"Kailan mo ba balak ipag-tapat sa bata na si Cennon ang Daddy niya?" tanong ni Mommy sa akin habang pinagmamasdan namin ang nahihimbing nang si Shawn. I sighed. "Just... just give me some time... ayaw ko namang biglain ang anak ko." Tumango si Mommy na batid na naiintindihan niya ako. "Pero nakita mo naman siguro kanina? Ayaw nang umalis ni Shawn sa kandungan ng Daddy niya, halata na naramdaman na agad ng bata, malapit na agad sila sa isa't isa." Muli akong bumuntong hininga nang may maalala. "Nagkakaintidihan na nga rin sila, mata pa lang ni Cennon napapasunod niya na ang anak niya samantalang ako, maga na ang lalamunan ko kakasigaw bago pa ako sundin nitong si kulit." Pinisil ko ang pisngi ng poging-pogi kong anak. Mom chuckled. "Mana sa ina ang katigasan minsan nang ulo pero ang muk