NAPAHINTO ako sa ginagawa ng makarinig ako ng mahinang katok na nangagaling sa pinto ng Studio room ko. Ibinaba ko naman ang hawak kong paint brush at tumayo ako sa pagkakaupo ko para pagbuksan kung sino ang kumakatok sa Studio room ko.
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa mata ko ang mukha ng kasambahay namin sa mansion.
“Yes?” wika ko dito ng magtama ang mga mata naming dalawa.
“Ma’am Ayanna, pinapatawag na kayo nina, Sir. Kakain na daw po kayo,” imporma niya sa akin kung bakit siya naroon.
“Anong oras na ba?” tanong ko naman sa halip na magbigay komento sa sinabi niya.
“Mag-a-alas siyete na po ng gabi,” sagot naman niya sa akin.
“Oh,” sambit ko naman. Dahil masyadong nakatutok ang atensiyon ko sa canvas ay hindi ko na namalayan ang oras. Halos limang oras na pala akong nasa loob ng Studio room.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. “Susunod na ako do’n. Ililigpit ko lang ang mga gamit ko,” sabi ko sa kasambahay namin.
“Okay po, Ma’am,” wika niya sa akin bago siya umalis sa harapan ko. Nang tuluyang nawala sa aking paningin ang kasambahay namin ay isinara ko muli ang pinto at binalikan ang ginagawa ko kanina para magligpit. Malapit na kasi akong matapos. Konting polish na lang at matatapos na ako sa huling painting ko na isasama ko sa exhibit next week.
Isa akong pintor. Graduate ako ng Fine Arts pero Homeschooling. Simula noong Pre-school at College ay Homeschooling lang ako.
I am introvert person, too. Hindi ako komportable sa maraming tao. Hindi ako sanay na makisalumha sa iba. I enjoy spending time with my family.
Kilala din sa buong Pilipinas ang obra ko. Pero sa likod ng aking obra ay pangalan ko lang ang kilala. Hindi kilala ang hitsura ko dahil never akong nagpakita at nagpakilala sa publiko. Tanging manager ko lang ang nakakakilala sa akin. Sa katunayan nga ay binansagan ako ng publiko na, Mysterious Painter.
Nang matapos ako sa pagliligpit ng gamit ay pumasok ako sa isang pinto na naka-konekta sa kwarto ko. Magkatabi kasi ang Studio room at kwarto ko.
Dumiretso ako sa loob ng banyo para maghugas ng kamay. Tinanggal ko din ang suot ko na salamin sa mata para maghilamos ako ng mukha. Nakita ko kasing may bakas ng pintura sa mukha ko. Nang matapos ay kinuha ko na ang tuwalya na nakasabit sa loob ng banyo at pinunasan ko ang mukha at kamay ko.
Kinuha ko muli ang salamin at isinuot sa mata ko. Lumabas na din ako ng banyo at tuloy-tuloy ako sa paglabas ng kwarto para magtungo sa dining table namin.
Pagdating ko naman sa dining area ay nakita ko si Mama at Papa na nasa harap na ng dining table. Mukhang ako na lang ang hinihintay.
“Ma, Pa,” tawag ko sa atensiyon ng mga magulang ko ng tuluyan akong nakalapit.
“Maupo ka na, Ayanna,” wika naman ni Papa nang mag-angat siya ng tingin sa akin.
Humila naman na ako ng silya sa tapat ng Mama ko. At nang magtagpo ang paningin namin ay nginitian ko siya. She smiled back at me.
“Okay. Let’s pray first,” wika ni Papa mayamaya. Siya na din ang nag-lead ng prayer. Ipinikit ko naman ang mata ko nang mag-umpisang magdasal si Papa. Nagpasalamat siya sa mga pagkaing nakahanda sa mesa.
“Amen.” Halos sabay na sambit naming dalawa ni Mama ng matapos magdasal ni Papa.
“Let’s eat.”
Nag-umpisa na kaming tatlo na kumain. At habang kumakain kami ay napatingin ako kay Papa ng tawagin niya ang pangalan ko.
“Ayanna.”
Nag-angat ako ng tingin kay Papa. “Yes po?” magalang kong tanong.
“Next, next month ay anniversary ng Del Valle Chain of Hotels. At may Anniversarry party na magaganap. Gusto naming isama ka at para na din ipakilala sa mga Board of Directors ng kompanya,” wika ni Papa sa akin. Hindi pa ako nakikita ng mga Board of Director ng kompanya namin. Kapag may gathering kasi sa kompanya ay hindi ako sumasama.
Saglit ko namang kinagat ang ibaba kong labi. “Papa alam niyo namang ayoko sa mga party, eh,” sagot ko.
“I know,” sagot naman ni Papa. “Pero kailan mo naman gustong magpakilala sa mga Board of Directors ng kompanya? Kapag pareho na kaming wala ng Mama mo?”
“Pa, don’t say that. Hindi kayo mawawala ni Mama,” sabi ko naman.
Bumuntong-hininga si Papa “Ayanna, sinasabi ko lang ang posibilidad na pwedeng mangyari. We’re not getting any younger. Tumatanda na kami ng Mama mo at hindi namin hawak ang buhay namin. Paano kong bigla kaming nawala ng Mama mo?”
Hindi ko naman maipaliwanag ang sakit na lumukob sa puso ko habang pinapakinggan ko ang sinasabi ni Papa. Alam ko namang habang buhay ay hindi ko sila makakasama. But I’m not still ready, lalo na at nasanay ako na nasa tabi sila. Nakadepende pa din kasi ako sa magulang ko kahit na beinte sinko na ang edad ko.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko para pigilan ang emosyon na gustong kumawala sa aking mata.
Sa pangalawang pagkakataon ay muli kong narinig ang pagbuntong-hininga ni Papa. Tahimik lang naman nakikinig si Mama sa pag-uusap namin. At kahit na hindi magsalita si Mama ay alam ko na sang-ayon siya sa sinasabi ni Papa.
“Hinayaan ka namin sa gusto mo dahil gusto naming maging masaya ka, Ayanna. But thing is different now. You’re not younger anymore; you are twenty five years old. And we want you to spread your wings. Hindi iyong lagi ka na lang nagkukulong sa kwarto mo o hindi kaya ay sa studio mo,” dagdag na wika ni Papa sa akin. “At ngayon, kami naman ang masusunod ng Mama mo. And whether you like it or not you’re coming with us to the upcoming anniversary of our company. At para na din ipakilala ang nag-iisang tagapag-mana namin.
Tumingin naman ako kay Mama para humingi ng saklolo. “I’m sorry, Ayanna. But I agree to your father. This is for your own good.”