CHAPTER FOUR

1614 Words
Bigo ako sa unang araw ng pang-aakit ko sa kanya, pero hindi bali, marami pa namang pagkakataon. Katatapos ko lang sa pag-i-skin care at patulog na sana ako. Inaayos ko na lang ang comforter nang may kumatok bigla sa labas ng pinto ng silid at bahagyang bumukas ito at pahapyaw na sumilip si Daddy. "May I come in, princess?" hinging permiso niya na ikinatango ko lang at naupo na muna ako sa ibabaw ng kama. "Sure, Dad," pagpapasok ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at naupo naman sa tabi ko. "I just want to talk to you about something," pauna niya. Mukang alam ko na agad kung anong gusto niyang pagusapan namin, marahil ay nasabi na rin sa kanya ni Mommy ang tungkol sa plano kong pakikipag-hiwalay sa long time boyfriend ko at tungkol din sa pagkakaroon ko ng gusto kay Cennon. "Kung tatanungin niyo po 'ko kung may gusto ba ako kay Cennon, oo na kaagad ang sagot ko riyan, Dad. I like him, I really like him," diretsuhang saad ko na walang pagkukuli kahit na hindi pa naman siya nagtatanong. Halatang nabigla siya at mariin napapikit and his lips turned into a thin line. Tila ba naging isang malaking problema iyon sa kanya na nagbigay alalahanin. "Napnsin ko nga kanina... hija." Ang tinutukoy ni Daddy ay ang naging kilos ko sa hapag habang naroon si Cennon. "But how about your long time boyfriend? Nasabi sa akin ng Mommy mo na balak mo na raw itong hiwalayan? Totoo ba?" Tumango ako. "Yes, Dad. Nag-uumpisa na akong mawalan ng gana sa relasyon namin, at isa pa, nandiyan naman si Cennon para pumalit," pilya kong sinabi dahilan para mahilot niya ang kanyang noo. "Anak, listen. Hindi tama iyan gayong may ka-relasyon kang tao. Minsan ang mga biglang bugso ng damdamin at ang pabigla-bilang desisyon naghahatid sa hindi rin magan—" "Dad, hindi pabigla-bigla ang desisyon ko dahil no'n ko pa pinag-iisipan hiwalayan si Van, at nang dumating si Cennon mas lalo akong nagkaroon ng dahilan. Gusto ko po si Cennon, I like him, uulitin ko ulit, gusto ko po siya," pinal ko nang sinabi na tila wala nang makakapagpabago pa ng isip ko. His face became soft and seems like he's in a deep thought... alam na alam nila ni Mommy na kapag may gusto akong isang bagay, kahit tao pa iyan hindi p'wedeng hindi ko makukuha. I'm desperate to have that man... kahit pa araw-arawin ko siyang akitin makuha ko lang ang interes at atensyon niya, gagawin ko at hinding-hindi ano mapapagod. Kung kinakailangan kong matuto sa gawaing bahay, gagawin ko rin, mapalapit lang sa kanya. Napa-iling na lang siya at tumayo na. "I guess, you like Cennon that much, young lady. But let's see if he will like you too... iba ang binatang iyon sa mga nakikilala mong mga lalaki riyan." Nagmistulang hamon iyon para sa akin. Ngumiti ako. "You will see, Dad. I can make him mine, in just one snap." Humalukipkip siya at nagbaba ng tingin sa akin habang ako nakatingala. "Sa totoo lang, Shantice. I don't like this idea na ikaw pa ang maghahangad sa lalaki pero alam ko rin na hindi kita mapipigilan kahit pa ang Mommy mo dahil diyan sa tigas ng ulo mo, pero dahil tiwala ako na hindi naman basta-basta ang binatang iyon at malaki rin ang respeto niya sa pamilya natin, alam kong hindi ka niya para patulan. Kaya sige, do all what you want." Para naman akong na-insulto sa parteng sinabi ni Daddy na hindi ako magagawang patulan ni Cennon dahil lang sa respeto sa pamilya namin at sa pagiging hindi nito basta-basta. Nanliit lang ako bigla... hindi ba ako bagay sa kanya? Tingin ba ni Daddy ang bagay rito ay iyung mga babaeng kagaya rin nito? Iyung ba na walang ka-arte-arte na hindi tulad kong spoiled? Hindi pala ako para patulan, huh? Malaki masiyado ang tiwala niyo sa lalaking iyon. Then let's see! Naniniwala ako na walang lalaking hindi titigasan sa kagaya kong ganito kaganda! Mula ulo, hanggang paa, maganda! Mag-iisang oras na ako paikot-ikot at pagulong-gulong sa kama at iniisip ang sinabi kanina ni Daddy sa akin. Nalamukos ko lang ang kumot at nagpapadyak sa inis. Kinaumagahan, puyat ako at hindi maganda gising, madaling araw na ako nakatulog kaya alam ng lahat ng tao rito na wala ako sa mood dahil halata sa mukha ko. Wala nagtangka kumausap sa akin o bumati, tumungo na lamang ako sa hapag kainan at solo lang ako maguumagahan sa mahabang lamesang ito dahil nauna na silang kumain at pumasok na sa mga trabaho. Bahagya pa akong napahikab habang pinaglalagay nila ako ng pagkain sa aking plato nang may maglagay naman ng isang basong mainit na gatas sa gilid ng table kaya napa-angat ako ng tingin. Si Cennon, pinag-timpla niya ako ng gatas. Bumaling naman ako sa maids na nag-serve sa 'kin. "Thank you," saad ko sa kanila at muli akong nag-angat ng tingin kay Cennon pero ang atensyon niya ay nasa dalawang maids na nag-serve sa akin. "Next time, let her put her own food on her plate, no need for you to almost feed her." Nagulantang naman ako sa narinig kong sinabi niya. Nagkatinginan ang mga kasambahay sa sinabing iyon ni Lennon! Nakagawian na nilang sa ganoong paraan nila ako pinagsisilbihan! Sino ito para baguhin ang nakasanayan? Hindi tuloy malaman ng mga maids kung sinong susundin nila, kung ako ba o itong butler na ito na kasisimula pa lamang kahapon! Dinaig pa nito ang mayordoma rito sa bahay. "Bakit mo sila inuutusang h'wag ako pagsilbihan sa ganoong paraang nakasanayan na nila?" tanong ko. "Miss, do you forgot what's the purpose of your arms and hands? Do you forget how to use it?" he said sarcastically that caused me of losing my appetite. Lumikha ng tunog ang mga paa ng silyang kinauupuan ko nang padarag akong tumayo at hinarap siya. "Are you ruining my morning?" Hindi porke't alam niyang gusto ko siya at wala rito ang mga magulang ko ay aasta siyang akala mo na rito sa bahay. "No, Ma'am. I'm just teaching you how to serve yourself on your own without these maids that almost looks like they're going to feed you using their own hands." I'll get his point but... okay! Fine! Huminga ako ng malalim at mariin na lang na pumikit sabay baling ko sa mga maids na mukang natutuwa pa na sinasabihan ako sa harapan nila ng lalaking ito. "Did you hear that? Wala nang magsasandok sa inyo ng ulam at kanin para ilagay sa plato ko! Simula ngayon, ako na!" pagalit kong sinabi at nang lingunin ko muli si Cennon bakas ang ngiting pilit niya lang pinipigilan ganoon din ang mga kasambahay. Bumuntong hininga na lang ako at padarag na naupo muli at nag-umpisa nang kumain. Dumako naman ang tingin ko sa gatas na siya ang nag-timpla, at kahit hindi ko siya tingnan alam ko na nasa likod ko lamang siya at tuwid na nakatayo habang may telang puting nakasakbit sa kanyang forearm. "Inumin mo muna ang gatas mo, Ma'am, hangga't mainit pa, maganda sa sikmura madaluyan ng init sa umaga," saad niya at ang kaninang pagkabanas ko sa kanya ay napalitan agad ng kilig! Tama siya maganda talagang nalalapatan ng init sa umaga... I giggled, kahit nanguya pa 'ko ininom ko ang gatas na tinimpla niya para sa akin. Tumagal ang tingin ko sa baso matapos kong pangalahatian... curious ako kung ganito rin ba ka-puti ang kanya... kung ganito rin ba ka-milky... matamis na maalat-alat, gatas niya ang gusto ko matikman sa susunod! Hindi ko namalayan napapangiti na pala ako sa kung anu-anong natakbo sa loob ng isip ko na magdamag siya lang ang laman. Narinig ko ang pagtikhim niya nang mapansin niyang tumatagal ata ang paninitig ko sa baso. Bueno, hindi niya naman alam ang iniisip ko, pero willing naman akong ipaalam, I giggled again. "Pati ba naman paninitig ko sa baso, pupunahin mo pa." Ibinaba ko na ang baso at muli nang ipinagpatuloy ang pagkain ko. Sakto namang pag-tuhog ko sa sausage gamit ang tinidor napaisip na naman ako bigla at napatanong sa isip kung ano kaya ang size ng kanyang sausage? Regular size? Large size? O Jumbo size? Alin kaya ro'n? Masarap sana kung mahaba... saka mataba. Para akong sira na napahagikgik mag-isa habang pinagmamasdan ang sausage na nakatuhog sa tinidor kaya muli ko na naman narinig ang pagtikhim niya sa gilid ko. Nang mag-angat ako ng tingin, nasa sausage din ang atensyon niya habang nagpa-lipat-lipat ng tingin sa akin at sa nakatuhog sa tinidor. "Ano na naman?" tanong ko pero hindi mababakasan ng galit kundi pagkatuwa. Nangunot ng bahagya ang noo niya. "Kumain nang kumain h'wag kung ano-anong iniisip." Natigilan naman ako. Tila nabasa niya ang tumatakbong ka-pilya-han sa isipan ko at bakit ba sa tono niya ay para bang ang bossy, bossy niya? Nadadala niya pa rin siguro ang pagiging sundalo niya pati rito sa bahay. Para tuloy bantay sarado niya ang mga kilos ko at required akong maging finesse! Well I'm finesse naman, hindi nga lang kasing pino niyang kumilos na akala mo robot na! Yes, he still moves like a human pa rin naman pero makikita mo kung gaano talaga siya ka-pino kumilos at kung gaano siya ka-disiplinado. Marahil ayaw niyang nakikita ang ganitong istilo ko dahil hindi ito ang nakasanayan niya kaya ngayon pinupuna niya ako at tila ba tinituturan ng tamang kilos. Hindi naman ako magaslaw! Nagkataon lang na... kung anu-anong napasok sa isip ko kaya ako napapahagikgik mag-isa. Siya rin naman ang may kasalanan, pasok siya nang pasok sa isip ko! Sana sa susunod, hindi lang isip ko ang pasukin niya, sana loob na rin ng panty ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD