NAPAKURAP-kurap ako ng mga mata habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin matapos akong ayusan ng isang make-up artist. Hindi ko din maiwasan ang mapatitig sa hitsura ko sa sandaling iyon.
I looked different right at the moment. Parang hindi ko nakikilala ang sarili ko habang nakatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Para akong nag-transform sa ibang tao.
From naive to strong woman. But yet, I’m still beautiful.
Para nga akong si Cinderella na may Fairy God Mother dahil sa isang iglap ay nagbago ang hitsura at ang pananamit ko. I am no longer wearing those thick glasses of mine. I’m already wearing contact lenses.
Hindi ko na din suot ang madalas ko na isuot na T-shirt at pantalon. Nakasuot kasi ako na kulay pulang dress na hanggang tuhod ko ang haba kaya litaw ang makinis kong legs. Sleeveless din pero ang sleeve ng suot ko ay medyo makapal. Medyo hapit din sa katawan ang suot ko kaya kitang-kita ang magandang hubong ng katawan ko.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Saglit pa akong nakatitig sa hitsura ko bago ako umalis sa harap ng salamin. Kinuha ko ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng bedside table at saka ako lumabas ng kwarto. Medyo dahan-dahan pa ang ginawa kong paglalakad dahil hindi pa ako sanay na magsuot ng mataas na heels. Nag-practice pa nga ako ng ilang araw hanggang sa medyo na perfect ko ng konti ang paglalakad na may suot na heels.
Ngayong gabi ay ipapakilala na ako bilang bagong CEO ng Del Valle Chain of Hotels—ang kompanyang iniwan ng magulang ko sa akin. Dahil nag-iisa akong anak ay sa akin napunta ang obligasyon para patakbuhin ang Del Valle Chain of Hotels. Wala naman akong ibang kamag-anak na pwedeng tumulong sa akin.
Sa totoo lang ay wala akong kaalam alam sa pagpapatakbo ng kompanya. Hindi ako Management Graduate. Fine Arts Graduate ako at Homeschooling pa.
At sa halip na tumulong ako sa magulang ko noon sa pagpapatakbo sa kompanya namin ay mas pinili ko ang maging isang pintor dahil do’n ako masaya. Pero dahil sa malaking obligasyon na iniwan sa akin ng magulang ko noong mamatay sila ay kailangan kung iwan ang pagiging pintor ko para patakbuhin ng mag-isa ang kompanya namin. Gayunman, nasa puso ko pa din ang pagiging pintor. Hindi iyon mawawala.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa bumaba ako sa Grand Staircase ng mansion namin. Nasa kalagitnaan na ako sa paglalakad sa hagdan nang makita ko si King Ezekiel na nakatayo sa may ibaba ng hagdan. Nakatalikod siya sa akin. At nang maramdaman niya ang presensiya ko ay lumingon siya at agad na tumutok ang tingin niya sa dereksiyon ko.
Hindi ko napigilan ang mapalunok nang makita ko ang pagpasada ng tingin niya sa kabuuan ko. Tumigil ang tingin niya sa mukha ko. At napansin ko na titig na titig siya sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita ang admiration na nakabalatay sa mukha niya habang nakatitig siya sa akin. Hindi ko din maiwasan ang pamulahan ng mukha sa sandaling iyon.
Saglit ko ding sinalubong ang titig niya bago ako nagpatuloy sa paghakbang. Humawak naman ako sa gilid dahil pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko dahil sa mainit na titig niya. Hindi ko naman maintindihan si King Ezekiel kung bakit ganoon siya tumitig sa akin.
Malapit na ako sa huling baitang ng hagdan nang maglakad si King Ezekiel palapit para salubungin ako. Para nga siyang isang modelo habang naglalakad. Formal na formal tingnan ang lalaki. Nakasuot kasi siya ng tuxedo at sa loob ay isang puting long sleeve. Para nga siyang hindi Secretary ko. Para siyang may-ari ng isang malaking kompanya.
Inilahad naman niya ang kamay sa harap ko ng tuluyan siyang nakalapit. Saglit ko naman tinitigan ang kamay niya hanggang sa abutin ko iyon.
Nakaramdam ako ng parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa buo kong katawan ng madikit ang balat namin. At alam ko na naramdaman din niya iyon dahil sa klase ng titig na ipinagkakaloob niya sa akin.
And I feel my heart beat fast inside my chest as I look at him.
At dahil sa init ng kanyang titig ay nawalan ako ng konsentrasyon sa paglalakad dahilan para mawalan ako ng balanse.
Nanlaki ang mga mata ko ng mahuhulog ako sa hagdan. Pero naging mabilis ang pagkilos ni King Ezekiel dahil sinalo niya ako. Napasubsob ako sa matitipuno niyang katawan. Naramdaman ko din na pumaikot ang isang kamay niya sa maliit kong baywang.
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang maamoy ko ang mabangong amoy niya na nanunuot sa ilong ko. And I like the smell of him. Napakabango kasi ng amoy niya at hindi masakit sa ilong.
“Are you okay, Miss Ayanna?” tanong niya sa akin sa buong-buo na boses. Lumayo naman ako sa kanya at umaayos ako sa pagkakatayo. At nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko siyang titig na titig na naman sa mukha ko.
Napalunok ako ng makailang ulit. Parang may paro-paro na naglalaro sa tiyan ko habang nakikipagtitigan ako sa kanya. I can’t explain my feelings.
King Ezekiel Salvador is my secretary s***h my mentor. Dahil nga wala akong alam sa pagpapatakbo sa kompanya ay naisipan ko na mag-hire ng taong eksperto sa business. At sa tingin ko ay qualified naman ang lalaki sa hinahanap ko. Graduate kasi siya sa prestihiyosong Unibersidad sa bansa. And of course, King Ezekiel is a Management Graduate and he passed with flying colours.
And so far so good, hindi naman ako nagsisisi sa pagkuha sa kanya dahil marami akong natututunan.
“Miss Ayanna?” untag niya sa akin ng hindi pa ako sumasagot sa tanong niya.
Napakurap-kurap ulit ako ng mga mata nang marinig ko ang baritonong boses niya na tumawag sa pangalan ko. I bit my lower lip as I remove my gaze from him.
“O-okay lang ako,” sagot ko sa kanya. Lihim ko ding pinagalitan ang sarili ko dahil sa pagkautal ng boses ko. Naalala ko kasi ang bilin niya na kapag kinakausap daw ako ay hindi dapat ako mautal. Dapat sa boses ko pa lang daw ay makikita at maramdaman na powerful ako, na hindi ako mahina para hindi pagduduhan ng mga Board of Directors ang kakayahan ko na mamuno sa kompanya.
Kinagat ko ang labi ko. “I’m sorry,” I apologize to him.
Napansin ko naman ang pagbaba ng tingin niya sa labi na kagat ko. Napansin ko din ang paggalaw ng Adam’s apple niya. Inalis naman na niya ang tingin sa labi ko at inilipat na niya iyon sa mata ko.
“Apology accepted. But next time, do not stutter when you speak,” he said to me.
Isang tango lang naman ang isinagot ko sa sinabi niya. Mayamaya ay napatingin ako sa braso niya ng ilahad niya iyon sa harap ko.
“Let’s go?” yakag na niya sa akin paalis.
Tumango naman ako. Pagkatapos ay umabrisiyete ako sa kanya. Naglakad na kaming dalawa palabas sa mansion at tumigil sa itim na kotse na nakaparada sa labas.
Pinagbuksan naman niya ako ng pinto sa may backseat. Lihim ko namang kinagat ang ibabang labi ko nang makita ko na inilagay ni King Ezekiel ang kamay niya sa bubong ng kotse ng pumasok ako sa loob. Ginawa niya siguro iyon para hindi ako mauntog sa bubong ng kotse.
Ang sweet niya, sa totoo lang.
“Thanks,” sambit ko sa mahinang boses, hindi ko naman alam kung narinig ba niya o hindi. Pero mukhang narinig niya dahil nagsalita siya bago niya isinarado ang pinto.
“Welcome.”
Ibinaling ko naman ang mukha sa gilid ko para itago kay King Ezekiel ang pamumula ng pisngi ko nang pumasok din siya sa loob ng driver seat. Nag-presenta kasi siya na ipagmaneho ako sa venue kung saan gaganapin ang party.
“Wear your seatbelt, Miss Ayanna.”
Napatingin ako sa rearview mirror ng marinig ko ang boses niya. Nakita ko din siya na nakatingin sa akin mula sa rearview mirror.
Isinuot ko naman ang aking seatbelt. At nang makita ni King Ezekiel iyon ay pinaandar na niya ang kotse paalis.
Habang nasa biyahe kami ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng kaba. Naramdaman ko din ang pamamawis ng palad ko. Pinagsalikop ko ang dalawa kong kamay.
At mukhang nakita ni King Ezekiel ang ginawa ko dahil muli kung narinig ang boses niya.
“Don’t be nervous, Miss Ayanna. You can do it,” pagpapalakas niya sa loob ko.
Tumango naman ako bilang sagot sa sinabi niya sa akin. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. Pero lalo akong kinabahan ng makarating kami sa pupuntahan namin na dalawa.
Nang maiparada niya ang kotse ay bumaba siya do’n para pagbuksan niya ako ng pinto. Naramdaman ko pa ang panginginig ng binti ko ng bumaba ako ng kotse.
Iminuwetra naman niya ang braso sa akin. Kumuyapit naman ako do’n at sabay na kaming dalawa na naglakad patungo sa loob ng venue. Napahinto kaming dalawa sa paglalakad ng makarating kami sa nakasarang bulwagan.
Napansin ko naman na inilabas ni King Ezekiel ang cellphone niya at may tinawagan siya. “We’re here,” wika niya sa kausap niya sa cellphone.
At mula sa loob ng bulwagan ay dinig na dinig ko ang boses ng emcee na nagsasalita.
“Ladies and gentlemen. Please welcome the new CEO of Del Valle Chain of Hotels.”
Binuksan na ni King ang pinto ng bulwagan. At inudyukan ako na pumasok na sa loob. Dumagundong ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam ko ay may batong nakadagan sa binti ko dahil hindi ko iyon maihakbang. Parang na-blangko bigla ang utak ko.
I look at King Ezekiel. Napansin ko na nakatingin din siya sa akin. At nang magtama ang paningin namin ay nginitian niya ako. Hindi ko naman alam kung ano ang mayro’n sa ngiti niya dahil no’ng nginitian niya ako ay nakaramdam ako ng lakas.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga bago ako humakbang papasok sa loob ng bulwagan. At kasabay ng pagtahimik ng paligid ay napansin ko ang pagtutok ng tingin ng lahat sa akin. Deretso lang naman ang tingin ko habang naglalakad ako. Pilit ko ding nilalabanan ang kaba na nararamdaman ng puso ko sa sandaling iyon.
Umakyat naman na ako sa stage at kinuha ko ang micropono na inabot sa akin.
“Good evening, everyone!” bati ko sa lahat, lihim akong nagpasalamat sa sarili ko dahil hindi ako nautal. “I’m Ayanna Del Valle. And I am the new CEO of Del Valle Chain of Hotels,” pagpapakilala ko sa aking sarili sa buong-buong boses. “It’s nice to meet you and I happy to working with you all,” dagdag ko pa.
Makalipas naman ng ilang segundo ay nakarinig ako ng isang palakpak. Nang hanapin ko kung sino ang pumalakpak ay nakita ko si King Ezekiel. Nakangiti siya sa akin habang pumapalakpak siya.
At mayamaya ay nakarinig na ako ng masigabong palakpakan bilang pagtanggap sa `kin bilang bagong CEO ng kompanya.