
"What's wrong?" he asked in a bothered tone.
"Nagpakita ka pa?" pasinghal kong tanong at naupo siya sa katapat ng silyang katapat ko sabay hawak sa kamay ko.
"I was just busy these past few weeks—"
"Past few weeks?! Hindi ka lang busy ng nakaraang mga linggo, Van! Kundi buwan! Ilang buwan walang gaano communication! Hindi ko nga malaman kung buhay ka pa o natigpos ka na!" bulalas ko sa kanya na ikinaawang ng bibig niya.
Lumamlam naman ang kanyang mukha. "I'm sorry, Shantice. I know you're just worried, wala akong naging paramdam sa iyo sa kadahilanang sobrang daming naging problema sa company, ayaw ko na rin ipaalam pa sa iyo para h'wag ka nang magaalala."
Sino namang nagsabing nagaalala ako? Well to be honest I don't really care, I don't wanna give a damn about it.
Umayos ako ng upo at pinakatitigan siyang mabuti. "Saan sa tingin mo hahantong ang relasyong wala nang communication? You think, may patutunguhan pa?"
"What do you mean by that, Shantice?" he asked in a bother tone. "I know I was wrong, matagal ako walang paramdam sa iyo, pero nandito na 'ko ngayon," saad niya pa na may mas pangamba at puno ng panunuyo sa akin dahil alam niya na ang ibig kong ipabatid sa kanya.
"Since I started having a relationship with you, naging open ako sa iyo sa lahat-lahat. Sa nararamdaman ko, sa mga ginagawa ko, hinayaan kitang pakialaman mo ang buhay ko. But do you think, it is still worth it to continue this kind of relationship? Ngayon pa nga na pinararamdam mong labas ako sa buhay mo?"
Mas natigilan siya sa sinabi ko. Ako pa man din iyung taong kapag nakapag-desisyon na, pinal na iyon, wala nang pagkukuli pa.
"Shantice, please? Hear me out, baby," mas humigpit ng hawak niya sa kamay ko kaya napadako ang tingin ko sa kamay namin at nag-angat ako muli ng tingin sa kanya.
"Hindi pa ba kita pinakikinggan sa lagay na 'to, Van? Pinakikiharapan kita ngayon at lubos na pinakikinggan. So I'm also expecting that you are listening too, at iintindihin mong mabuti ang mga sinabi ko sa 'yo," mataray kong saad sabay bawi ng kamay ko mula sa kanya.
Hindi niya naman inaasahan ang pagbawi ko sa aking kamay. Hindi ko alam kung bakit sa isang iglap, wala na akong maramdaman kahit nasa harapan ko na siya ngayon.
Ayaw ko na rin ng pakiramdam na hinahawakan niya ako. Para bang naaalibadbaran na ako.
Tila rin ang dali-dali itapon na lang ng tatlong taon naming pinagsamahan, at ni hindi nga rin ako nakaranas manlimos o maghabol sa atensyon at oras niya sa loob ng tatlong taon na iyon.
Kung wala man siya oras sa akin para bang hindi na iyon ganoon ka-big deal pa at hindi ko na kailangan pang mag-text o tumawag para magtanong kung ano bang pinaggagawa niya sa buhay.
Tanging pagkasawa na lang ang nararamdaman ko para sa kanya.
Siguro kung ano man galit ang pinapakita ko ngayon sa kanya, butas na lamang iyon para makakalas ako sa relasyong 'to.
"Shantice, I'm sorry, okay? Hindi ko intensyon hindi magparamdam at mawalan ng oras sa iyo, sadyang ayaw ko lang pati ikaw mag-isip kaya hindi ko na ipinaalam ang problemang kinakaharap ko," he explained with his pleaded eyes.
"Hindi iyan rason para ilang buwan kang hindi magparamdam sa akin. Alam mo ba pakiramdam ko? Parang nang-ghost ka eh!" pabulyaw kong sinabi. "Masisisi mo ba 'ko kung sasabihin kong gusto ko nang makipaghiwalay?"
Parang na-estatwa naman siya sa huli kong sinabi at nagulat ako nang mabilis niya 'kong dinukwang sa lamesa at marahas na kinuha ang kamay ko sa bandang pulsuhan dahilan para manlaki ang mga mata ko.
"Hindi! Walang maghihiwalay!" Ang kaninang mukha niyang puno ng pagsusumamo ay napalitan ng nakakatakot na mukha.
Baliw ba siya?!
Pilit ko namang binabawi ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan kaya sa pagkakataong ito ay nakaramdaman na ako pagpa-panic at pagkataranta kahit nasa sarili akong bahay.
Sa tatlong taon namin, ngayon ko lang siya nakitang naging ganito ka-agressive!
"Let go of her." Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang mariing boses ni Cennon.
Tila bigla akong hibang na napangiti nang makita siya. "Cennon!" tuwang sambit ko sa kanyang pangalan.
Parang nakakita ako ng superhero! Bumangon bigla ang tuwa sa akin, napaka-good timing!
"At sino ka naman?" tanong ni Van sabay hagod ng tingin dito ngunit hindi siya nito sinagot kaya muli niya akong binalingan. "Bagong serbidor niyo ba rito, Shantice?"
Parang ako ang na-insulto sa kung paanong paraan niya tingnan si Cennon. Hindi hamak namang mas gwapo si Cennon kaysa sa iyo kahit taga-silbi lang iyan dito sa bahay. Kaya niya ngang pabasain ang panty ko na hindi mo magawa-gawa!
Kita ko kung gaano nag-dilim ang mukha ni Cennon habang ang atensyon niya ay nasa mga kamay kong mahigpit pa rin na hawak ni Van at ayaw bitiwan.
Pakiramdaman ko tuloy magpapasa na sa bandang pulsuhan. Imbis na bitiwan niya mas hinigpitan pa niya lalo dahilan para mapangiwi ako at napa-igik. "Aray!"
Kasabay no'n ang mas panlalaki ng mga mata ko nang sa isang iglap nagawang pilipitin ni Cennon ang braso nito.
"I told you to let go of her but you didn't listen," Cennon said in a scary voice which makes me gulp but giggle at the same time.
Pakiramdaman ko tuloy isa akong modernong prinsesang inililigtas ng gwapong maskuladong prinsipe.
I heard Van groaned in pain. "Let go of my hand! Fucker! Bakit ka ba nakikialam dito?!"
"Don't you think that it's not right to harass a woman especially she's inside in her own home?" Cennon asked in a sarcastic tone then he added much force to twist Van's arm dahilan para mapasigaw ito.
Natutop ko naman ang bibig ko sa gulat sabay napa-atras. Isang kamay lang ang gamit niya pero nagawa niyang pilipitin ang braso nito!
Imbis na maawa ako kay Van, mas lalo lang ata akong humanga sa taglay na lakas ni Cennon at ng kanyang fast reflexes...
Hindi pala dapat talaga ito ginagalit...
Nakakatakot pala.
"What's happening here?!" Boses iyon ni Daddy kaya sabay-sabay kaming napalingon sa papalapit nitong pigura.
Hindi binibitiwan ni Cennon ang kamay ni Van habang pinipiliit pa rin ang braso nito kahit na papalapit na si Daddy sa kinaroroonan namin.
Awang naman ang bibig niyang napatitig sa dalawang lalaki. Si Cennon na relax na relax lang habang hawak si Van na ngayon ay nahihirapan at nasasaktan.
"I'm sorry for this commotion, Mister. But this man, your daughter's boyfriend, is harassing her so I immediately made a move," sagot ni Cennon sa kalmadong boses.
"Let go of his arms, Cennon. Hindi naman na para mang-laban pa iyan," utos ni Daddy na tila humupa na ang pagkabigla at tanging bakas na lang ay ang galit sa tono.
"Totoo ba? You're harassing my daughter sa loob pa mismo ng pamamahay ko?" tanong ni Daddy kay Van dahilan para mapayuko lang ito habang nangingiwi sa sakit nang bitawan na siya ni Cennon.
"I'm sorry, Tito... I was just..." hindi siya makabuo-buo ng salita kaya napabuntong hininga na lang. "Nakikipag-hiwalay na po ang anak ninyo sa akin."
"Oh, so kaya ka nang-harass?" Dad asked in amusement with sarcasm at bumaling siya kay Cennon sabay tap sa balikat nito. "You did the right thing, Cennon."
Tumango si Cennon. "Should we call a police Mister?" tanong niya sabay muli nilang binalingan ang tahimik nang si Van.
"No, please. Let me handle this." Dad tapped his shoulder again sabay lapit kay Van.
"Ano man ang naging desisyon ng anak ko, dapat mong respetuhin, kung ayaw na niya sa iyo hindi mo na dapat ipinipilit pa. Hindi tamang magpakita ka ng ka-bayolentehan sa mismo pang pamamahay ko," saad niya rito sa kalmadong boses ngunit batid ang kanyang galit. "I let you off this time, Van. Pero h'wag ka nang makalapit pa sa anak ko," dagdag pa niya na ikinapanlumo nito.
"Pero Tito—"
"It's enough, hijo. Kung ayaw na ng anak ko, wala na tayong magagawa. We can't force someone to stay. Just accept that." Maayos pa rin ang naging pakikipagusap ni Daddy sa kanya.
Maybe he understands why Van suddenly burst into anger, naiintindihan ko na hindi rin biro ang tatlong taon pero sana rin naman maintindihan nito na ayoko na nga, na tinatapos ko na ang lahat sa amin.
Tahimik na lang at laglag ang balikat na umalis si Van habang hawak ang braso.
Napatingin naman ako sa aking magkabilang pulsuhan. Sinasabi na nga ba, magpapasa.
Kasalukuyang nag-uusap sina Cennon at Daddy, hindi ko alam anong pinaguusapan nilang dalawa dahil sa labas ng garden sila naguusap kung saan hindi ko rinig.
Tumungo na lang ako sa silid ko para makapagpahinga, na-stress ako bigla.
Hindi ko magawang maawa kay Van, siya ang unang nanakit at naging agresibo at siguro kung wala si Cennon baka ano pang nagawa niya sa akin kahit nasa sarili akong pamamahay.
Nahagod ko na lang ang buhok ko at hinubad ang suot kong damit kasama na pati saplot para sana maligo nang biglang may kumatok sa labas ng pinto.
Kinuha ko agad ang pink bathrobe ko at isinuot saka ako tumungo sa pintuan sabay bukas ng saradura.
Tumambad naman sa akin ang seryosong mukha ni Cennon na may dalang isang ice pack na nakalagay sa maliit na plangganita. "You have bruises on your wrists, this can help you para hindi mag-tuloy ang pasa."
I'm expecting him to come in but instead iniabot niya lamang sa akin ang ice pack!
Imbis na kunin ko, nilawakan ko ang pagkakabukas ng pinto. "Come in."
"No, marami pa po akong gagawin, Miss." Inilagay niya lang ang ice pack sa kamay ko dahilan para mapanguso ako.
Akala ko pa naman, siya ang gagawa!
Pero naalala kong hindi pa nga pala ako nakakakapagpasalamat. "Salamat kanina."
"Next time, matuto kayong pumili ng lalaking hindi marunong manakit," payo niya habang nanatili lang casual ang kanyang mukha.
Napangisi ako nang may naisip na naman akong kalokohan na biglang pumasok sa makulit kong utak.
"Kaya nga nagustuhan kita unang kita ko pa lang sa iyo... dahil alam ko, hindi mo kayang manakit ng babaeng tulad ko..." saad ko sa malamyos kong boses.
Nangunot ang noo niya nang mas lumapit ako at pinadaanan ko ng index finger ang kanyang collar.
"At isa pa... lingid sa kaalaman mo, tumatanggap naman ako ng sakit sa katawan...iyung sakit na may... sarap."