Chapter 2

891 Words
PINARADA ko ang minamanehong kotse sa parking lot ng building kung saan matatagpuan ang exhibit. Ngayong araw kasi ang exhibit ng mga Painting ko at open iyon for public. Nang ma-i-park ko nang maayos ang kotse ay pinatay ko na iyon. Pagkatapos ay kinuha ko ang sling bag ko na nakapatong sa ibabaw ng passenger seat at dinampot ko na din ang cellphone ko na nakalapag sa dashboard ng kotse saka ako bumaba. Akmang maglalakad na ako papasok sa loob ng building nang mapahinto ako ng tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag at nakita ko na ang manager ko ang tumatawag sa akin. Agad ko namang sinagot ang tawag niya. “Hello?” “Ayanna, where are you?” tanong agad ni Nicole sa akin pagka-hello ko. “Nandito na ako sa exhibit,” sagot ko naman sa tanong niya. “Oh, I’m sorry. Hindi kita nasamahan diyan. Na-late na kasi ako ng gising,” she apologized to me. “At kapag tumuloy pa ako, baka hindi na kita maabutan diyan.” “It’s okay. I’ll understand,” sagot ko naman, wala namang problema sa akin iyon. “Basta ikaw na lang bahala dito mamaya,” dagdag ko pa na sabi. Mabilis lang naman ako sa exhibit, aalis ako agad kapag nakita ko na okay na ang lahat. “Of course. Of course,” wika naman sa akin ni Nicole bago siya nagpaalam. Nang mawala sa kabilang linya ang aking manager ay nagpatuloy na ako sa paglalakad papasok sa loob. Ako lang ang tao na nando’n. Mamayang alas otso pa kasi magbubukas ang exhibit. Maaga ako ng isa at kalahating oras do’n. Talagang sinadya kong agahan ang pagpunta dabil alam kong wala pang tao do’n. At mamaya ay babalik ako pagkatapos ng public viewing ng exhibit ko para i-check ulit ang nangyari sa exhibit. Hindi ko naman napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko ng ilibot ko ang tingin sa mga painting ko na naka-display. Kakaibang saya ang nararamdaman ng puso ko sa aking obra. Pinaghirapan ko kasi ang lahat ng iyon para matapos ko lang. Mayamaya ay napatuon ang tingin ko sa isang painting na nakasabit sa gitna ng pader. Sa lahat ng obra ko ay iyon ang pinakapaborito ko. Humakbang naman ako palapit do’n. Inayos ko ang suot kung eye glass habang tinitigan ko ng maayos ang aking obra. Masaya at kompletong pamilya ang obra na tinitingnan ko sa sandaling iyon. Nakangiti ang Ama at ang Ina habang hawak sa magkabilang kamay ang anak. At kitang-kita din sa mukha ng bata ang kasiyahan habang hawak ng magulang ang kamay ng bata. Sa totoo lang, habang iginuguhit ko ang painting ay ang nasa isip ko ay ang sarili kong pamilya. Ganoon kasi kami kasaya noong bata pa ako. “I think Mysterious painter is family oriented.” Mayamaya ay nagulat ako ng marinig ko ang baritonong boses ng isang lalaki sa likod ko. Lumingon ako at hindi ko inaasahan na ang lapit-lapit lang ng lalaki sa akin dahil noong paglingon ko ay agad na tumama ang mukha ko sa matitipuno niyang dibdib dahilan para malaglag ang suot kong eye glass sa sahig. “Oh,” sambit ko ng malaglag iyon. At nang akma kong pupulutin ang salamin ko ay ang pagyuko din niya dahilan para mauntog kaming dalawa. “Aww!” daing ko. Hinawakan ko ang noo at hinaplos ko iyon ng makaramdam ako ng bahagyang sakit mula sa pagkakauntog namin. “You okay, Miss?” tanong ng estrangherong lalaki sa akin. Isang tango lang naman ang isinagot ko sa kanya. Akma kong pupulutin ang eye glass ko ng pulutin din niya iyon. Nagdikit tuloy ang mga kamay naming dalawa. At sa pagdidikit ng mga kamay namin ay parang may kuryenteng dumaloy sa buo kong katawan at alam ko na naramdaman din niya iyon dahil nag-angat siya ng tingin sa akin. Agad namang nagtama ang mata naming dalawa. And I can’t take my eyes off him. Parang kasing magnetiko ang itim na mata niya dahil hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. At aaminin ko, kahit na hindi ko suot ang salamin ko sa sandaling iyon ay kitang-kita ko ang taglay niya ka-gwapuhan. Mula sa itim na mata niya, sa matangos na ilong at sa medyong namumula na labi. The man infront of me is oozing with s*x appeal. “Miss, your eye glass.” Napakurap-kurap ako ng mga mata ng marinig ko ang boses niya. At kahit na hindi ako nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin ay alam kung kasimpula na ng kamatis ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman. Mabilis ko namang iniwas ang tingin ko sa lalaki at umayos ako sa aking pagkakatayo. Pagkatapos ay kinuha ko ang eye glass ko at isinuot ko iyon. “S-salamat,” halos pabulong ko lang na sabi sa kanya bago ko siya nilagpasan. “Wait, Miss!” Narinig ko pang tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad palabas sa exhibit hanggang sa makarating ako sa tapat ng kotse ko. Mabilis ko namang binuksan ang pinto ng driver seat at pumasok ako sa loob. I sighed in relief. Tumaas din ang kamay ko at sinapo ko ang kaliwang dibdib ko ng maramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa sandaling iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD